Chapter Eighteen

12.7K 877 58
                                    

Chapter Eighteen


Nang matapos ang pagpatak ng blood rain sa mundo, muli itong binalot ng pighati. Karamihan sa mga tao ay namatay. Ang world population na may eight billon, two billion nalang ang natira. At ang natitirang two billion na iyon ay puro awakened.

Ang blood rain ang tinatawag nilang second awakening ng mundo. Ang mga nasa malalayong lugar at hindi naapektuhan ng virus na galing sa meteor rain ay nagkaroon ng tyansa na maging awakened dahil sa ulan.

Sa bansa ni Solan, ang nabuhay lang sa south ay nasa thirty percent ng kanilang populasyon. Karamihan sa mga nagpapatakbo ng bansa ay namatay. Pansamantalang nawalan ng direksyon ang mga tao. Walang nagsasabi sa kanila kung ano ang dapat na gawin. Wala ring tulong na dumating. Lahat sila ay abala sa kanilang sariling pighati sa pagkawala ng kanilang minamahal. Walang panahon ang iba upang makiramay.

Pati ang kuryente at tubig ay biglang naputol. Wala silang balita tungkol sa mga nangyayari. Nabalot ng pagkalito ang mga tao, walang makasagot sa kanilang mga tanong.

Tumagal ng dalawang linggo ang kaguluhan na ito. Ang pinakamataas na rank na nabuhay ay ang General of the Army, si General Gregorio Vistamonte. Isa rin siyang awakened ngunit dahil sa edad ay hindi rin makaalis sa base nito. Siya ang namahala sa pagpapalakad ng bansa sa ngayon.

Kaagad siyang bumuo ng team, nagbigay ng utos, at ibinalik ang komunikasyon sa bansa.

Dalawang linggo makalipas ang kadiliman, nagbalik ang kuryente at tubig. Sa wakas ay kumalma ang mga tao. Nagbigay ng speech sa tv si General Vistamonte, nagpapahayag ng pakikiramay at pagkakaisa sa panahon ng trahedya.

Ilang base ang itinayo niya para sa mga survivors. Inutusan niya ang team ng mga awakened sa army na linisin ang mga mutated animals. Nanawagan din siya sa mga mamamayan na tumulong sa pagpuksa ng mga ito.

Makalipas ang isang buwan, ilang base sa bansa ang naglitawan at nagkaroon ng sense of belonging ang mga tao matapos ang pag-aadjust. Ngunit alam nilang hindi ito sapat.

Hindi pa sila nakakahinga sa trahedya na sinapit, may isa na naman silang problema. Ang tanging banta sa kanilang buhay: mutated animals at mutated plants.

Dahil hindi sapat ang army upang protektahan ang mga base, nagtayo ang mga awakened ng guilds. Sila mismo ang lumalabas ng base upang patayin ang mga mutated animals at plants. Ang mga guilds ang naging number one source ng supplies ng mga base.

Tatlong buwan ang lumipas nang mangyari ang blood rain, maayos na natapos ang pagtatayo ng pader paikot sa mga base. Ito ang magsisilbing depensa nila mula sa mga mutated animals.

Samantala, sa isang lugar na malayo sa base at pinamumugaran ng mga mutated animals. Isang dalaga ang abala sa pakikipaglaban sa isang higanteng oso na kulay puti. Puno ng galit ang pula nitong mga mata habang nakatingin sa isang babae na nakalutang sa hangin.

"Firebird!"

Hinawakan nang mahigpit ni Solan ang kanyang katana at mabilis na sumugod pababa sa oso.

"GRAAAAA!!!"

Sumirit ang dugo mula sa nahiwang likod ng oso. Sumigaw ito sa sakit at bumagsak sa lupa. Hindi ito makagalaw. Puno ng sugat ang buong katawan nito. Dahil kanina pa nagdudugo ang katawan ng oso, hinang hina ito at wala nang lakas pa upang lumaban.

Lumapit si Solan sa mutated bear at tinagpas ang ulo nito. Tumalsik ang ulo nito sa malayo at kaagad naman itong hinabol ng sisiw na si Gluttony.

[DING!]

[You have slain the Bear King!]

[Congratulations! You have successfully completed the Daily Quest!

They Came from the SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon