Kabanata 6

280 24 0
                                    

Kabanata 6

"IRHIA?!" Bulalas na sambit ng lalaking may magandang ngiti kasama ang iba pang lalaki na nagpakunot ng noo niya.

They looked familiar from her.

Hindi niya lang maisip kung saan niya nakita ang mga ito.

"Buti nakadalo kayo!" Tuwang tuwang sambit ng kaibigan at isa-isang binati ang mga lalaking nasa harapan nila.

They are so intimidating. Hindi niya alam kung sino ang titingnan. Hindi siya kumportable. She's too ashamed. Hindi yata siya bagay humarap sa mga ito. At kung kanina ay hiyang hiya na siya, hindi niya alam na may ititindi pa pala iyon. Tipong gusto na lang niyang tumakbo para tumakas sa lugar na iyon.

Gorgeous is not enough to define their looks. And this is the moment that she can say that life is really unfair. Nasa mga ito na ata ang lahat.

"Have you seen Ashton?" Narinig niyang tanong ng isa sa kanila na ikinamilog ng mga mata niya.

Oh my God! She finally realized it. This man is Ulysses! Hindi siya pwedeng magkamali.

Bigla niyang naalala na big time nga pala ang kapatid ng kaibigan niya. And they are really his friends! And these people is the member of that brotherhood she always read in magazine.

Biglang natutop ni Luna ang labi niya. Ni hindi niya maisip na makakaharap niya ang mga ito. At mas lalong hindi niya maitatanggi na mas gwapo pala talaga ang mga ito sa malapitan!

"Nope. We're still not seeing each other. We're about to go there." Narinig na lang niyang tugon ni Irhia.

She's really stupid not to realize everything. Her friend is always ranting about her brother Ashton at isa na rin doon ang mga kaibigan nito na parati siyang pinagti-tripan.

"By the way, this is my friend, Luna."

Natigilan siya sa sinabing iyon ng kaibigan kaya napalunok siya nang bahagya. Kinurot niya ang sarili. Nahiya siya bigla sa naging akto. Masyado ata siyang nadala sa paghanga sa mga ito.

"Zarik..." Anang ng lalaking agad naglahad ng kamay sa kanya.

He is their leader! Kilalang kilala niya ito. Halos si Zarik ang nagsasalita tuwing iniinterview ang brotherhood nito.

Bakit ba biglang nawala sa isip niya ang mga ito gayo'ng parati niya namang nakikita ang mga ito kahit saan siya magpunta.

Maybe because she wasn't expecting it?

Lihim siyang lumunok. Ni hindi niya alam kung paano niya ipoproseso ang pangyayaring ito. She know she's overreacting. Ano ba dapat ang maging reaksyon? Hindi niya alam! Ni hindi niya alam kung paano pagaganahin ang utak niya.

"Luna..." Bulong ni Irhia sa kanya kaya napatingin siya rito.

Pinanlakihan naman siya ng mata ng kaibigan kaya tipid siyang ngumiti at tumango nang matauhan siya.

"Nice to meet you." Aniya sa kaharap nang tanggapin niya ang palad nito at binigyan niya ng isang ngiti.

Isa-isa ring nagpakilala ang mga iyon sa kanya. Hindi na nga niya naintindihan ang mga sinasabi ng mga ito. Kilala na naman kasi niya ang bawat miyembro ng brotherhood kaya hindi na niya kailangang tandaan pa ang mga pangalan ng mga ito.

Isa lang ang masasabi niya. Iyon ay napaka-swerte niya dahil nakita at nakilala niya ang mga lalaking lubos niyang hinahangaan sa buong mundo.

"I see, you're still single huh?" Napunta ang mga mata niya kay Vander Lacorte.

Akala niya siya ang tinutukoy nito pero nakatingin ito sa kaibigan niyang nag-iba ang ekspresyon na nakatingin din sa binata.

Nagtawanan ang magkakaibigang iyon habang siya'y nakamasid lang sa mga ito.

As She Dance With The Devil (BS #2)Where stories live. Discover now