Chapter Nineteen

12.1K 878 161
                                    

Chapter Nineteen


[DING!]

[Your Daily Quest has arrived!]

[Kill the World Boss within 1 hour!]

Napakurap si Solan sa nakitang quest. World Boss? Mayroon lang siyang isang oras para patayin ang World Boss? Sa tunog palang ng pangalan nito, sigurado siya na malakas ito. Paano niya ito papatayin at saan niya ito makikita?

Bago pa makabangon sa kama niya si Solan ay nakita niya ang sarili na unti-unting naglalaho.

"Vivian!" tawag niya sa natutulog na kapatid sa kanyang tabi.

Mabilis na nagising ang bata dahil sa boses niya. Itinapon ni Solan si Gluttony mula sa resting space nito. Bumagsak ito sa sahig hindi kalayuan sa kama.

"Chii~?!"

"A-ATE?!"

"Dito ka lang, hwag kang aalis! Babalik—"

Bago pa matapos ni Solan ang kanyang sinasabi ay tuluyan na siyang naglaho. Puno ng pag-aalala ang kanyang dibdib. Mabuti nalang at naitapon niya kaagad si Gluttony. Kahit papaano ay may kasama ang kanyang kapatid at may katulong ito sa pagpatay ng mga mutated animals.

Napunta si Solan sa isang panibagong lugar. Tinignan niya ang paligid at nakita na nasa tabing dagat siya. Kumunot ang kanyang noo. Sa pagkakaalam niya ay malayo ang dagat sa kanyang pinaggalingan. Kailangan niyang makabalik kaagad.

Tumayo siya at naramdaman na lumubog sa buhangin ang kanyang mga paa.

Kinuha niya ang kanyang B-rank boots sa system bag at mabilis itong isinuot. Naka-oversized tshirt at shorts lang siya na pangtulog. Ang sino mang tao na makakakita sa kanya ay tiyak na kukwestyunin ang kanyang fashion sense.

Mabuti nalang at abala ang mga ito sa pagtingin sa mga isda na tinubuan ng mga paa.

"Mga piranha!"

Napakaraming gintong isda ang umahon sa dagat at naglakad papunta sa dalampasigan. Nang makita ng mga ito ang mga hunters ay kaagad silang sumigaw at tumakbo palapit.

"Ano pang hinihintay ninyo, atakihin nyo sila!"

"Shit! Sana ay may makuha akong malaking reward dito!"

"HYAAAAAAH!"

Limang hunters ang nakita ni Solan: paladin, priest, berserker, mage, at lancer. Dalawa sa mga hunters ay kilala ni Solan. Ito ay sina Milo at Atlas.

"WIND SLASH!" Unang umatake ay ang Paladin na si Atlas. Tatlong slash sa hangin ang lumipad palapit sa mga isda.

"ETERNAL LIGHT!" Sinuportahan naman ito ni Milo na naglabas ng maliwanag na ilaw. Kaagad na napapikit ang mga isda dahil sa liwanag.

"HAMMERFALL!" Sunod na sumugod ang lalaking berserker na may hawak na malaking martilyo. Ibinagsak nito ang martilyo sa buhangin at kaagad itong lumikha ng malaking butas. Nahulog doon ang ilang piranha.

"PYRO BLAST!" sigaw ng babaeng mage na may hawak na wand. Limang bolang apoy ang tumalsik sa mga isda.

"LIGHTNING STRIKE!" May hawak ang babaeng lancer na mahabang stick na may steel blade sa dulo. Naglabas iyon ng kuryente at tumama sa mga mutated fish.

Nanatili si Solan sa kanyang kinatatayuan at pinanood ang mga hunters. Dinala rin ba sila rito ng quest? Mukhang malakas ang mga ito. Kung makakalaban niya ang mga hunters na ito ng one-on-one, mananalo kaya siya? Gaano kaya sila kalakas?

They Came from the SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon