Chapter 39.

10.6K 285 2
                                    

Chapter 39.

Jerod's POV

Monday. Nasa tapat ako ng West Bridge Academy, may hinihintay lang. Hindi ko kasi alam kung bakit ako nagkakaganito, I mean this is unordinary. My whole life si Leicy lang ang babaeng laman ng isip ko, pero this weekend, hindi maalis sa isip ko ang mukha niya.

Kahit na mukha siyang maarte tignan, kahit na ang suplada niya, kahit na mata-pobre siya kahit na ang taray at ang ligalig niya. Hindi ko alam kung paanong nangyaring nagustuhan ko na rin siya. Pero tama nga ba 'tong nararamdaman ko? Ngayong alam kong naka-get over na ako kay Leicy bakit parang mas naging mahirap at mas naging kumplikado ang sinasabi ng puso ko?

Nakita ko na ang sasakyan niyang pumasok sa gate ng school. Pagtapos 'non ay lumabas na siya. Paglabas niya ay siya ring bilis ng tibok ng puso ko. Noong nakita ko siya, para bang umaliwalas ang buong paligid ko, kahit na nakasimangot siya, mas lalo naman siyang gumaganda.

Mukha akong timang na napapangiti rito mag-isa. Naglakad na ako rin ako paalis dahil tapos na ang sadya ko, nais ko lang na makita siya.

Buong araw kong iniisip ang tungkol dito sa ka-weirduhan ng puso ko. Para bang pinipilit kong abutin ang bituin sa iniisip ko. Kaya naman, kinagabihan, pag-out ko sa opisina, dumiretso ako ulit sa bar. Nagiging busy na ako para sa kasal. Malapit na 'rin ito. Dalawang linggo na lang.

Pagpasok ko sa bar, napatingin ako agad sa bar counter, exactly sa kinauupuan niya. May nakita akong babaeng nakaupo 'ron sa dating inupuan niya rin. Akala ko sa isip ko lang, pero mukhang nag-ha-hallucinate na rin ako. Nakikita ko ang taong gusto kong makita. Ano ba 'yan, this is really weird. Tumalikod na ako dahil wala na akong ganang uminom. And besides, I have a lot of things to do for the wedding. Pero natigil ako sa paglalakad ng marinig ko ang boses na 'yon.

"Si Jerod, siya ang gusto ko." Nagpanting ang tainga ko sa narinig ko. Dahan-dahan kong nilingon ang pinanggalingan ng boses na 'yon. Pagtingin ko siya nga, may lalaking nasa tabi niya. Hindi ko siya nilapitan dahil baka kakilala naman siya ang lalaking kasama niya.

"Jerod? Sino 'yon?" tanong ng kasama niyang lalaki.

"Yung poging secretary ni Mr. Lourd, at in love ako sa kanya." Sagot nito sa tanong ng kasama niya at uminom ng alak.

"Haha, lasing ka na miss. Hindi ako si Jerod, pero pwede mo kong isiping siya habang nasa motel tayo." Bigla naman akong nalito sa sinabi ng lalaki. Tinignan ko si Courtney.

"Gago ka ba? Di mo ba ako kilala? Mukha ba akong babaeng cheap na papatol sayo? Motel my ass!" mataray na sigaw nito sa lalaki. Nagkamali pala ako, hindi pala niya kasama o kilala ang lalaking 'yon.

"Aba, nakakalalaki ka na ah!" sigaw ng lalaki sa akin. "Tara na nga!" hinawakan ng lalaki si Courtney sa braso at walang anong hinila. Agad ko naman silang nilapitan.

"Hey let me go! Manyak ka! Help me!"

"Let her go." Hinawakan ko sa balikat ang lalaki at tsaka tinuruan ng leksyon. Matapos ko turuan ng leksyon ang gagong 'yon. Nakaupo naman si Courtney sa upuan at tulog na. Baka pagod na pagod na 'to at sobrang lasing pa. Binuhat ko siya at nilabas sa magulong bar na 'yon.

Dinala ko ulit siya sa condo ko. Nilagpag sa kama habang mahimbing pa ang tulog niya. Bakit na naman kaya siya nagpakalasing? Broken hearted? Kanino? Sa akin ba? Napangisi na lang ako dahil sa mga naiisip ko.

Pinagmasdan ko ang mukha niya, mahimbing siyang natutulog. Dahan-dahan kong nilapit ang kamay ko hanggang sa mahaplos ko ang pisngi niya. Hinawi ko ang ilang piraso ng buhok niyang nakarang sa mukha niya.

The Coldest HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon