Kabanata 12

201 22 0
                                    

Kabanata 12

Ashton is like a hawk looking at her. Hindi siya nito nilulubayan ng tingin na para bang wala siyang kawala na miski kahit kaunting kibo niya lang ay panay ang sunod ng mga mata nito.

Hindi siya makakilos ng maayos!

Hindi niya alam kung ano bang kasalanan niya at bakit ba pinaparusahan siya nang ganito? Ang tanging hiling niya lang ay hindi na muling mag-krus ang landas nila ni Ashton pero heto siya at bantay sarado ang mga galaw.

Her heart is also a problem. Kanina pa iyong parang tinatambol at may hinahabol. Iba ang hatid ng pakiramdam na iyon. She's madly inlove with this man that she can't even deny to herself.

She's unable to handle the intensity. It seems like her heart will explode at any time! At kabaliwan iyon dahil hindi naman maaari.

How can she betray her husband? Why is her heart doing this to her? Bakit ba tila parang hindi niya pag-aari ang sarili niya? Hindi niya iyon makontrol.

Pasalamat na lang siya at nasa katuwiran pa ang pag-iisip niya. She's still supressing her feelings toward him eventhough it's too late.

Ni hindi niya alam kung paano siya nagkagusto kay Ashton kaya kabaliwan talaga ang nangyayari sa kanya.

She can't also ask Irhia that she will just go home because she's afraid what he might blurted to her friend. Iyon ang iniiwasan niya kaya hanggang ngayon ay hindi siya makaalis doon kahit pa gustong gusto na niya.

"Okay ka lang ba?"

She was caught off guard. Pilit siyang natawa sa pagtataka ng kaibigan.

"Oo naman!" Nakangiti niyang tugon.

"Kanina pa kitang kinakausap and you were spacing out the whole time. You didn't respond to me." Kunot-noo nitong sabi.

"At ikaw, kuya?" Nakataas kilay nitong sinabi, nakapamewang na. "Kanina ka pang titig na titig kay Luna!" Inis nitong turan. "I bet you're the distraction!"

Gulat ang rumehistro sa mukha niya. Muntik pang masamid sa sariling laway sa tanong na iyon ng kaibigan.

Masyado ba siyang halata? Or was Irhia just good in observing people? Maalin man sa dalawa ay hindi niya alam. Sa palagay niya ay nagdududa na ang kaibigan.

"She's too gorgeous, you can't blame me." Bulgar na tugon ni Ashton, titig na titig pa rin sa kanya.

Naramdaman niya ang pag-init ng pisngi niya. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman. Parang may kung anong kumikiliti sa tiyan niya sa mga oras na iyon na noon ay kay Brix niya dati nararamdaman.

Sa kanyang pag-iisip at hindi ito bigyan ng pansin, bahagya siyang nagulat nang maglakad sa gawi niya ang binata.

Naabutan niyang may hawak itong baso ng tubig na inabot nito sa kanya kapagkuwan.

She raised her right brow and heard him chuckled. Ashton then grabs her hand suddenly, puts the glass of water in her hand despite her hesitation.

Napasinghap siya roon. Para siyang tangang natuod at nakatitig sa kamay na hawak pa rin ng binata. Pakiwari niya ay pulang pula na rin ang pisngi niya.

Tama pa ba ang nararamdaman niya? Para siyang teenager na pinansin ng crush niya!

"Drink." Masuyong utos nito.

Wala sa sarili siyang tumango at sumunod sa gusto nito, tuluyang nagpadala sa damdaming kanina pang pinipigilan.

"She's off-limits, remember that." Asik ni Irhia, na nagpabalik sa kanya sa katinuan.

As She Dance With The Devil (BS #2)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora