Chapter 35.

11.9K 322 20
                                    

Chapter 35.

Jerod's POV

Tinawagan ako ni Leicy ngayon na pumunta sa school nila. May pabor daw siyang hihingin sa akin. Hindi ko naman kayang tumanggi sa hiling niya. Ang sabi niya pa sa akin, magsama pa raw ako ng isang kakilala. Mabuti na lang at Sabado ngayon at wala akong pasok sa office ni Master Lourd.

Nakabihis na ako at lumabas ng bahay. Paglabas ko ng bahay, nagulat ako sa magandang kotseng naka-park sa tapat ng bahay ko.

"Oh? Kanino naman 'to? Ang gara ah." Pinagmasdan kong mabuti ang kotse, ang ganda, walang gasgas at halatang mamahalin. Wala naman akong hilig sa sasakyan, pero kursunada ko ang isang 'to. Nakatingin lang ako sa bintana ng kotse, napansin kong magulo ang buhok ko kaya naman ginawa kong salamin ang bintana nito. Mayamaya pa habang nag-aayos ako ng buhok, biglang bumukas ang bintana at nagulat ako sa nasa loob ng kotse.

"Ikaw?"

"Oo bakit? Gawin bang salamin ang kotse ko?" sigaw nito. Siya na naman? Ano namang ginagawa nito.

"Eh bakit kasi dito ka nakapark?" tanong ko.

"Wala lang, malay ko bang bahay mo 'yan."

"Sus, kunwari pa. Are you, stalking me?" I asked while having a teasing smile written in my face. Nakita ko namang naasar siya sa sinabi ko at lumabas ng kotse niya.

"Ang kapal mo naman! Hindi ikaw ang sadya ko dito 'no!" maktol nito. Tinawanan ko lang siya sa inasal niya, she's too obvious. Para sa isang mayamang babae, kakaiba ang isang 'to.

"Alam mo Courtney, wala akong oras sayo. Sige mauna na ako." Naglakad na ako pauna sa kanya.

"Sandali, saan ka pupunta?" tanong nito. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad. "Hoy! Hintay! Sasama ako!"

Tignan mo? Kunwari pa kasi, pero naalala ko ang sinabi ni Leicy na magsama pa raw ako ng isang kakilala. Huminto ako at nilingon siya, nagulat naman siya sa ginawa ko.

"Hmmm, tara, sumama ka na nga." Hinawakan ko siya sa kamay at hinila paalis.

"Sandali, saan ba tayo pupunta?"

"Sa school niyo." Sagot ko.

"Wait, tara na sa kotse."

"Nope, magko-commute tayo." Nakangiti kong sabi rito, napansin ko naman ang paglalito sa mukha niya.

"What the hell?"

Isang ride lang naman ang West Bridge mula rito sa amin. Nagpara na ako ng jeep na sasakyan namin.

"Oh? Pasok na." sabi ko rito. Kitang kita ko naman ang pandidiri sa mukha niya.

"Sandali, di pa ako nakakasakay sa ganyan." Sabi nito.

"Edi masaya." Nakangiti kong sagot dito. Pumasok naman na siya sa loob at sumunod na ako. Tumabi ako sa kanya. Habang nasa byahe, panay ang tingin niya sa mga taong nakasakay sa jeep. Bumulong ako sa kanya.

"Anong ginagawa mo?" bulong ko rito. Bumulong din naman siya sa akin, kaso paglingon niya, hindi sa tainga ko sumakto ang bibig niya kundi sa mukha ko. Nakita kong nailang siya sa nangyari. Hindi na siya kumibo at tumahimik na lang.

Napatingin ako sa suot niya. Ang ikli nito, at nakaupo pa naman siya sa jeep. She's waering a skirt at super ikli nito. Hay nako. Tinignan ko ang mga nakasakay sa jeep at may nahuli akong lalaking nakatingin sa kanya. Tinignan ko ng masama 'to at umiwas naman siya ng tingin. Kinuha ko ang panyo ko sa bulsa at binuklat 'to at nilagay sa nakabalandra niyang hita. Nagtaka naman siya sa ginawa ko.

The Coldest HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon