Chapter 2: Wizard Academy

42.2K 1K 34
                                    

Kinabukasan alas siete palang handa na ang mga gamit ni Zafira. May tumawag sa kanila na papunta na daw ang susundo sa kaniya.

Nakarinig sila ng busina sa labas ng bahay kaya naman sumilip siya sa bintana. Sumalubong sa kaniya ang isang school bus. Bumaling siya sa mga magulang. "Andyan na po ata ang sundo ko."

Tinulungan siya ng mga ito na bitbitina ng kaniyang mga gamit. Dalawang bag lang naman iyon at isang backpack. Habang papalapit ay napansin niyang wala pang sakay ang bus. Nagkibit balikat lang siya. Baka ako pa lang ang unang susunduin. Kinuha ng driver ang mga gamit niya at inilagay sa loob.

Niyakap siya ng kaniyang ina sa huling pagkakataon. "Ingat, anak. Mamimiss ka namin." Nakiyakap din naman ang kaniyang ama. "Mag-iingat ka ha. Mahal ka namin tandaan mo."

Napahagulgol na lang siya. Kanina niya pa kasi pinipigilan ang mga luha niya para hindi malungkot ang kaniyang mga magulang. "Lalo ko po kayo mamimiss. Parang ayaw ko na po umalis."

Hinaplos ng kaniyang ina ang buhk niya. "Hay nako wag ka ng magdrama anak. Sige na at hinihintay ka na ng bus."

"Mama naman. Tatawagan ko po kayo pagdating ko dun."

Bumusina ang bus driver. Napakaatat naman nito. Madaling-madali? Gusto niyang maayos ang pagpapaalam niya sa kaniyang mga magulang dahil mamimiss niya ito ng sobra.

"Sige na anak. Nagmamadali na yung driver mo."

"Sige po Ma."

Hinalikan niya ang mga ito sa pisngi at sumakay na. Agad namang pinaandar ng driver ang sasakyan. Habang nasa byahe ay hindi niya maiwasang mabored. Wala kasi siyang makausap kaya naman naisipan niyang kausapin na lang ang driver.

"Manong saan po ba yung Wizard Academy? Ngayon ko lang po kasi narinig yun." Pag-uusisa niya para kahit papaano ay magkaron naman siya ng kaunting background tungkol sa school na papasukan niya dahil never niya pa talagang narinig ang school na iyon.

"......" Hindi ito sumagot at nanatiling nakatutok ang tingin sa daan.

"Matagal na po ba kayong naghahatid ng mga mag-aaral dun?"

"......" Wala pa rin.

"Isa na lang po. Ano pong uri ng school yun? Ang weird po kasi ng pangalan."

"......"

Walang pa ring sagot? Napagdesisyunan niyang huwag ng magtanong dahil mukhang wala talaga itong balak sumagot. Matutulog na lang siya dahil mapapanisan lang siya ng laway dito.

Pag gising naramdaman niyang nakahinton na ang bus kaya napatingin agad siya sa labas.

"Manong nasan po tayo?" Kinakabahang tanong niya ng mapansing nasa isang iblib na lugar na sila.

"Nako manong wala po kayong mapapala sa akin. Balik niyo na lang po ako sa bahay namin."

Takang-taka ang mukha nito, sinenyasan siya nitong bumaba. Sa takot ay kusang sumunod ang kaniyang mga paa.

"Ayan na yung school" Sabay turo nito sa harap.

Sinundan ng mga mata niya ang tinuturo nito. "Sigurado kayo Manong?" Nagtataka niyang tanong. Paano'y isang luma at abandonadong paaralan ang itinuturo nito. Mukha ngang mas marami pang multo dito kaysa tao.

"Hay nako! Ang kulit na bata. Maniwala ka yan yung school. Diyan ka na nga." Hindi niya na ito napigilan ng ibinaba nito ang mga gamit niya at pinaharurot ang bus

Tama bang iwan niya lang ako dito? Naptingin siya sa mumurahing relo sa kaniyang bisig. Alas diyes na ng umaga ibig sabihin ang layo ng biyahe? Nagpalinga- linga siya sa paligid. Isa pa ay wala talaga akong nakasabay na isang estudyante.

ZAFIRA: The Princess of Wizards| COMPLETED ✔Where stories live. Discover now