Chapter 28: Gate of Intelligence

Magsimula sa umpisa
                                    

"Hindi ka makakalampas sa Gate of Intelligence hanggat hindi mo nasasagot ang tulang ibibigay ko sa'yo. "

Kailangan niyang sumagot ng isang tula? Hindi pa naman siya gaano kagaling sa mga tula.

"I run through hills; I veer around mountains.

I leap over rivers and crawl through the forests.

Step out your door to find me.

What am I?"

Natahimik si Zafira dahil mahirap nga ang tula.

Ano ang tumatakbo sa bulubundukin, paliko-liko sa bundok, tumatalon sa ilog,, gumagapang sa gubat, at kapag lumabas ka ng pinto makikita mo?

"Wala bang CLUE?" Pabirong aniya.

"Mayroon ka na lamang sampung segundo."

"siyam..."

"walo..."

Nagsimula na siyang magpanic. Argh! Ano iyon? Ang tumatakbo sa bundok at makikita paglabas ng pinto? Don't think literally, Zafira.

"pito..."

"anim..."

"lima..."

"apat..."

"tatlo..."

"dalawa..."

Tama!

"Alam ko na!"

"Ano ang iyong sagot?"

"The answer is road or daan. Dahil paglabas mo sa pinto ng bahay niyo ito ang makikita mo."

"Magaling mahal na Prinsesa ngayon ay makakapasok ka na."

Unti-unti na ngang bumukas ang gate at sinakop siya nang liwanag. Pagmulat niya ng kaniyang mata nakabalik na siya.

"Nabuksan mo ba?" Tanong ng kaniyang lolo.

"Opo, Lo." Masayang aniya.

"Mukha nga."

"Ano pong ibig niyong sabihin?"

Tinuro nito ang isang bracelet na nasa may pulsuhan niya. Wala siyang natatandaan na mayroon siyang ganitong palamuti.

"Tuwing may mabuksan kang gate ay makakakuha ka niyan."

"Ibig sabihin po makakakuha ako ng maraming bracelet?" Parang bata na tanong niya habang sinusuri ang pulseras. Ang ganda, gawa ito sa pilak at may kung anong naka-ukit dito.

"Hindi apo, makakakuha ka ng iba't-ibang bagay kapag nabuksan mo ang ibang gate. Hindi lang puro pulseras."

Ibig sabihin iba't ibang palamuti pa sa katawan ang makukuha niya. Bukod pa doon may binanggit ito tungkol sa mga gate.

"Bukas na natin ipagpapatuloy ang pag-eensayo dahil habang tumatagal lalong humihirap ang gate na bubuksan mo."

Nagsimula na silang maglakad pabalik sa palasyo. Nakasalubong pa nga nila ang kaniyang ama.

"Kamusta ang pag-eensayo anak? Nakontrol mo na ba ang elemento ng lupa?"

"Opo, ama. Eto nga po ang ibinigay sa akin e." Ipinakita niya rito ang bracelet.

"Aba, mabuti naman."

Tamang – tama naman na nahagip ng mata niya si Gregory. Kailangan niya nga pala itong makausap.

Magiliw siyang nagpaalam sa kay King Zander at Master Haurvat.

Nagteleport na nga siya papunta sa kinaroroonan ni Gregory. Natuto na siyang magteleport dahil importante daw 'yon. Kahit mahirap ay sinikap ng aralin.

"Mahal na prinsesa?!" Gulat na sabi ni Gregory nang bigla siyang lumitaw sa harap nito.

"Pasensiya na, nagulat ba kita?"

"Medyo lang po." Napapakamot sa batok na sabi nito. Pero sa totoo lang halatang gulat na gulat ito. Hindi niya na lang inasar.

"Wag ka na mag po. Nakaka-ilang magkasing edad lang naman tayo."

"Pero mahal na prinse—"

She hissed, "Sabing Zafira na lang."

"Sige po." Sumusumukong ani Gregory.

"Alam mo ang kulit mo. Sabi ko wag ng mag po."

"Pasensiya na."

"Anong balak mo?"

Biglang sumeryoso ito dahil sa sinabi niya.

"Gusto ko siyang hanapin pero hindi ko alam kung saan magsisimula."

"Alam mong hindi niya sinabi sa akin kung nasaan siya. Kung alam ko man ay hindi ko rin sasabihin sa'yo dahil tapat ako sa kaibigan ko."

"Alam ko naman 'yon, prinsesa."

Sinamaan niya ito ng tingin dahil tinawag na naman siya nitong prinsesa.

"Dahil do'n wala ka nang gagawin?"

"Meron. Hindi ako susuko."

"Hmm, hindi ba ipinahanap na siya sa buong Elemental World pero hindi siya makita. Tingin mo bakit?"

"Kasi nagtatago siya?"

"A-huh."

Malalaki ang matang tinignan siya ni Gregory. Mukhang nakuha na nito ang ibig niyang sabihin.

"Salamat prinsesa! Aalis na ko ngayon din. Maraming salamaaat!" Tuwang tuwang sabi nito.

"Paalam! Mag-ingat ka!"

ariathatsme

ZAFIRA: The Princess of Wizards| COMPLETED ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon