Chapter 44.

9.3K 240 2
                                    

Chapter 44.

Laarni's POV

"At ikaw ang babaeng papakasalan ni Lexter."

Malinaw kong narinig ang sinabi ni Mr. Andrew sa taas ng stage. Malinaw kong narinig ang bawat salita at bawat bigkas ng mga sinabi niya, pero bakit para akong nabingi? Ano bang sinasabi niya? Ano bang nangyayari?

Halo-halong ingay at sari-saring komosyon ang mga naririnig ko sa mga students sa loob ng auditorium. Bakas sa mga mukha ng mga tao ang pagtataka at labis na pagkalito sa mga nangyayari. Kagaya nila, hindi ko rin maintindihan ang nangyayari. Ang alam ko lang, may mali sa mga ito at kung ano man iyon, kinakabahan akong marinig ang mga paliwanag nila.

Napatingin ako kay Mama na tulala habang hinihipos ni Tito Fred ang likuran nito. Patuloy pa ring umaagos ang mga luha niya mula sa kanyang mga mata. Nilapitan ko si Mama at hinawakan sa kamay.

"Ma, ano pong nangyayari?" Marahan kong sabi. Hindi ako makapagsalita ng maayos gawa ng pagkagulat ko sa mga narinig ko. Paanong magpapakasal ako kay Lexter? Paanong naging anak ako ni Mr. Andrew? At paanong naging kapatid ko si Abrylle?

Nakatingin pa rin ako kay Mama, pero hindi niya ako nililingon at patuloy lang siya sa pag-iyak. Mayamaya pa, napatingin ako sa biglang humawak sa braso ko. Pagtingin ko, nakita ko si Abrylle na hingal na hingal at taimtim na nakatingin sa akin.

Bigla niya akong hinila palabas ng auditorium. Wala akong nagawa kundi ang sumunod sa paghila niya sa akin. Kahit na lutang ang buong isip ko sa mga nangyayari.

Nakarating kami sa parking area. Binuksan niya ang pinto ng kotse, napatingin ako sa kanya. Seryoso siyang nakatingin sa akin, ang mga malalamig niyang titig na nagpapahinto sa oras ko't kusang nagpapasunod sa isip ko.

"Pumasok ka." Utos niya. Pumasok ako sa loob tulad ng sinabi niya.

Naupo naman siya sa diver seat kaya nagulat ako sa ginawa niya. Siya ang mag-da-drive? Pwede na ba siyang mag-drive?

"Sandali, marunong ka bang—"

"Tumahimik ka na lang." Natigil ako bigla sa sinabi niya. Para akong tumikop na makahiya. Nakakatakot siya ngayon.

Wala akong nagawa kaya nanahimik ako sa tabi niya. Magulo pa rin ang isip ko't nalilito sa mga nangyayari.

Mabilis niyang pinaandar ang kotse at lumabas kami ng school. Hindi ko alam kung saan niya ako balak dalhin pero, habang katabi ko siya. Tila ba may ilang kilong bigas ang nasa loob ng dibdib ko sa sobrang bigat ng nararamdaman ko ngayon.

Nasa isip ko pa rin ang mga nangyari kanina. Ang mukha ni Mama na umiiyak, ang sinabi ni Mr. Andrew, ang paghila ni Abrylle sa akin at ang pagpapakasal k okay Lexter. Magulo, magulong magulo ang isip ko.

Napatingin ako kay Abrylle na seryoso habang nagmamaneho. Kung anak ako ni Mr. Andrew, ibig sabihin. Kapatid ko si Abrylle?

Naramdaman ko na lang ang dahan-dahan na pag-agos ng luha ko pababa sa aking pisngi dahil sa naisip ko. Napalingon naman siya sa akin kaya nagbanggaan an gaming tingin. Nagulat ako ng bigla niyang itabi ang kotse at huminto.

"Bakit ka umiiyak?" Nag-aalalang tanong niya. "Are you alright?"

Hindi ko nagawang sumagot sa tanong niya at nagpatuloy lang sa pag-iyak. Bakit ba nangyayari ang lahat ng ito? Ano pa bang mga bagay na hindi ko alam?

"Arni." Naramdaman kong hinawakan niiya ang baba ko't itinaas patingin sa kanya. Dahan-dahan niyang idinampi ang kanyang palad sa aking pisngi at marahan na pinunasan ang luha ko. "Wag ka ng umiyak, magiging maayos din ang lahat." Aniya.

Dinala niya ako 'dun sa lugar kung saan kita namin ang Laguna De Bay. Nakapunta na kami rito, naaalala ko ang kinuha naming mangga rito.

Pareho kaming nakaupo sa damuhan habang nakatulala sa malawak at magandang tanawin ng tabing dagat. Huminga ako ng malalim at tiningnan siya.

"Abrylle, pwede mo bang ipaliwanag sa akin ang lahat?" Napalingon din siya sa akin.

"Ano bang gusto mong malaman Arni?" Tanong niya. Natahimik ako ay taimtim siyang tiningnan.

"Lahat Abrylle. Lahat." Sagot ko sa kanya.

Iniwas niya ang tingin sa akin at seryosong binaling ang tingin sa tabing dagat.

"Ampon ako Laarni." Nabigla ako sa sinabi niya. "Hindi ako ang tunay na anak nina Andrew at Celeste De Mesa, kundi ikaw." Napatingin siya sa akin. "Pero ibinigay ka ni Mommy sa kasam-bahay nila, at 'yon ang Mama mo na dating nagtatrabaho sa mga De Mesa sa kadahilanang, hindi ka matatanggap ni Andrew De Mesa dahil marapat na lalaki ang magiging una niyang anak." Natulala ako sa mga sinabi ni Abrylle.

"Ilang taon na ang nakakaraan ng ma-kidnapped ako at iyon din ang panahon na nalaman ni Andrew na hindi niya ako tunay na anak kaya nagalit siya kay Mommy noon at inakalang may ibang lalaki ito. Hindi siya nag-abalang bigyan ng ransom ang mga kidnappers para sa akin na siyang ikinamatay ng Mommy nang iligtas niya ako." Nakita ko ang malungkot na mukha ni Abrylle pati na rin ang namumuong butil ng luha sa gilid ng kanyang mga mata. Suminghap siya at napayuko.

"Naging komplikado ang lahat ng malaman ni Andrew na buhay ka, ang tunay niyang anak nang magpaimbistag siya. Kaya naman Arni, pinagtransfer ka nila sa school na pagmamay-ari niya. Kasabwat niya rito si Tito Lourd, ang Daddy ni Lexter. Nagkaroon sila ng kasunduan na ikakasal ka kay Lexter para sa ikakaasenso ng kumpanya nila."

Umiwas ako ng tingin sa kanya at tuluyan ng umagos ang namumuong luha sa aking mga mata.

"Kaya Arni, kailangan mong magpakasal kay Lexter." Nabalik ang tingin ko sa kanya.

"Ano?" Nalilitong tanong ko. "Hindi, ayaw ko! Hindi ako magpapakasal kay Lexter."

"Arni." Natigil ang pagmamaktol ko ng maging seryoso ang tono ng boses niya. "Mahal kita." Tila lumundag ang puso ko sa sinabi niya, pero sa kabila ng paglundag ng puso ko bakit may iba pa akong nararamdaman. "Pero kailangan na nating tapusin ito."

Nagpanting ang tainga ko sa sinabi ni Abrylle. Mas lalong nalunod ang mata ko sa luhang patuloy na umaagos mula sa aking mata.

"Ano?"

"Arni kailangan kong pakasalan si Courtney, kailangan mo namang pakasalan si Lexter."

"Hindi!" Sigaw ko tsaka tumayo. "Hindi Abrylle!" Tumayo rin siya at hinarap ako.

"Anong hindi? Alam mo ba Arni kung ano ang maaaring mangyari sa Mama mo kapag hindi ka pumayag?" Sigaw niya. Nagtaka naman ako at nalito sa sinabi niya.

"A-Anong ibig mong sabihin?" Nauutal kong sabi.

"Maaaring makulong ang Mama mo Arni, maaari siyang kasuhan ng kidnapping dahil sayo. Maaatim mo ba 'yon?" Nanglaki ang mata ko sa sinabi niya. "Makapangyarihan si Andrew, kaya ka niyang pasunurin sa kahit anong iutos niya Arni kahit pa na ikaw ang tunay niyang anak." Sigaw niya na nagpahinto sa akin.

Wala akong nagawa kundi ang umiyak sa harap niya. Naramdaman ko na lang ng yakapin niya ako.

"I'm sorry." Nabigla ako't napamulat at tumigil sa pag-iyak nang marinig ko siyang humingi ng tawad habang umiiyak. Mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakayap sa akin. "I'm sorry Arni."

Niyakap ko rin siya at hinipos ang likod niya. Alam kong hindi lang ako ang nasasaktan sa sitwasyon na ito. Alam kong hindi rin niya kagustuhan ang nangyayari.

Napatigil ako sa paghipos sa likod niya at humiwalay sa pagkakayakap niya ng biglang tumunog ang cellphone ko. Pagtingin ko kung sino, si Mama. Agad kong sinagot ang tawag.

"Hello Ma!?" Bungad ko, pero natigilan ako ng hindi si Mama ang sumagot sa kabilang linya.

"Arni, umuwi ka na rito, ang Mama mo." Nag-aalalang sabi ni Tito Fred.

Napatingin ako kay Abrylle.

"Bakit?"

"Iuwi mo na ako Abrylle, si Mama." Taranta kong sabi.

The Coldest HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon