CHAPTER FIFTEEN: Smile

9 0 0
                                    

CHAPTER FIFTEEN: Smile

After ng pagwowalk-out ko 'kuno',dumiretso nalang ako dito sa kama ko. Tulo lang nang tulo yung luha ko sabay singhot. Grabe! Ano kayang problema sakin nung Mario Montilla na yon? Di naman kami close diba? Psh. Ewan ko ba dun,ewan ko lang talaga.

"Urghhhh!" nanggigigil kong kinagat yung unan ko at saka umupo.

"Hindi dapat ako umiiyak sa sinabi nung tarantadong yun e! Hindi talaga dapat. Hindi sya dapat iyakan. Walang kwenta yung sinabi nya. Walang...kwenta." Tumulo na naman yung luha ko. Ewan ko ba kung bat ako sobrang apektado sa sinabi nya. Nakakaasar lang kasi.

*someone knocks on the door*

Pinunasan ko naman yung mukha ko agad-agad pagkarinig ko ng katok.

"Bukas yung pinto!" sigaw ko at saka bumalik sa pagkakahiga at humarap sa pader.

"Want some ice cream?" boses palang kilala ko na,pero tiniis kong hindi sya lingunin dahil ayokong makita nya 'kong ganito. Nakilala nya 'kong pasaway kaya ayokong makita nya 'ko na umiiyak.

"Ayokong pinaghihintay ako. Kukunin mo o hindi?"

"Hindi." matigas kong sagot. Ayoko muna talagang makipag-usap ngayon. Masasabi nyong OA ako dahil sa inaakto ko,pero kasalanan ko bang affected ako masyado? Ang sakit kaya masabihan ng ganun. Sobra. Parang sinabi na din nya na,hindi ako matino.

"Alam mo,mas lalo mo lang pinapahalata sa lahat at pati na rin sa kanya na totoo yung sinabi nya. Kaya bumangon ka dyan at kuhanin mo 'tong ice cream. It will make you better. Kahit di maalis yung sakit,maaalis naman yung mabigat na nararamdaman mo."

Sana ganito nalang lagi si My Kent -___- Kung ganito lagi edi natuwa pa 'ko diba? Baka mainlove na 'ko sa kanya Hahaha. Wag nalang pala! Edi kung ganito sya lagi,edi lagi din akong masasaktan? No way!

"Ayoko. Gusto ko lang mapag-isa My Kent. Maybe,this is super OA pero masakit lang kasi. Kainin mo nalang yang ice cream." matigas ko ulit sabi habang nakaharap pa din sa pader.

"Come on Queen. Ngayon ka pa ba mag-iinarte? Ako na nag-aalok sayo,ngayon lang ako naghintay at swerte mo lang dahil hinihintay ko pa din na kunin mo 'to."

"Nangongonsensya ka ba?" nakapoker face kong harap sa kanya. Iba talaga kapag yung crush mo yung mangongonsensya e,effective.

"Pwede na. Effective ba? *smirk*"

"Ewan ko sayo! *hampas ng unan* akin na nga yan!" pagkatapos ko syang hampasin,kinuha ko nalang yung ice cream. Papakipot pa ba 'ko? E lalo na't nangongonsensya sya.

Tumawa nalang sya sa ginawa ko at pareho namin kinain yung ice cream namin. Nasa taas pa din ako ng deck tapos sya nakatayo lang at nakapatong yung siko sa hagdan ng double deck.

After naming maubos ang ice cream,humiga ulit ako. Wala nang inom inom Hahahaha.

"Wait lang,kukuha akong tubig." Napangiti nalang ako sa inaasta ngayon ni My Kent. For sure naman anytime,magbabago na naman ang mood nyan. Sulitin nalang ngayon :D

Wala pang ilang minuto,nakabalik na din agad at may hawak na bottled water. Wow,sosyal! Binote pa talaga Hahahahaha.

"Oh,uminom ka muna." umupo naman ako at kinuha yung tubig saka uminom.

"Alam mo,mas gusto ko yung attitude mo ngayon My Kent. Ang sweet sweet mo. Pero alam ko namang anytime magbabago na naman mood mo Hahahaha. Tignan mo after ko 'tong sabihin? Kukunot na naman noo mo at magsstart na namang magsungit. Makatulog na nga lang." After kong sabihin yun,humiga na ulit ako at humarap ulit sa pader.

Queen Of Frustrationsحيث تعيش القصص. اكتشف الآن