"Sino kayang makakatulog ng mahimbing kung may kasama ka sa iisang kwarto na makahilik ay akala mo wala ng bukas" sarkastiko kong sabi. Napakamot naman siya sa ulo at ngumisi lamang.

"I'm sorry bro! masyado akong pagod." sabi niya.

"Tsk!" iling na sabi ni Mark. Napahinga ako ng malalim at napabaling ang tingin ko kay Cole na padapang natulog. Dahan dahan kong tinanggal ang kamay ko sa ulo niya at kinumutan siya hanggang bewang.

"Gisingin mo kaya siya para makakain na. Hindi pa siya nag bre-breakfast." sabi ni Macky na kasalukuyang kumakain ng ice cream. Napabuntong hininga ako at binaling ang tingin sakanya.

He's right. Cole should eat now cause it's already 10:30 a.m. Hindi pa siya nakakaligo at nakakapasok sa trabaho niya. Nag aalala ako dahil baka makakuha siya ng sakit kung dito sa hospital siya mananatili. Marahan kong iniwakli ang buhok na tumatakip sa magandang mukha niya. Sinimulan kong yugyugin siya ng marahan pero umungot lamang siya.

"Love you need to get up. It's time for u to eat" sabi ko. Minulat niya ang mga mata niya at diretsong tumingin sa akin.

"Anong oras na?" tanong niya sa inaantok na boses. Muli siyang pumikit at huminga ng malalim.

"10:35" simpleng sabi ko.

"Hindi pa ako gutom. Mamaya na ako kakain." tamad niyang sabi.

"Hindi pwede Love. Kailangan mo ring pumasok sa companya. Hindi porket ikaw ang may ari pwede ka ng lumiban" nakangisi kong sabi. Minulat niya ang mata niya at nagsalita.

"Nagpaalam na ako kay papa nung ma confine ako" sabi niya at umirap. Nawala ang ngisi ko at nagsalita ulit.

"Then get up now. You need to eat. Continue sleeping after u eat" sabi ko.

"Love naman eh! ayoko nga! mamaya na kasi!" naiiyak niyang maktol. Napatawa ako ng mahina at niyakap siya.

"Ok. I'm sorry. Continue to sleep now." malambing kong sabi at niyakap siya sa pisngi. Humarap siya kaya medyo niluwagan ko ang yakap ko. Bigla na lamang siyang yumakap sa akin ng mahigpit na animoy mawawala ako.

"D-don't leave. Dito ka lang" mahina niyang sabi.

"I will" sabi ko at niyakap siya ng mahigpit pabalik.

I know, she is worried so I have to be strong for her. Pinapakiramdaman ko siya ng parang bigla siyang nagulat. Tinignan ko siya at nakamulat ang mata niya.

"Ok ka lang?" sabi ko. Huminga siya ng malalim at tumango. Humiwalay ako sa yakap ng umupo siya. Sinuklay niya ang buhok niya gamit ang daliri niya.

"Cr lang ako" sabi niya at tumayo. Hindi ako naka imik at napabuntong hininga.

"Anong nangyari doon?" tanong ni Macky. Napakibit balikat na lamang ako at inabot ang isang baso ng tubig at ininom iyon.

"Pakihandaan nga ng pagkain si Cole" sabi ko. Tumango si Macky at siya na ang gumawa ng pakiusap ko.

Maya maya pa ay lumabas na si Cole na nakatali ang mahabang buhok niya. Lumapit siya sa akin at nag taka ako ng bigla na lamang siyang yumakap. Knowing her. Shes not like this, unless something is bothering her.

"What's bothering u?" seryoso kong sabi. Dinig na dinig ko ang paghugot niya ng malalim na hininga.

"Love. Kailan ka makakalabas dito" mahina niyang tanong. Niyakap ko ang bewang niya at napabuntong hininga. Humiwalay ako sa yakap at tinignan siya ng mabuti.

"The doctor said that tomorrow, I will be discharge. My operation will be next week. Hindi pa sana ako pwedeng umalis pero nagpumilit ako kina mama na payagan ako na sa bahay na lang ma obserbahan." sabi ko. Napabuntong hininga siya at napatingin sa gang na may kanya kanya nang ginagawa.

"Nagugutom ako." tanging sabi niya at tumalikod na para pumunta sa mesa na may nakahanda ng pagkain.

Napabuntong hininga ako ng iwasan niya ang pinag uusapan namin. I have to wait until she will tell me what's bothering her.

His Greatest Battle In Life {Completed}Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt