Prologue

10.5K 183 6
                                    

 
  
   
    
"BAKIT ba ako na lang lagi ang pinag-iinitan ninyo? Ano na naman ba ang kasalanan ko?!"

Mabibigat ang mga hakbang ni Zia papasok sa kabahayan. Pinapagalitan na naman kasi ito ng kanilang ama. Nahuli na naman kasi ito ng kanilang Papa na tumatakas para makipagkita sa mga barkada nito. Nakikipag-inuman at nagsisimula ng gulo ang grupo nina Zia kaya kapag tumatakas ito ay aasahan na nila headline na naman ito sa lahat ng social media dahil isang kilalang politiko ang kanilang ama.

"Isa lang naman ang laging nagiging kasalanan mo, Luzia. You're putting our family's name in shame!! Kailan ka ba magtitino katulad ng kakambal mo?! Wala ka ng ibang dinala sa akin kundi sakit ng ulo!"

Nadamay na naman siya sa sermon ng ama. Kasunod niyan siya naman ang pag-iinitan ng kakambal. Nananahimik lang naman siya sa sulok habang humihigop ng kape at nagbabasa ng medical book. Ilang buwan na lang kasi bago ang kanyang board exam sa pagiging OB-Gyne doctor.

"Wala ka namang ibang anak kundi si Luzille! Si Luzille ang matalino, si Luzille ang masipag, si Luzille ang maganda, si Luzille ang paborito ninyo! Kailan ba ako naging magaling sa paningin ninyo, Pa?! Napapansin niyo nga lang ako kapag nadudungisan ko ang pangalan niyo. That's my only way of saying that I am here, Pa. I am also your daughter." Tumingin ng masama ang kapatid niya sa kanya. She fixed her reading glass and looked away para hindi na lalo pang madamay. "Pansinin niyo naman 'yong kaya kong gawin, Pa. I can't be what you want me to be! Kung si Luzille ay ayos lang na diktahan ang buhay, ibahin niyo ako, Pa. I want to live my own life. Gusto ko ding maging OB-Gyne doctor tulad ni Luzy pero ipinipilit niyo ang pagiging engineer na 'yan! When can I decide for myself, Pa?"

"Nasa tiyan pa lang kayo ng Mama mo ay iyon na ang pangarap niya para sa inyo. Maano naman ba na tuparin mo ang kagustuhan ng Mama mo para sa pagsasakripisyo niya para mabuhay kayo ni Luzille?" Napabuntong hininga na lamang ang ama nila. Napaupo ito sa couch at minasahe ang dibdib. Agad naman niyang dinaluhan ang ama.

"Are you okay, Pa?" Nag-aalala niyang tanong sa ama saka binalingan ang kakambal. "Ito ba ang gusto mo, Zia? Ang makita na nahihirapan si Papa. Isang magulang na natin ang nagsakripisyo para mabuhay tayo. Si Papa na lang ang magulang na mayroon tayo tapos ganito pa ang gagawin mo. Hindi naman mahirap ang hinihiling ni Papa na tuparin mo ang huling kahilingan ni Mama. Anong klase ka bang anak? Hindi mo man lang mapagbigyan ang iyong magulang!"

Ayaw niyang sumbatan ang kakambal pero sumusobra na ito. Hindi na tama na lagi nitong pinapasama ang loob ng ama. Hindi na maganda ang kalagayan ng puso ng Papa nila kaya kaunting extreme emotion ay naninikip ang dibdib nito.

"Anong klase akong anak?! Wow! Just wow, Luzille! Ako na naman ba ang sisisihin mo? Kasalanan ko ba na may sakit sa puso si Papa. Huwag ka namang tanga, Luzille! Palibhasa ikaw itong laging napagbibigyan sa aring dalawa. Anak din naman ako ni Papa ah! Bakit ba hindi pwede na magkapareho tayo ng propesyon? Maibabalik ba ng pagiging engineer ko ang buhay ni Mama?! Hindi naman 'di ba?! "

Ipinikit niya ng mariin ang mga mata para pigilin ang galit sa kakambal. She wants to be calm as muchbas possible.

"Gawin mo na lang ang gusto ng Mama mo para sa iyo, Zia. Pwede ba?" Nahihirapan na ang Papa nila na magsalita kaya naalarma na siya.

"Zia, hindi ko sinabing ikaw ang may kasalanan ng pagkakaroon ng sakit ni Papa. My point here is may sakit na nga si Papa at bawal sa kanya ang magalit ng sobra pero ikaw ginagalit mo siya lagi." Tinawag niya ang isa sa mga katulong nila para kunin ang gamot ng Papa niya. Agad namang tumalima ang katulong. "If something happens to Papa, I don't know if I can ever forgive you, Zia."

Pagkasabi niya no'n ay nagmartsa paalis ang kakambal.

"Saan ka pupunta?!" pahabol na sigaw niya rito.

"Sa impyerno kung saan walang mga katulad niyo!! Kahit kailan hindi na ako babalik sa bahay na ito!"

Napailing na lamang siya sa sinagot ng kakambal. Hindi niya ito mahabol dahil hindi niya naman pwedeng iwan ang ama.

Simula nang araw na iyon ay hindi na niya nakita pa si Zia. She ran away from home. Dala nito ang ilang mahahalagang gamit ngunit ang ipinagtataka niya ay wala itong dinala na kahit isang kusing. Minsan nag-aalala siya rito kung paano ito nakaka-survive sa araw-araw.

Ilang araw lang din simula ng maglayas si Zia ay inatake naman sa puso ang kanyang ama. Naubos sa medications nito ang kanilang ipon at maging ang ilang property nila ay naibenta niya para madugsungan ang buhay ng ama pero ito na ang kusang sumuko. Her father died. At kahit sa huling hantungan ay hindi niya nakita kahit ang anino ni Zia. Pinanindigan talaga nito ang paglayo sa kanila.

Sinubukan na niyang hanapin ito sa mga barkada at kaibigan nito pero kahit ang mga ito ay walang alam kung nasaan si Zia. Namatay na laman ang Papa nila na hindi nakakausap si Zia.

  
   
   
~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~

Sweet EscapeWhere stories live. Discover now