CHAPTER SIXTEEN: Boyfriend?!

13 0 0
                                    

CHAPTER SIXTEEN : Boyfriend?!

"Matagal pa ba yan? Magtatanghali na Queen."

"Wait lang talaga. Malapit ko na 'tong matapos."

Nagsusulat kasi ako sa bracelet na binili ko dito sa BG. Alam nyo yung bracelet na pwedeng lagyan ng name o kahit ano? Yung ganun? Basta. Yun na yon.

"Tadaaaa! Tapos na!" Ngiting-ngiti ko sa kanyang pinakita yung tatlong bracelet na last kong sinulatan.

"Ts. Let's go. 20 minutes before lunch."

Opo,masungit na ulit sya after ng 'picture moment' namin kanina. Masanay na kayo. After nga nun,nag-ikot-ikot lang kami tapos ito nga,namili ako ng souvenirs. Pasalubong ko na din kala Mama kapag nagsembreak.

"Wait,akin na yung kamay mo." Kinuha ko naman yung kamay nya at saka ko sinuot sa kanya yung bracelet na may nakasulat na 'Smile'

"Bat naman smile? Pwede namang pangalan ko nalang." Masungit nyang comment.

"Para kapag tinignan mo yan,mapapasmile ka nalang automatically. Kahit basahin mo,mapapasmile ka pa din :) Saka para naman kahit sa bracelet lang maalala mo 'ko."

Tinignan naman nya yung bracelet tas tumingin sya sakin na nakakunot noo.

"Kala ko ba mapapasmile ako? Ts."

"Alam mo,panira ka talaga! Tsk. Tara na nga."

Third person: Hindi alam ni Queen na napasmile si Kent pagkatapos nyang tumalikod

At ayun nga,nakarating naman kami ng maganda at pogi pa din sa Retreat House. Pagdating namin,kumain na din agad. After kumain,pinagpahinga muna kami ng mga profs para daw makapagready sa next activity mamayang 5pm.

Sa kwarto ...

"Saan naman kayo galing ni Chavez kanina ha? Queen?"

Intriga sakin ni Cess. Hindi man halata sa mukha nya,may pagkachismosa din 'tong babaeng 'to.

"Wala. Dun lang sa Botanical Garden."

Sagot ko habang naglalaro ng Pou sa phone.

"Wala pero sa Botanical Garden? Ayos ka talaga Queen."

"Hahaha! Oo na. Bwiset ka talaga Princess."

"Che! Wag ka ngang maingay,matutulog ako."

"Di ka pa nga tulog e kaya pwede pa 'kong mag-ingay. Mwahahaha"

*batok*

Magkatabi kasi kami dito sa kama nya kaya ang lakas ng loob nyang mambatok. Tumalikod nalang sya sakin at natulog.

"Hay nako ka talaga Pou. Bat wala ka pang tae?! Nakakaasar naman oh. Sino bang nagtatanggal ng tae mo?"

Ganito talaga kapag maganda,nagsasalita mag-isa or let's say kinakausap yung nilalaro.

Kumurap-kurap lang si Pou sakin. Ano bang aasahan ko? -_-

"Siguro si Cess no? Kapag nilalaro ka nya,magalit ka ha! Tamo wala ka natuloy mga anak."

Yung mga anak na sinasabi ko ay yung mga tae nya. Sayang nga,ang dami na nung naipon ko dati -___- Tinanggal lang naman ng mabait na si Cess.

"Oh sige na,matulog ka nalang muna at aalis lang ako ha? Okay pou?"

Kumurap-kurap lang ulit sya sakin kaya pinatulog ko nalang sya.

Dahil sa wala akong magawa (dahil hindi naman ako inaantok at wala din palang pupuntahan) may naisip na naman akong bright idea! Hahaha. Em sew metelene telege :">

Queen Of FrustrationsTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang