CHAPTER FOURTEEN: Serious mode: ON

9 0 0
                                    

CHAPTER FOURTEEN: Serious mode: ON

Matapos yung kagabi,nagsungit na naman sakin si My Kent. Grabe din ang mood swing nung lalaking yun e. Pero atleast lumevel up naman e! Pinapansin nya na 'ko kahit puro kasungitan lang ang gagawin :"> Nakakakilig right?

"Mukha kang timang. Wag ka ngang ngumiti." ito na naman si Cess -,- Matapos pala yung kagabi,di na sya bumalik. Grabe no? Nagexcuse dahil may tumawag pero di ko akalain na sa retreat house pa talaga sya nakarating para makipag-usap?! -___- Di ko nalang prinoblema yun dahil masaya naman akong kasama si My Kent kagabi :">

"Heh! Baka nakakalimutan mo,may kasalanan ka pa sakin." ngayon ko nalang poproblemahin yung kay Cess Hahahaha.

"Psh. E kasi nagkaproblema lang sa bahay namin,at saka ayoko din naman kayong guluhin ng KENT MO kagabi e. Dapat nga magpasalamat ka pa :p"

"Edi thankyouuuu! Talagang ako pa nagkaUtang na loob sayo ha?"

"Syempre naman. Hahahaha"

Nagkwentuhan lang kami ng nonsense na bagay since nakaupo lang naman kami dito sa parang backyard ng retreat house.Di pa kasi nagsisimula ang activity 'daw' ngayon.

"Usod nga." nagulat naman kami ni Cess sa biglaang pagsulpot ni My Kent sa tabi ko at sinabi yan.

"Oh,anong ginagawa mo dito?" masungit na tanong ni Cess. Ewan ko ba dyan,sya ang di makaGet Over sa mga ginawa sakin dati ni My Kent e kaya kahit alam nyang nagiging close na kami,masungit pa din sya kay My Kent kahit kala Lhoyd at Mario.

"Bakit,sayo na ba 'to?" pilosopong sagot o tanong ni My Kent sa kanya.

"Che. Ewan ko sayo! Dyan na nga kayo." tinalikuran nalang kami ni Cess at nagcellphone.

"Uh. Ene be keseng genegewe me dete Mey Kent? Hihi" pacute kong tanong sabay ipit pa ng buhok ko sa tenga. Bakit ba? Walang pakealamanan :D :p

Napakunot naman ng noo si My Kent.

"Huh?" may pagkaslow din pala sya kahit pano.

"Sabi ko,kung anong ginagawa mo dito?" sabay irap. Wala na,nasira na yung pagpapacute ko dahil sa 'Huh?' nya. -,-

"Nakaupo. Hindi ba obvious?" pilosopo. Kung kailan kami nagiging close at saka naman sya papilosopo nang papilosopo. Hay buhay parang life.

"Ewan ko sayo. Ayan na yung mga prof,makinig na nga lang." tumawa nalang sya sa sinabi ko. Di na 'ko magugulat kung bigla syang tatawa matapos magsungit. Sanayan lang yan hahaha.

"Ang first activity nyo ngayon ay ang pagdedebate. Dito natin makikita o malalaman ang mga opinyon nyo. Masusukat din dito kung gaano kayo kabilis mag-isip sa isasagot nyo. This is not related in your courses o ano,gagawin lang natin 'to para naman hindi lang tayo mamasyal sa fieldtrip na 'to at para may matutunan din kayo sa gagawin nating activities." paliwanag ni Ma'am Galang.

Debate? Mukhang masaya >:)

"E ano po bang pagdedebatehan?" tanong ng ewan ko kung sino,galing Nursing Department.

"Love vs. Friendship. Alam kong gusto nyo ang tungkol dito Hahaha at syempre makakarelate din ang iba. :)" sagot naman ni Ma'am. Love vs. Friendship? Di pa naman nangyayari sakin ang mamili sa ganyan,pero sige tignan natin ang kalalabasan nitong debate Hahahaha. Excitiiiing.

"So,game?" - Profs

Masaya naman kaming sumagot.

"Dito sa kanan ay yung pipiliin ang Love."

Queen Of FrustrationsWhere stories live. Discover now