Pamilyar ang bultong iyon. Pati na rin ang mga mata nito. Hindi rin nagtagal ay iniwas niya ang tingin sa direksyong iyon.

May iba siyang pakiramdam. Ayaw niyang mag-assume pero may kakaiba sa tingin ng lalaking iyon. Parang kilala niya at isa lang ang lalaking pumapasok sa isip niya.

"Masyado na ba akong delusional? Kung anu-ano na lang ang nakikita at pumapasok sa isip ko?" Tanong niya sa sarili.

Mahina siyang natawa at umiling. Binalewala ang lalaking hindi man lang ata natinag dahil nang tumayo siya at magpasyang lutuin na ang steak ay nasa kanya pa rin ang atensyon base sa mga mata nitong parang nangingislap.

Siguro ay masyado niya lang nami-miss si Ashton kaya kung anu-ano na lang ang nakikita niya sa kapitbahay na iyon.

Kung bakit naman kasi sinanay siya nitong padalhan ng mensahe? At magpunta rito para makipagkaibigan? Naiinis na naman tuloy siya sa lalaking iyon!

Kinabukasan, maagang nagising si Luna. Nagulat pa siya nang makita ang asawa sa tabi niya at tulog na tulog. Ilang minuto niya lang itong tinitigan at kusa siyang napangiti.

Gwapo ang asawa niya. Kung sa physical appearance ay napakakisig nito, na tipong marami talagang nagtatangkang maghabol dito. Idagdag pa ang pagiging doctor nito na lubos niyang hinangaan. Malumanay at mahinahon din ito, kaya rin siguro habang nasa relasyon sila ay hindi niya rin naranasang makipag-away dito.

Ang lungkot lang isipin na unti-unting nasisira ang relasyon nila na hindi man lang nila napag-uusapan. Ni hindi niya alam kung nagsisisi ba si Brix na nagpakasal sa kanya dahil kung titingnan ay parang gano'n na rin naman dahil parang wala lang siya rito.

Hindi niya inistorbo ang asawa sa pagtulog. Nagdalawang isip pa siya kung gigisingin ito o hindi pero mukhang pagod na pagod ito dahil hanggang ngayon ay naghihilik pa rin ito. Kaya naman dahan dahan siyang umalis ng kama para hindi ito magising. Mabilis din siyang naghanda dahil may pasok pa siya't ayaw niyang ma-late.

Medyo marami siyang kailangang trabahuhin ngayon bukod pa ang pagtawag kagabi ng executives na hindi niya inasahan at may mga importante daw silang dapat pag-usapan sa araw na ito.

Tulad ng ginawa nito noon, nag-iwan siya ng note sa tabi ng breakfast na niluto. Pinaghanda na rin niya ito ng mga isusuot para mamaya in case na dumuty ito, pero natitiyak niyang gano'n na nga ang mangyayari.

Pagkalabas niya ng bahay, sinipat niya ng tingin ang bahay na katabi. May nakaparadang sasakyan sa garahe, itim na aston martin iyon.

Iisang lalaki lang ang pumasok sa isip niya nang titigan iyon. Katunog pa ng pangalang iyon.

Bumuntong hininga siya. Hindi maintindihan ang sarili. Pakiramdam niya ay nagiging clingy siya sa lalaking iyon kahit na mabibilang lang din naman sa kamay ang pagkikita nila.

Pinilig niya ang ulo at sumakay na lang sa sasakyan at agad binuhay ang makina, umalis doon. Pagkalampas sa bahay na iyon, nakita niya sa rear view mirror na umandar na rin ang sasakyang kaninang tiningnan na mabilis na nakahabol sa kanya.

Bigla niyang nakagat ang pang-ibabang labi. Hindi niya akalain na may tao pala sa loob noon.

Nagkibit balikat siya't iwinaksi ang pagiging kuryoso sa bagong kapit bahay. Nagpokus na lang siya sa pagdadrive at ilang minuto lamang ay nakarating na siya.

Binati niya ang mga empleyadong nadaanan at nakasabay niya sa elevator. Pagkalabas ay nandoon na si Lizzy na biglang tumayo at pinagbuksan siya ng pintuan.

Napabuntong hininga siya sa mga nagkalat na folder sa lamesa, hindi pa nakakalapit nang tuluyan. Ni hindi pa nagsisimula ang oras ng trabaho ay iyon na agad ang bumungad sa kanya.

As She Dance With The Devil (BS #2)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora