CHAPTER NINE: The Makeyd & Me (2)

20 0 0
                                    

CHAPTER NINE: The Makeyd & Me (2)

Pagkalabas ko,wala na sila.

Dapat pala sumunod nalang ako kay Cess,iiyak na naman ako ngayon :/

Dumiretso muna ako sa Greenwich.Favorite kainan namin 'to ni Cess eh.Magpapalamig lang.

@GREENWICH

"Ma'am,oorder po kayo? :)"

tanong sakin ng waiter.

"One Family size pizza nga.Yung Hawaiian Delight.Tapos pineapple juice."

"Okay po."

saka umalis.

*witwiw*

Uy.May nagtext!

[Kamusta naman ang paggala kasama ang MaKeYd? :D]

Pang-asar din 'to si Cess. >.>

[Masaya naman.SOBRANG SAYA.]

Ayoko ngang sabihin na iniwanan nila ako.Mamaya,sermonan na naman ako na dapat sinunod ko nalang sya,ganito ganyan cheness cheness eklavu.

[K.]

Ang bilis talaga magbago ng mood nitong babaeng 'to.

"Ma'am,this is your order.Enjoy!"

Nilapag na naman sa table yung pizza ko.Amoy palang,nakakatakam na.

Weeee ^^ Kakalimutan ko nalang muna yung ginawa nung tatlong yun.Psh.

Kumuha ako ng isang slice tapos nilagyan ko ng chili sauce.Yum yum!

"Hindi ka gutom no?"

Isusubo ko na sana yung slice,kung hindi lang umextra 'tong My Kent na 'to! Inirapan ko lang sila tapos isusubo na ang slice,kaso ..

"Paupo ha."

Nilapag ko nalang yung isang slice at saka sila tinitigang tatlo.

"Wala ba kayong balak pakainin ako?" tanong ko.

"Anong pinagsasabi mo?Nakikiupo lang.Sayo ba 'to? Edi kumain ka lang dyan,pake ba namin."

sagot ni My Kent.

"Urgh.Bwiset."

Tumayo nalang ako at saka iniwanan sila dun pati yung pizza.Pride,pride! Kailangan ko nun.

@JOLLIBEE

"Paorder nga po ng spaghetti,chicken fillet,sundae,large fries,burger&pineapple juice."

Tumango naman yung cashier at saka binigay yung number ko.

Umupo ako sa pinakadulo.Yung makikita ko yung labas,kahit parking lot lang -_-

"Ito na po yung order nyo Ma'am.Enjoy!"

Buti naman walang istorbo.

Inuna ko munang kainin yung spaghetti.

"Sana lang hindi ako maistorbo dito."

bulong ko habang kumakain.

"Hi! :)"

Napatingala naman ako sa nagHi.

Si Lhoyd.

"Bat ba ayaw nyo 'kong tantanan?" inis kong sabi.Bwiset talaga 'tong tatlong 'to ><

"Kung hindi mo natatanong,kami nag-aya sayo dito." sagot naman ni Mario.

"Oo.Kayo nga ang nag-aya.Ano namang ginawa nyo sakin?Iniwanan.Sa tingin nyo sasama pa 'ko sa inyo? Guys,sumama ako sa inyo kasi akala ko babawi kayo sakin at hihingi ng sorry.Pero napakaFeelingera ko lang talaga! Kaya baliktad ang nangyari."

Queen Of Frustrationsजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें