Kabanata 7

213 24 0
                                    

Kabanata 7

"Hey!"

Hindi lubos maintindihan ni Ashton kung anong mararamdaman niya. He's angry yet he feel very delighted knowing the woman he was searching in his whole damn life appeared right in front of his goddamn face.

The hell! He doesn't even know if he should thank her sister for bringing this woman to him, or if he should be annoyed because after all this time searching, it turns out his sibling is the key to everything.

He just wasted his damn effort on those private investigators, huh? Hell, he doesn't give a damn anymore. He can have this woman all to himself from now on.

Mahigpit niyang hinawakan ang palapulsuhan ng dalaga. As what he expected, she's struggling with his hold. Hindi naman niya ito hahayaang makatakas kaya mas hinigpitan pa niya ang paghawak dito. Kanina niya pa ring naririnig ang pagmamakaawa nito pero pilit niya lang itong binabalewala kahit na sa loob niya'y gusto na niyang harapin ang dalaga at halikan, matigil lang sa pagmamakaawa nito.

"Please, let me go. Ano bang kailangan mo sakin?"

And damn that pleading sweet voice.

He let out a small groan, and stop himself from punishing her sexy lips. Hindi pa siya nakakabawi sa boses na iyon ay napailing kaagad siya't parang nalusaw nang tapunan niya ito ng tingin.

Gusto niyang pagtawanan ang sarili. His heart is really beating stupidly fast. Parang nangangarera at kakaiba ang pakiramdam na iyon. Sa babaeng ito lamang niya unang naramdaman.

Bumaba ang tingin niya sa paraan ng paghawak niya rito. Kaagad niyang niluwagan iyon pero sa isip na baka takasan siya nito, pinagsalikop niya ang mga kamay nila na ikinasinghap ng dalaga.

He smirked.

Hindi siya pwedeng magpadala sa emosyon. Tatakasan siya ng dalaga kung sakaling maging malambot siya. Hindi niya hahayaan na mawala muli ito sa kanya. Pagod na siyang maghanap at nangako siyang kapag nakita niya ito, itatali na niya ito sa kanya. Pati ang pangalan nito'y aangkinin niya.

At kung kinakailangan niyang daanin sa dahas ang babaeng ito, gagawin niya dahil ganoon na lamang siya kabaliw sa dalaga.

"What do you think you're doing? Baka pag-isipan tayo nang masama." Reklamo nito "I don't know why you're doing this, but I don't know you."

Nangunot ang noo niya roon at napatigil sa paglalakad. Gano'n din ang ginawa ng dalagang humigpit ang hawak niya sa kamay nito. Nakita niya ang pagngiwi nito.

"Don't address me like you didn't know me, woman!" He growled irritated. "We both know what we did and what we shared that night. And you don't have any idea how I suffered just to find you." Mariin niyang sinabi, umiiling iling sabay hinatak ulit ito palayo sa lugar na iyon.

Hindi na niya muling narinig ang mga reklamo at pagmamakaawa nito. Parang naiwan yata sa ere ang utak nito dahil nang sulyapan niya ito sandali, nakaawang ang mga labi nito't nakatulala lamang sa kawalan.

Ngumisi siya't sinamantala ang sandaling iyon na bilisan pa lalo ang paglalakad. Gustong gusto na rin niyang buhatin na lang ito para mapadali sila patungo sa sasakyan dahil hindi na siya makapagtimping iuwi ito sa condo para interogahin at ikulong sa kanya.

Damn! He's really not his old self anymore. It never crossed his mind to bring someone in his place. From the start, he promised himself he wouldn't bring any woman there because he had no intention of settling down. But because of this woman, everything just changed so quickly.

Hindi siya makapaniwalang mararamdaman niya ang bagay na pinakaayaw niya sa lahat. Pakiramdam niya'y handa siyang magpaalila rito, na parang ikatutuwa pa yata niyang pagsilbihan o ibigay ang lahat ng gusto nito.

As She Dance With The Devil (BS #2)Where stories live. Discover now