Chapter 23: Chosen One

10.9K 378 9
                                    

 Nasa hapag na ang lahat ng dumating sila ni Aiden. Pinaghila pa siya ni Aiden ng upuan.

"Kamusta ka anak?" Nilingon niya ang ama at binigyan ito ng simpleng ngiti.

"Ayos lang naman po."

"Mabuti naman kung ganoon. Maaari kang mapahamak kaya ayaw kitang payagan na umalis. Sana ay maging halimbawa sayo ang nangyari."

"Nako mahal na hari hindi na kayo dapat mag-alala. Ayos na ayos lang yan si Zafira kasi nayaka---ahm ahm."

Hindi na natuloy ni Jennicah ang sasabihin dahil bigla itong sinubuan ni Zafira. Pinanlakihan siya nito ng mata na tinugon niya ng parehong tingin. Siguro ito ang kasama ni Isabella kanina sa taas.

Nagtatakang tingin naman ang ibinigay sa kanila ng kaniyang ama. "Tatandaan ko pong mabuti." Buong mapagkumbabang aniya.

"Asan po pala si Flint?" Aniya nang mapansing si Flint lang ang wala.

"Wala daw siyang ganang kumain hindi na siya sumabay."

"Ganun po ba." Nalulungkot na aniya.

Galit ba sa kaniya si Flint dahil hindi niya ito masyadong pinapansin? Pero marami siyang ginagawa. Iniwasan mo nga siya noong paalis ka na. Sansala ng konsensiya niya pero dahil lang naman yon sa sinabi ni Aiden. Nagpakawala siya ng mabigat na buntong hininga.

"Bakit mo siya hinahanap andito naman ako." Hindi makapaniwalang tinignan niya si Aiden. Paano nito nasasabi 'yon sa harap ng kaniyang ama?

Mas dumagdag ang pagkahiya niya ng sabay na tumili sila Isabella at Jennicah.

Naramdaman niya na naman ang kakaibang kaba sa dibdib niya. Crush ko lang si Aiden diba? Crush ko lang. Hindi pa rin naman nanliligaw ang binata. Pero kung manliligaw sasagutin niya ba? Napailing na lang siya sa naiisip.

"Ama doon po sa hiling ko na pag-aaral muli sa academy? Nakapagdesisyon na po ba kayo?" Pag-iiba niya sa usapan.

"Pumapayag na ako pero sa isang kondisyon." Kailan kaya papayag ang ama niya ng walang kondisyon? "Kasama mo ang mga prinsipe at prinsesa."

"Kahit po si Aid—"

Sisingit sana ulit si Jennicah pero tinignan niya ito ng masama at nagbabantang tingin. Hindi na nito tinuloy pa ang sasabihin.

"Salamat po. Salamat po talaga, ama." Ani Zafira bago lumapit sa ama para yakapin ito.

"Dapat magpasalamat ka kay Aiden siya ang nakiusap sa akin para payagan ka."

"Salamat Aiden!" Nagtatakang tinignan niya ang nakadipa nitong braso. Hindi niya iyon pinansin at bumalik sa pumwesto niya.

Dismayado naman itong bumalik sa normal na upo. "Wala din ba akong yakap?" Bulong nito.

"Tse!" Malakas na tumawa ang binata. Bakit parang ang ganda sa pandinig ng tawa niya?

Pati tuloy ang ama niya, sila Jennicah, Belle at ung mga protector nila ay tumawa. Seriously? Ano ang pinakain sa kanila ni Aiden? Bayad ata ang mga ito.

"Oo nga pala Zafira." Tinawag ni Isabella ang pansin niya. "The next element na pag-aaralan mo ay ang water which means ako ang magtuturo sa'yo." Hindi na ba sila makatatapos ng matinong agahan? Laging may nabubuksan na paksa kaya paputol putol tuloy ang kain nila.

"Kailan tayo magsisimula?"

"Ikaw bahala pero natawag mo na ba si Orina?"

"Huh? Sino?"

Nagmaang maangan siya para hindi mahalata ng mga ito na kilala niya si Orina at na binasbasana na siya nito. Kailangan manatiling sikreto ang pagkikita nila ni Master Haurvat dahil pangako nya iyon sa matanda. Napatingin pa nga sa kaniya si Jennicah pero nginitian niya lang ito.

"Hoy! Prinsesa anong di mo ko kilala?"

Naalerto siya ng marinig ang pamilyar na boses ni Orina.

"Hindi naman po pero kailangan po kasi maging sikreto lang 'yon sabi ni Master Haurvat."

"I don't care basta ipakita mo ang powers mo sa kanila."

"Pero—"

"Ipapakita mo o babawiin ko?"

Kinagat niya ang ibabang labi.

"You mean di mo pa siya natatawag?" Tanong ni Isabella.

"Show them, Zafira."

Kung pwede lang na takpan ang isip niya para hindi niya ito marinig ay ginawa niya na.

"Actually, natawag ko na siya."

"Wow, ayos 'yon. Madali na natin mapaplabas ang water powers mo."

"Show it Zafira babawiin ko talaga ang powers mo."

Akala niya ayos na ang lahat pero mukhang hindi pa pala.

Pinagalaw niya ang tubig dun sa baso at gumawa ulit ng maliliit na mga tao gamit ang tubig at pinasayaw iyon.

"Mukhang hindi mo na kailangan ng training Zafira." Namamanghang sabi ni Isabella.

"Actually kaya na niya..." Masamang tinignan siya ni Jennicah ng akmang puputulin na naman niya ang sasabihin nito. "Don't cut me off anymore Zaf kanina mo pa ginagawa yan." Pinagpatuloy nito ang unang sinabi. "... kaya na niyang kontrolin ang lahat ng elemento."

Wala siyang nagawa kundi ang ngumuso dahil sa sinabi ni Jennicah.

"Totoo ba 'yon anak?" Nahihiyang tumango siya. "Who taught you?" Ramdam niya ang bahid ng galit sa tono ng kaniyang ama pero bakit naman ito magagalit?

"Po? W-wala po. Paggising ko na lang po nakocontrol ko na lahat ng elemento."

"It couldn't be." Nababahalang anito. "Be ready tomorrow we will start your practice. Ako ang magtuturo sa'yo. Excuse me." Bigla na lang umalis ang kaniyang ama na hindi naman nito gawain.

Bakit kaya?

"Sayang magkakaroon sana tayo ng quality time kapag nag-ensayo ka kasama ako kaso kaya mo na palang kontrolin." Banat na naman ni Aiden. Kanina pa 'to mababanatan ko na talaga 'to.

Nagpalabas siya ng apoy sa kaniyang kama. Siniguro niyang makikita ni Aiden ang galit sa mga mata niya.

"Chill lang Zafira." Kinakabahang sabi ni Aiden. "Nagbibiro lang parang di ka pa sanay."

Ibinaba niya ang kamay na nag-aapoy. Mukhang naginhawahan si Aiden dahil doon.

Tahimik na lang nilang pinagpatuloy ang pagkain pero nababagabag pa rin siya sa kilos ng ama.

Hindi maaari. It only happens every 5000 years. Bakit siya pa ang itinakda? Why her? Ayokong mawala siya. Siya na lang ang natitira sa akin.

ariathatsme

ZAFIRA: The Princess of Wizards| COMPLETED ✔Where stories live. Discover now