Kabanata 19

Depuis le début
                                    

Nangunot ang noo niya nang mamataan ang biglang pamumula ng pisngi nito na nagawa pang ituro ang pinto kung saan nasa labas ang hindi inaasahang bisita sabay ngumuso.

"I'm sorry to ask this, ma'am, but who is he?"

Natawa siya sa ikinilos ng dalaga. Bakas ang kilig dito na kulang na lang ay maglulundag sa tuwa at saya na nasisiguro niyang kung wala sila sa trabaho ay hindi ito magdadalawang isip na umirit.

"I am the one who should ask you that, Lizzy." Tugon niya at mahinang natawa.

Lizzy pouted. Nailing siya roon. Sa buong buhay niyang nagtatrabaho rito, hindi sila nagkaroon ng ganitong klaseng interaksyon ng sekretarya dahil purong trabaho lang ang ipinupunta niya rito. Alam din iyon ng mga tao sa company and even though she wasn't particularly outgoing or friendly, everyone in the company recognized and respected her.

Isa pa ay hindi siya magaling makipagkaibigan especially sharing her own personal life. Kay Irhia lang siya nakumportable at sa tingin niya, sapat na ito para sa kanya na maging habambuhay na kaibigan.

And now this secretary of her in front is surely lost all her poise and professionalism just because of the man who wants to meet her. Tila naramdaman niya na itinuturing siya nitong kaibigan sa pagkakataong iyon.

"He doesn't want to tell me. He kept insisting you already know him." Tunog nagtatampo nitong sagot.

Tumango-tango siya kahit na may pagtataka na rin doon.

"Alright, Lizzy. Let him in."

Lizzy nodded as she hurriedly leave her office looking so excited. Kinindatan pa siya nito't nagf-lying kiss bago lumabas.

Luna chuckled softly at that while shaking her head.

Pagkasara ng pinto, agad niyang inayos ang sarili. Sandali lamang ay narinig niya ang mahinang katok at ang pagpihit ng seradura.

Bumuntong hininga siya, tumayo nang maayos at inihanda ang sarili sa pagpasok ng bisita. Ngunit agad napawi ang sanang isasalubong na ngiti, nang mamataan kung sino ang tinutukoy ng sekretarya.

"Ashton..." usal niya.

Her heart suddenly skipped a beat like she's in a marathon. A rush of conflicting emotions flooding her being—stunned by his presence yet shocked by the wave of love and longing she thought she had buried deep within.

Pero sino ba ang niloloko niya? Ilang beses man niyang ibaon at limutin ang binata ay napaka-imposible para mangyari. Sagad sa kaibuturan ang pag-ibig niya rito na kahit siya ay hindi makapaniwala.

Mabilis niyang iwinaksi iyon. Hindi iyon ang tamang panahon para ipagmalaki ang pagmamahal niya ritong hindi naman tama.

May sinasabi ang sekretarya na hindi niya naiintindihan habang iginigiya ito paupo na tinanguhan ng binata. Kalaunan ay sumara ang pinto, leaving them alone inside.

Nag-angat ng tingin si Ashton at agad nagtama ang mga mata nila. She cleared her throat and composed herself.

Umikot muna siya sa working table para tumalikod kay Ashton. Nagpanggap siyang may inayos pero ang totoo ay kumukuha lamang siya ng lakas ng loob.

Nang pasimple siyang sumulyap, namataan niyang abala ang binata sa paggala ng mga mata sa kabuoan ng opisina niya. Sinamantala niya iyon para lumapit nang hindi nabubuwal sa kinatatayuan. Kahit siya ay hindi makapaniwalang nagawa niyang makapaglakad at harapin ito nang gano'n kabilis.

Bakas ang mangha sa mukha nito nang ibalik nito ang atensyon sa kanya, panay hagod ng tingin sa kabuoang postura at itsura niya.

Napairap siya. Narinig naman niya ang mahinang halakhak nito.

As She Dance With The Devil (BS #2)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant