Chapter 45.

10.6K 262 20
                                    

Chapter 45.

Laarni's POV

Pagdating namin sa tapat ng bahay. Nanglaki ang mata ko dahil sa nakita kong mga sasakyan ng police. Dali-dali akong lumabas sa kotse ni Abrylle at mabilis na tumakbo papasok ng bahay. Hingal na hingal man pero agad kong nilapitan si Mama na umiiyak habang si Tito Fred ay hawak ng mga police.

"Ma!" Sigaw ko't yumakap sa kanya.

"Arni, ikukulong nila kami." Naiiyak na sabi ni Mama

"Ma hindi, hindi ka nila pwede ikulong." Sagot ko sa kanya, naiiyak na rin ako pero kailangan kong maging matapang.

"Pwede siyang makulong." Sabay kaming napatingin ni Mama sa nagsalita, pagtingin ko si Mr. Andrew kasama si Mr. Lourd habang nasa tabi si Lexter. "Pwede silang makulong dahil sa pag-kidnapped nila sayo." Walang emosyon niyang sabi, tinitigan ko siya ng masama habang unti-unting naiipon ang luha sa aking mata.

"Ano? Kidnapped? Hindi nila ako kinidnapped!" Sigaw ko sa kanila.

Narinig ko pa ang pagngisi ni Mr. Andrew sa akin. "Wag kang mag-alala, hindi ko naman sila ipapakulong." Nanglaki ang mata ko't tiningnan siya. "Sa isang kondisyon."

"A-Anong kondisyon?" Nauutal kong sabi.

"Papakasalan mo si Lexter." Nagpanting sa tainga ko ang sinabi niya, kasabay 'non ang pagdating ni Abrylle sa pinto ng bahay namin. Napatingin ako sa kanya. Isang tingin na nagtatanong ng sagot niya. Pero iniwas niya ang tingin sa akin, isang senyales na payag siya sa nais ng kanyang Papa.

Tiningnan ko si Mr. Andrew. "Paalisin niyo na ang mga pulis." Umayos ako ng tayo at pinunasan ko ang aking luha. "Magpapakasal ako kay Lexter."

"Arni anak, hindi mo dapat gawin 'yan." Pigil ni Mama.

"Ma, hindi rin ako makakapayag na ikulong ka nila, kayo ni Tito Fred." Naiiyak kong sabi tyaka siya niyakap.

"At isa pa Laarni, ngayong gabi lilipat ka na sa mansion ng mga De Mesa, simula sa araw na 'to, isa ka ng De Mesa at hindi Saldivar." Napabitaw ako sa pagkakayakap kay Mama at tiningnan si Mr. Andrew.

Gustuhin ko mang humindi sa nais niya, hindi ko magawa dahil sa mga tingin niya. Na kapag ako ay humadlang sa gusto niya, ipapakulong niya sina Mama at Tito Fred.

Marahan akong tumango sa kanya.

"Magaling, ipapasundo kita rito mamaya, ayusin mo na ang mga gamit mo." Sabi niya at naglakad na palabas ng bahay kasabay si Mr. Lourd. Napatingin pa ako kay Lexter na kasunod ng Daddy niya, pero kita kong hindi siya makatingin sa akin.

Nakalabas na sila ng bahay nang humagulgol ng iyak si Mama. Maging ako naiiyak na makita si Mama na nagkakaganya. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya. Hanggang ngayon, naguguluhan pa rin ako sa nangyayari. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala sa lahat ng ito.

Nang mahimasmasan si Mama, nag-impake na ako ng mga dadalhin kong damit at gamit papunta sa mansion ng mga De Mesa. Habang nagiimpake ako, bigla kong naalala ang sinabi ni Abrylle kanina.

Mahal kita, pero kailangan na nating tapusin 'to.

Huminto ako sa pagtutupi ng damit na hawak ko at natulala. Tama si Abrylle, oo tama nga siya, kung hindi namin gagawin 'to, maraming tao pa ang masasaktan.

"Arni?" Napalingon ako sa pintuan ko at nakita ko si Tito Fred. "Kung kailangan mo ng tulong pagbubuhat ng gamit mo, tawagin mo lang ako." Saad niya. Tumango naman ako bilang sagot sa alok niya.

