CHAPTER ELEVEN: Sorry

9 0 0
                                    

CHAPTER ELEVEN: Sorry

"Hoy babae gumising ka na nga!"

"Ano ba Cess! Manahimik ka nga..Natutulog ang tao eh,hmmm."

"Aish.Dapat pala talaga iniwanan ko na 'tong babaeng 'to sa tapat ng pinto nila eh."

"Hoy!Anong binubulong-bulong mo dyan Cess?!"

"Pwede ba? Tumayo ka na nga dyan sa kama ko?!"

Dahil sa ang ingay-ingay nitong babaeng 'to,tumayo na ako na nakapikit pa din ang mata.

"Kita mong may hang-over ang tao eh! Ingay.Psh."

Pinitik naman ako bigla sa noo nito kaya napamulat ako agad at napaupo.

"Ano ba kasing problema mo Ce--MY KENT?!!!!"

Eh bat parang boses ng babae ang sumisigaw sakin kanina? Hala.Nananaginip na naman siguro ako!

Humiga ulit ako para mawala sa paningin ko si My Kent.Bat naman kasi bigla-bigla syang pumapasok sa panaginip ko no?

"Hmm.Pati ba naman sa panaginip,ang sungit sungit mo My Kent."

sabi ko pa habang nakapikit.

Wala na naman akong narinig na nagsalita,siguro lumabas na sa panaginip ko si My Kent.

Ilang minutes pa ..

*SPLAAAAAAASH*

"AHHHHHHH! TULONG! NALULUNOD AKO!!!!"

Napatayo ako bigla sa kama habang nakapikit.Basang-basa ako shet!

"Gumising ka na!"

oh? Boses yun ni My Kent ah.Nalulunod din sya? Hala.

Minulat ko na yung mata ko at saka pinuntahan yung pwesto ni My Kent.

"Halika dito My Kent dali! Hindi ka pwedeng malunod!"

sigaw ko sa kanya habang hinihila ko ang kamay nya paakyat sa kama.Lecheng panaginip 'to oh! Papatayin pa si My Kent.

"Ano ba?! Hindi 'to panaginip Queen! Totoo ako,totoo na basa ka,totoo lahat! Ano ba!"

"Bahala ka.Basta aakyat nalang ako sa kama bago pa ako malunod."

Tatalikuran ko na sana sya para umakyat sa kama kaso pinukpok nya sakin yung tabo.

"Aray! Bat ka namumukpok dyan? Ayaw mong umakyat diba? Bahala kang malunod--Aray! Nakakadalawa ka na ah!"

"Umayos ka na kasi! Binuhusan kita ng tubig para magising ka.Pano ka malulunod dyan?! Tsk."

Lumapit ako sa kanya na nagtataka.Totoo ba? Hindi 'to panaginip? Eh bakit magkasama kami ngayon? SA IISANG KWARTO?!

"Kung totoo nga at hindi ito panaginip.... 0___0 PINAGSAMANTALAHAN MO AKO NO? KAYA TAYO MAGKASAMA DITO SA IISANG KWARTO?! MY KENT NAMAN! SANA SINABI MO SAKIN PARA NAMAN ATLEAST DIBA? MAG-ENJO--"

"Tatlo.Pag ako nainis,balde na ipupukpok ko sayo!"

At saka sya lumabas.

Sya na nga ang nanamantala sakin,sya pa galit?! Aba ayos ah.

Pero,bakit nga ba ako nandito? Anyare?

Mga ilang minutes pa,lumabas na ako ng kwarto nya.Nadatnan ko naman sila Lhoyd at Mario na nanonood ng tv.

"Goodmorning -_-" bangag na bati nung dalawa sakin.

"Goodmorning?! Hello.Gabi pa kaya!" sagot ko naman sa kanila.

Queen Of FrustrationsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon