CHAPTER TWENTY: Girlfriend

6 0 0
                                    

CHAPTER TWENTY: Girlfriend

"Teka nga,hahaha. Ang baliw mo talaga Queen."

Tawang-tawa naman sya habang tinatanggal yung mga kamay ko na nakayakap sa bewang nya. Siguro dahil pinagtitinginan na kami. Ilang sandali pa,ako na din yung bumitaw at humarap sa kanya na nakangiti.

"Pero My Kent,parang ang bilis lang kasi. Kanina gusto mo lang ako pero ngayon may I love you ka na. Hindi ba parang ang bilis?"

"Queen,walang mabilis sa taong may nararamdaman."

"Sus. Baka nga niloloko mo lang ako e. Baka mamaya,trip lang yan o kaya napagpustahan nyo o kaya rebound mo 'ko. Ganun kasi yung mga nababasa,napapanood at napapakinggan kong story e. Nakakatakot makisabay sa kanila."

Which is totoo naman. Sa panahon ngayon ang dami nang nabibiktima nung mga nabanggit ko. Nakakatakot kaya masaktan,super.

Hinawakan nya naman bigla yung dalawang pisngi ko at tumingin sakin.

"Sakin ka pa nagsabi ng ganyan Queen? Trust me,okay? Di kita lolokohin o kahit ano pa sa mga binanggit mo. Siguro nga nung una ayaw ko sayo kasi lakwatsera ka,FEELINGERA,"

So,kailangan nakaemphasize yung Feelingera no? Tinaasan ko nalang sya ng kilay.

"Tamad,madaldal,pasaway at feelingera ulit. Hahaha."

Inirapan ko lang sya at akmang tatanggalin na yung kamay nya sa pisngi ko pero pinigilan nya.

"Joke lang naman. So,ayun nga. Pero kahit na sinusungitan o kung anu-ano man nasabi ko sayo nung una,di ko pa din akalain na magugustuhan kita. Kaya sorry sa mga nangyari man satin dati,babawi ako sayo. :)"

Oh my gosh,oh my gosh. :"> Pati ata buhok ko sa ilong nangingisay na sa kilig.

Wala na 'kong masabi kaya nagsmile ako sa kanya at niyakap sya.

"Sa totoo lang My Kent,crush palang kita ngayon e. Pero don't worry,dadaan din tayo sa mamahalin din kita."

Sabi ko sa kanya habang nakayakap.

"Hihintayin ko yun My Queen."

After ng 'kalanggamang eksena' namin,naglakad-lakad lang din kami at saka bumalik na din sa Retreat House. Hapon na din kasi tapos di pa kami nakapaglunch at patay din kami sa profs.

Anyway pala,habang naglalakad kami magkaholding hands kami. Nakakakilig right? Sapakin kita kung hindi. Hahaha,echos lang! Pere emergesh lengs :"> HHWWMPSSP kami hihi. Holding Hands While Walking May Pa-Sway Sway Pa.

"Oopps oopps oopps oopps."

Nagulat naman kami sa biglaang pagharang ng mga kasama namin sa gate. Puro babae sila,actually.

"Why?"

Masungit na tanong ni My Kent.

"Ano yan ha? Ano yan?"

Nakataas na kilay habang nakapamewang na tanong ni Cess habang nakaturo din sa kamay namin ni My Kent.

"Kamay."

Simpleng sagot ko at nagtawanan naman yung iba pero seryoso pa din yung aura ni Cess. Ano na naman kayang problema nito ne?

"Kami na ah." Sagot ni My Kent. Oh my gosh! Nangingisay na naman mga buhok ko sa ilooong :">

Ilang sandali pa,nag-iritan na din yung mga humarang samin. Hihi. Nekekekeleg kese telege e. Pero,napansin ko lang mukhang pabor ata lahat sakin ngayon ah walang haters. Haters? Oo,may haters ako,ganun talaga pag peymus.

Queen Of FrustrationsOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz