Chapter Three

17.2K 1K 98
                                    

Chapter Three


"Huff... huff..."

Habol ang hininga na lumapit sa parking lot ng school ang apat na magkakaibigan.

"Mama!" tawag ni Savanah sa kanyang ina.

"Bana, bakit mo ba ako pinapunta rito? Pumasok na tayo sa building," sabi ng Mama ni Savanah.

"Wala na po akong time na magpaliwanag, umalis na tayo rito!" nagmamadali nitong hinila ang ina.

"Sandali lang naman, bata ka. Bakit mo ba ako hinihila?"

Pinanood ni Solan na kumbinsihin ng kanyang mga kaibigan ang kanilang mga magulang na umalis. Nilingon niya ang black hole sa langit, patuloy iyon sa paglaki.

"May sasakyan ako, sumama na kayo sa amin," sabi ng ama ni Alexi.

"Bakit ba tayo nagmamadali? Saan tayo pupunta?" tanong ng Lola ni Kyra.

"La, aalis tayo rito. Hindi ligtas dito," paliwanag ni Kyra habang akay ito sa paglalakad.

May dalang kotse ang Mama ni Kyra kaya naman humiwalay sila sa grupo.

Lumapit silang natitira sa itim na van at sumakay. Anim silang lahat na laman ng sasakyan; ama at ina ni Alexi na nasa front seat, Mama ni Savanah, at ang tatlong na magkakaibigan.

Mabilis na nag-start ang dalawang sasakyan at umandar palabas ng school gate.

"Solan, ano na ang susunod na mangyayari?" tanong ni Savanah.

Nakagat ni Solan ang ibabang labi. "Hindi ako sigurado. Hindi maliwanag ang panaginip ko. Ang alam ko lang ay may mga lalabas na ibang nilalang—"

"Ano'ng pinag-uusapan ninyo?" tanong ng ina ni Alexi. "Ano'ng ibig sabihin na may lalabas na ibang nilalang, Solan?"

"Ma, clairvoyant si Solan. Nakita niya sa panaginip niya na mangyayari ito. Kaya alam namin na dapat tayong umalis kaagad." Ipinaliwanag ni Alexi ang panaginip ni Solan sa mga magulang nito.

"Ang daming posts online tungkol sa black hole," pahayag ni Savanah habang nakatingin sa smart phone nito.

"Wala ba'ng paliwanag ang mga experts sa nangyayari?" tanong ng Mama ni Savanah. "Ang gobyerno?"

"Wala pa po, Ma. Pero maraming reporters ang live na ipinapakita ang black hole."

"Hindi iyon isang black hole," kontra ng ama ni Alexi. "Ang black hole ay nabubuo kapag ang gravity at ang radiation ng isang star ay hindi nag-balance at kapag nag-collapse ang core nito. Hindi basta lumalabas ang mga black holes sa langit. Iba ang bilog na iyon. May kakilala ako'ng expert pagdating sa mga ganitong bagay."

"Si Ninong Alfred po ba ang tinutukoy nyo, Pa?"

"Oo, kapag nakauwi tayo, tatawagan ko siya para malaman kung ano ang nangyayari. Kung totoo nga ang nakita ng kaibigan mo, kailangan ko itong sabihin sa Ninong mo."

Sampung minuto na simula nang umalis sila sa school. Maraming sasakyan sa daan at bumagal ang takbo nila. Maging sila ay gustong lumayo sa itim na bilog na iyon.

"Oh my God!" malakas na sabi ni Savanah habang nakatingin sa phone. "May lumabas sa black hole!"

Tumingin si Solan sa live feed na pinapanood ng kaibigan. Ilang libo... ilang daang libong insekto ang lumabas mula sa black hole.

Maririnig sa video ang sigawan ng mga taong nakakakita nito.

Mabilis na kumalat ang mga insekto sa langit at unti-unting bumaba.

They Came from the SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon