Chapter 21.

13.9K 399 21
                                    

Chapter 21.

Laarni's POV

"Mukhang gusto na kita."

Iniwas ko ang tingin ko rito. Hindi ko makuhang magsalita. Naguguluhan ako. Anong ibig niyang sabihin? Gusto niya ako?

"Palipasin mo lang 'yang nararamdaman mo. Nadadala ka lang ng panahon." Sabi ko rito. Bumukas na ang elevator at naglakad na ako palabas ng elevator. Hindi ko naramdaman na sumunod siya palabas ng elevator.

Habang naglalakad ako. Parang ang bigat ng pakiramdam ko, tungkol sa sinabi ko. Bakit parang, nag-reject ako ng isang tao? Ano bang ginawa ko? Ang gulo. Sobrang gulo. Hindi ko alam ang sasabihin o ang gagawin ko.

Pag labas ko ng building. Napatingala ako sa kalangitan. Makulimlim na naman ang langit. Habang nakatingin ako sa langit. Naalala ko ang mga ginawa ni Abrylle. Noong sinuutan niya ako ng jacket. Noong ginamot niya ang sugat ko. Noong kumanta siya sa harap ko. Noong niyakap niya ako. Pati na rin ang pagyakap ko sa kanya.

"Tama ba ang sinabi ko?" naitanong ko sa sarili ko. "Ano bang dapat kong gawin?"

Nagpatuloy ako sa paglalakad ko palabas ng school. Nang malapit na ako sa school gate. May tumawag na naman sa pangalan ko. Mukhang madalas ang ganitong eksena sa kwentong ito. Ano bang meron sa maganda kong pangalan.

"Arni! Sandali!" nilingon ko ito. Si Lexter, tumatakbo papunta sa akin. Tumalikod na ako at binilisan ang paglalakad ko. Ayaw ko siyang makita o makausap. Alam kong ako ang dahilan ng pag-aaway nila. Nakokonsensya ako.

"Sandali." Nahawakan ako nito sa wrist ko.

"Bitawan mo nga ako Lexter!" ang sigaw ko rito sabay tapik sa kamay niya.

"Saan ka pupunta?" tanong nito. Nakikita ko ngayon sa mukha niya ang kakaibang Lexter. Wala ngayon sa mukha nito ang pagiging masaya. Seryoso ang mukha nito pati na rin ang tono ng boses nito.

"Malamang uuwi?" tumalikod na ako ulit dito pero bigla na naman ako nitong pinigilan.

"Arni sandali, mag-usap tayo." Sabi nito.

"Lexter wala naman tayong dapat pag-usapan." Sagot ko rito.

"Arni gusto kita!" natigil ako sa paglalakad sa sinigaw niya.

Malamig ang simoy ng hangin. Rinig na rinig ko ang pagihip nito. Padilim ng padilim ang buong paligid. Nagbabadya na ang ulan.

"Arni gusto kita." Pag-uulit nito. Naguguluhan ako sa nangyayari. "Sorry kung gusto kita."

Hinarap ko ito. "Pwede bang tigilan niyo na ako? Tama na! Gulong gulo na ang isip ko!" sigaw ko rito at tsaka tumakbo ng mabilis palabas ng gate.

Leicy's POV

"Arni!" Tawag ko kay Arni. Bigla na lang kasi siyang lumabas agad ng room. Hindi niya man lang ako hinitay. Tsaka ang alam ko, sabay kami nila Abrylle na magpa-practice sa theater club. Lumapit ako rito. "Hindi ka ba magpa-practice?" tanong ko.

"Leicy, naguguluhan nga ako eh, gusto ko munang umiwas sa dalawang 'yon." Sagot nito sa akin. Nakita kong, naguguluahan nga siya. Tsaka parang wala siya sa mood na may kausap na ibang tao.

"Pero Arni sa Friday na ang presentation." Pagpapaalala ko rito.

"Leicy, uuwi na ako. Wala talaga akong gana, pakisabi na lang Abrylle na sorry." Walang emosyon na sabi nito at tumalikod na akin at naglakad palayo.

The Coldest HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon