Chapter 39: Lola is Here. BWAHAHAHA!

Magsimula sa umpisa
                                    

Tinukod ko pa ang magkabilang siko ko sa balikat ni kuya Clint habang buhat buhat niya ang baboy na tulad ko XD

"Oy ah. Anong nginingiti ngiti mo dyang loka ka?" Ngingisi ngising tanong sakin ni Aqua bantot. Tinatamad daw kasi siyang magdeodorant. Joke lang ulit! Ang bango bango kase ni Aqua ngayon parang naka-10 paligo siya.

"Pakialam mo bang taong tubig ka? Wala ka na dun. Saka bakla ka ba at ang tsismoso mo? Oy bakla siya." Tiningnan ko siya ng nakakalokong tingin.

Nahihiya naman siyang napanguso at namula. "Oy di ah! Gusto ko lang kasi malaman kung anong nangyayari sa paligid ko, masama ba yun? Bakla agad? Baka nagpapatayan na ang nasa paligid ko di ko pa alam, wala pa akong kutsilyo o baril man lang diba." 

Natawa naman ako aa imagination niya ang lawak pre ah?

"Oo na. DAmi mong sinabi eh, ang daming alam ng baklang to oh." Pinanlisikan niya naman ako ng mata. Napatakip kunwari ako ng bibig kunwari na shock ako sa sinabi ko. "Ooops! Di ka nga beki, like my brother. HAHAHA." si kuya naman ngayon ang napatingin sakin at nanlilisik din ang mata.

"Whuuut? Ikaw lang ba ang brother ko? Di naman ah?" I giggled. 

"Susumbong kita kay kuya Blaze sige ka." Siya naman ngayon ang may nakakalokong ngiti at ako naman ang napabusasngot.

"Kuya naman! Ayoko Mapagalitan nun no! Full english yun, di ko kaya." sabi ko pa. Napatawa naman si kuya Clint saka ako binatukan kaya napatama tuloy yung baba ko sa matigas niyang balikat. "Lintek ka! Pag nagdeform 'tong baba ko bibilhin mo lahat ng cookies 'n cream ice cream na binibenta dito sa pilipinas." sabi ko habang hinihimas himas pa ang baba kong namula dahil sa lakas ng pagkakatama ng baba ko sa balikat niya.

"Sorry na~ Malay ko bang matigas yan." Hindi maubos ubos ang tawa ni kuya Clint kaya sabi ko bibaba niya na lang ako kung tatawa tawa lang siya dyan at ang loko binaba nga ako. Di man lang namilit.

"Sige iuntog mo na lang yung baba mo sa bato para kwits na tayo."

"Bakit naman sa bato? Ang sakit kaya nun ang tigas pa." Nakangusong sabi niya,

"Ganyan din kasi katigas ang balikat mong lintek ka! Ang sakit kainis." saka ako sumampa sa likod ni Aqua para magpabuhat. Sinanbot niya naman ako kaagad saka nagreklamo.

"Hilig mo rin mag pabuhat nu? Di mo ba alam na pambaboy ang bigat mo?" aba nga naman! Binatukan ko siya. Reklamo pa to eh.

"Ayaw mo nun libreng chansing sa legs ko?" Nakashort lang kasi ako kaya exposed ang legs ko. "Yieeh! kunwari pa siya."

"Tse! No thanks na lang nu. Meron din ako bakit ako maiinggit?" Matawa tawa niyang sabi. Nakatikim tuloy ulit siya ng super batok ko.

"Aqua, ibaba mo yan ako na magbubuhat sa baboy na yan, ayoko na may ibang lalaking hahwak diyan sa Prinsesa namin." Nakakatawa pero seryosong sabi ni kuya CLint na nasa likod ko.

Sinabunutan ko si Aqua at binulungan na tumakbo siya pero binaba lang ako ng taong tubig na to kaya kay kuya Clint ulit ako sumampa. Tss. Baho talaga ng utot ni Daylan. Ngee. nu kaya konek XD

___

Di ko namalayan na nakatulog pala ako at ngayon ay nasa kwarto na. Lagi na lang ako nakaktulog may sakit ba ko? 

Tinignaan ko ang orasan at nakita ko 6:09 palang pala kaya lumabas ako para magdinner. Uunat unat pa akong lumabas at humihikab.

"*YAAAWN* MA! Nung ulam?" ganyan lang talaga ako pagdating sa bahay kami kami lang naman eh bakit ako mahihiyang sumigaw? Yung ibang mayaman kasi gusto nila ganto yung anak nila, may good manners, mabait pagdating sa kaBusiness-partners nila. Diba? Parang gusto nilang makita sa anak nila yung hindi sila, parang gusto nila na plastikin nila yung ibang tao para makita ng tao na ganon sila kabait, kagalang blabla bla..

Pero hindi kami ganun. Hinahayaan kami ng mga magulang namin kung anong gusto namin gawin kasi ganun kami. Kaya nga lagi ako nagpapasalamat sa Diyos na sa pamilyang ito niya ako ibinigay.

Pagmulat ko ng mata ko ay unti-unti na lang lumaki ang mata kasabay ng paglaki ng bibig ko. Yung kaninang makati na braso ko nawalan ng kati kasi nakita ko siya..

NOOO! Bakit ngtayon pa? Di ako ready! 

Tatakbo na sana ako paakyat para magpalit ng damit kasi ayoko ng ganto lumabas ng tawagin niya ako na may nakakalokang ngiti, pati ako ay naloka dahil sa ngiting yun.

"Tingnan mo nga naman ang pinakamamahal kong apo na si Maejorie dalaga na." di pa rin nawawala ang nakakalokang ngiti niya.

"Hehe. Musta na La? Teka magpapalit lang ako ah? Hehehe. Tulad nga ng sinabi niyo dalaga na ako kaya pagbigyan niyo na ang dalagang ito na magpalit ng damit niya." Bigla namang nagiba ang expresyon ni Lola at busangot lang ang ibinigay niya sakin.

"No. Come here." tinapik tapik pa ni Lola ang space sa upuang inuupuan niya kaya wala akong nagawa kundi ang umupo na lang kasi baka kung san niya ako ipadala. Kainis sabi na at dapat di na ako nagpalit ng panjamas eh. Ayan tuloy lalabas akong nakaganito. Buti nga this time may bra ako eh, edi nakakahiya pa lalo.

"Nako naman ang apo ko ang ganda ganda bagay na bagay sa probinsya na pupuntahan niyo." hinaplos haplos pa ni Lola ang buhok kong hindi ko pa sinusuklay. "Magsuklay ka paminsan minsan ah? Ang tigas ng buhok mo parang walis tambo nu ba yan." 

"Buti di sumabit ang daliri niyo La." nakataas lang ang kilay ni Lola at parang sinusuri ako.

"Mae, nakalimutan mo yung G or R." mahinang sabi ni Papa na alam kong di rinig ni Lola kasi mahina na ang pandinig neto.

Lumunok muna ako bago magsalita. "Ahm. Ehem ehem. Buti PO di PO sumabit PO yung daliri niyo PO nu?" sumilay nanaman ang ngiti ni Lola kaya napabuntong hininga na lang ako. Buti naman baka kung san nanaman kami papuntahin ni Lola eh.

Lahat kami ay nandito na sa sala Ako, si Ma at Pa at ang tatlo kong kuya.

"Kumain muna kayo, baka mamiss niyo ang pagkain na yan." turo ni Lola sa mga nakahaing pagkain sa lamesa.

"Bakit po La? Wala po bang Manok at baboy dun?" gulat pang sabi ni kuya Clint. Napalunok kaming lahat at gulat gulat na sabi ni Lola maging si kuya Blaze na laging seryoso kunwari pang di nagulat napalunok din naman at tumingin sa ibang side saka kunwaring uminom ng wine na nakalagay din sa lamesa.

Hindi umimik si Lola. Kaya halos maiyak kami sa nangyayari.

Ang lupit talaga ng Lola namin eh! Ang sakit lang na sarili niyang kadugo ginaganto niya.

Kaya nga ayaw na ayaw namin kapag nandito si Lola.

My POSSESIVE BROTHERS..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon