Chapter 34.

11.8K 302 18
                                    

Chapter 34.

Leicy's POV

Pumasok na kami sa loob pagtapos ko sabihin kay Lexter ang sinabi ni Arni sa text. Nasa harap ko siya nakaupo at nakapalumbaba. Nalungkot siya dahil di sisipot si Arni, alam ko namang para kay Arni talaga ang celebration na 'to eh.

"Ah, Lexter...tara kain na tayo." Yaya ko dito.

"Sige Leicy, ikaw na lang. Wala na akong gana." Matamlay na sabi nito at tsaka nagbuntong hininga.

Nakakahiya naman kung kakain ako tapos siya hindi. Mukhang nalungkot talaga siya dahil 'don. Ano kayang gagawin ko? Alam ko na!

Tumayo ako at hinawakan siya sa braso. Napatingin naman 'to sa akin. Isang malungkot na tingin.

"Bakit Leicy?" tanong nito. Nginitian ko naman siya.

"Tara! Sumama ka sa'kin!"

Hinila ko siya palabas ng restaurant nila at tumakbo kami. Kakatakbo namin, hingal na hingal kaming nakarating 'don sa burol. Dito sa burol, tanaw na tanaw mo ang buong Taal lake, pati na rin ang bulking taal.

"Ano bang gagawin nating Leicy?" hingal na hingal niyang sabi.

"Sisigaw tayo." Sagot ko rito.

"Ano?"

"Sisigaw tayo. Isigaw natin ang mga nasa puso natin, yung mga bagay na kinaiinisan natin. Isigaw natin."

Nakangiti lang ako sa kanya habang nagtataka naman siya sa sinasabi ko habang hinihingal pa din.

"Pwede ba 'yon?" tanong nito. Tumango tango naman ako bilang sagot sa tanong niya. "Try ko nga."

Tumayo siya ng tuwid at nilagay sa paligid ng bibig niya ang dalawa niyang kamay habang nakabuka ang mga ito. Para bang meron siyang megaphone using his hands.

"Nakakainis ka Abrylle! Inaagaw mo sa akin si Arni!" sigaw nito. Nang mga oras na marinig ko ang sigaw niya. Nasabi ko sa sarili kong, si Arni talaga ang dahilan ng lahat.

"Ah, Leicy, effective nga! I felt relief! Try mo!" sabi nito sa akin habang natatawa.

"Eh? Wala naman akong problema eh." Sagot ko. Leicy, wala nga ba? O sadyang iniiwasan mo lang na malaman niya.

"Ang daya mo naman, sabi tayong dalawa ang sisigaw. Ikaw rin uy." Pangungulit nito. Para siyang batang natalo sa laro nila at nakanguso pa.

"Hay nako, sige na nga." Ginawa ko rin ang ginawa niya. "Pero gusto ko sayo ako nakaharap." Sabi ko rito, nagtaka naman siya sa sinabi ko.

"Bakit naman?"

"Basta. Tayo ka diyan, ay hindi, layo ka pa ng konti. Maririnig mo naman kasi sisigaw ako."

"Eh? Ano ba 'yan Leicy." Angal nito. "Bakit ako?" napatingin ako rito, isang seryosong tingin at nangungusap na mga mata. Para bang nais sabihin ng mga tingin ko ang nilalaman ng puso ko.

Kasi ikaw ang problema ko, di ko alam kung ikaw nga o ako, o baka ang kapalaran ko.

"Sige na." sabi ko rito. Sumunod naman siya sa pabor ko.

Ngayon, nakatayo 'don si Lexter, lahit na malayo siya sa akin. Pilit ko pa rin siyang inaabot. Kahit na mahirap at masakit, pinipilit ko pa ring ipaglaban ang nararadaman ko. Kahit na malayo siya, ay parang kay lapit din. Dahil sa iisang school lang kami nag-aaral, magkaklase, lagging magkasama at lagging nagkakausap. Pero sa ibang anggulo ng buhay, hindi siya totoong malapit sa akin. Para bang hiram lang, isang hiram na baling araw isasauli ko rin at mawawala sa akin.

The Coldest HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon