Kabanata 16

153 10 0
                                    

Kabanata 16

"Saan ka ba galing? You left me there alone. Ang daming naghahanap sayo." Sermon agad ni Irhia nang mamataan siya nito.

Kanina pa siyang pumasok sa loob at patuloy nagmamasid, nililinga ang buong lugar. Hindi niya masyadong naaninag ang bulto na nangahas kuhanan sila ng litrato pero makikilala niya iyon kung sakaling makita niya ito.

Ang mga guests na kumakausap naman sa kanya at lumalapit ay pilit inentertain niya sa paraan ng pag-sang ayon at tipid na tugon pero sinigurado niyang kahit gano'n ay maayos ang pakikitungo niya.

"Kuya! Ano ba!" Si Irhia na panay habol sa kanya. "Sino ba yang hinahanap mo at saan ka nanggaling kanina? Mas importante pa ba yan sa nangyayari rito?" Iritadong tanong nito na nagawa na siyang harapin.

His brows furrowed. Masama ang tinging ipinukol niya rito ngunit sa halip na matakot sa kanya, nakipaglaban din ito ng titigan, pinantayan ang klase ng tingin na ipinukol niya. Sa huli, siya ang sumuko.

"I went outside to get fresh air. You know I'm not fan of a party." Paliwanag niya. "At hindi ko namalayan na may nakasunod." Pagdidiin niya sa huli.

Irhia raised her right brow, still does not care or buy his reason. He then groaned in frustration and rolled his eyes.

"You know what? Just leave." Pakiusap niya, sumuko na sa katigasan at kakulitan ng kapatid.

He was about to ignore and pass at her when she didn't let him. Hinarang pa nito ang sarili sa daraanan niya.

This dimwit.

How the hell did he have this kind of sister? Manang mana ito sa mama nila!

"I don't understand you. Parang ang laki laki ng pinoproblema mo, nakasunod lang naman pala sayo!" Pairap nitong singhal.

Tiim bagang na iniwan niya ito roon, piniling hindi na lang pansinin ang kapatid.

"Hey!" Pangungulit pa rin nito.

Malaya itong nakisabay sa kanya, hindi pa rin siya tinatantanan. Iba nga lang ito makatingin dahil sa pangungunot ng noo nito, tila para siyang pinag-aaralan.

"Are you nuts? Lasing ka ba at ganyan kang mag-isip?"

"Of course not!" Agad niyang tugon sabay hinarap ito.

Hindi nagpatinag ang kapatid. Matigas ito. Nakahalukipkip na rin ang mga braso at hindi pa rin maipinta ang mukha.

"Oh Irhia! Will you just leave me alone?" Frustrated na sabi niya, hindi alam kung paano makakatakas sa bubwit na kapatid.

"No!" Agap nito.

"I'm looking for that person, okay? Hindi pwedeng mailabas iyon sa media." Mahinahong paliwanag niya habang hawak ang magkabilang balikat nito para mas ipaintindi iyon sa kapatid. "Now, please excuse me."

He let go of his hold and went to look for a suspicious man again. Naiwala na rin niya si Irhia. Panigurado ay kinuyog ito ng mga guests. At doon pa lang siya nakahinga nang maluwag.

Nagtungo na rin siya sa guard at tinanong kung meron na bang umalis pero anito ay ni isa ay wala pa. He even asked for a help to his friend to warn all the media not to release every single word about his personal life. Pero may duda pa rin siya roon.

Sa dami ng mga iyon, hindi niya alam kung sino ang may hawak ng litratong iyon. May ideya pa siya na baka hindi iyon photographer kundi paparazzi.

Katatapos lang ng tawag niya sa kakilalang news media company owner. Nagpasalamat siya at agad pinatay iyon.

As She Dance With The Devil (BS #2)Where stories live. Discover now