Akala ko aalis na si Tito Fred, nang magsalita siya ulit.

"Arni, patawarin mo kami ng Mama mo." Nabigla ako sa sinabi ni Tito Fred. "Nagawa lang 'yon ng Mama mo dahil iyon ang kagustuhan ni Ma'am Celeste." Saad niya.

"Anak?" Sabay kaming napatingin ni Tito Fred kay Mama na kakarating lang, mugto pa rin ang mga mata niya. "Gusto mo bang malaman ang buong kwento?" Tanong niya sa akin.

Marahan akong tumango kay Mama. Pumasok siya at naupo sa harap ko.

Sinabi sa akin ni Mama ang lahat ng nangyari, ang tungkol sa ayaw ni Mr. Andrew ng anak na babae, ang pagbigay sa akin ng tunay kong ina sa kanya, ang pag-ampon ng tunay kong ina kay Abrylle at pagpapakilala kay Mr. Andrew na anak nila, 'yung oras na nalaman ni Mr. Andrew ang lahat, ang pagkidnapped kay Abrylle at ang pagkamatay ng tunay kong ina. Lahat sinabi na sa akin ni Mama. Lahat ng nais kong malaman at magkaroon ng kasagutan, sinabi ni Mama.

"Pero ngayon anak, babalik ka na sa tunay mong pamilya."

"Hindi Ma, ikaw, kayo ni Tito Fred, kayo ang tunay kong pamilya." Naiiyak kong sabi. Niyakap ako ni Mama ng mahigpit at doon na ako tuluyang umiyak, sa kandungan ng kinilala kong ina. "Mama"

Para akong bagong panganak na sanggol na umiiyak habang yakap ni Mama. Wala eh, nasasaktan ako sa mga nangyayari. Nasasaktan ako hindi lang para sa akin kundi para sa lahat.

Dumating na 'yung magsusundo sa akin papunta sa mansion ng De Mesa, pasado alas-nuwebe na ng gabi. Masakit na ang mata ko kakaiyak kanina. Binuhat na ni Tito Fred ang mga gamit ko at inilagay sa compartment. Nakabihis at nakaayos na rin ako. Pero hindi pa ako handang iwan ang bahay namin, hindi pa ako handa na iwan si Mama.

Naglakad na ako palabas ng bahay namin. Sabi ni Mama hindi na niya raw ako ihahatid sa gate, baka raw kasi hindi niya kayanin. Kaya si Tito Fred na lang ang naghatid sa akin.

Nakalabas na ako ng gate ng buksan ng lalaking pinasundo sa akin ang pinto ng kotse. Napatingin ako kay Tito Fred at malungkot siyang ngumiti sa akin.

"Sige na Arni, ako na ang bahala sa Mama mo." Sabi niya. Ayaw ko ng umiyak pero gustong tumulo ng luha ko.

"Tito Fred." Sabi ko't niyakap siya. "Ingatan mo si Mama ah?"

"Oo Arni, iingatan ko siya." Kumawala na ako sa kanya.

"Salamat Tito."

"Sige na, pumasok ka nab aka gabihin pa kayo." Pinunasan ko ang luha ko't naglakad na papasok ng kotse. Pagpasok ko, binuksan ko ang bintana ng kotse at tiningnan pa ang bahay namin habang papalayo ako rito.

Pagdating sa mansion ng mga De Mesa, inihatid ako ni Manang Amy sa kwarto ko, sinabi rin niya sa akin na wala pa raw si Mr. Andrew, o dapat ko na ba siyang tawaging Papa, Tay o Daddy. Naupo ako sa kama at natulala sa sahig. Nandito na ako, sa bahay ng Tatay ko.

Huminga ako ng malalim at lumabas ng kwarto ko, pero paglabas ko ng kwarto kasabay ko ring lumabas ng kwarto niya si Abrylle na katabi lang pala ng kwarto ko. Nagkatinginan kaming dalawa pero agad niyang iniwas ang tingin sa akin. At sa pagiwas niyang 'yon, labis akong nasasaktan.

The Coldest HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon