Prologue

5.4K 79 2
                                    


Leonard Chester

Nandito ako ngayon sa airport at hinihintay ko ang aking bestfriend. Her name is Freya Nicole Sanchez. Cole for short. Ewan ko ba sa babaeng yun at iyon ang gustong-gusto niyang itawag sakanya. Mayaman rin siya katulad namin at mababait ang mga magulang niya.

"hoy!" nabalik naman ako sa sarili ko ng may sumapak sa ulo ko. Tumingin ako sa taong iyon at nakita ko si Cole na nakatayo na pala sa harapan ko at masamang nakatingin sa akin. Tinignan ko naman siya mula sa ulo hanggang paa. She's wearing a skinny pants and a plain white v-shirt. Naka sneakers siya ng itim at naka bun ang buhok. Litaw na litaw rin ang maputi niyang balat at magandang hubog ng katawan.

"hoy! alam mo bang kanina pa kita tinatawag pero mukha kang tanga diyan na nakatunganga" sabi niya.

"I'm sorry ok. Nilipad lang yung isip ko" sagot ko. Tinaasan naman niya ako ng kilay at walang pasabing hinagis sa akin ang mabigat niyang bag pack. Nagsimula na siyang maglakad habang hila hila niya ang isang maletang dala niya.

"Bilisan mo jan at di ko alam kung asan yung kotse mo" Napailing ako at binilisan na lang na maglakad.

Nakarating kami sa sasakyan kong nakapark dito sa airport at tinulungan ko na siyang buhatin yung gamit niya. Pagkatapos ay pumasok na kami sa loob ng sasakyan at nagsimula na akong mag maneho.

"Ba't bigla ka atang umuwi dito?" pagtatanong ko. Narinig ko naman ang buntong hininga niya at sumagot.

"well... pina uwi ako ni daddy at sinabing ihahandle ko na daw yung isa pa naming companya."

"Eh bakit sa akin ka nagpasundo at hindi sa parents or kuya mo?" pagtatanong ko ulit.

"Eh bakit ba! gusto ko ikaw at isa pa busy sila" sagot niya sa akin at napatingin siya sa labas ng bintana. Tinignan ko siya ng may nakakalokong ngiti sa labi.

"uy.. gusto niya daw ako" tukso ko sakanya.

"heh! tumigil ka nga" sabi niya at pumikit.

"yieee.." tukso ko pa pero ang babae inirapan ako at di inimik. Tumigil na rin ako ng mahalata kong wala siya sa mood makipag asaran sa akin. Napagod siguro to ng husto.

"Cole saan kita dadalhin?" tanong ko sakanya.

"sa condo ko" tipid niyang sabi. Tinignan ko siya at nakita kong nakapikit na siya at mukhang malalim na ang tulog. Napailing na lamang ako at napangiti. Wala parin talaga siyang pinagbago.

Pagkatapos ng mahabang biyahe ay nakarating na ako sa condo niya which is katabi lang ng condo ko. Pinark ko na ang sasakyan ko dito sa parking lot at hindi muna bumaba. Tinignan ko si Cole na mahimbing parin ang tulog.

Actually.. Cole is my bestfriend since we are both kids. Our parents are business partners and at the same time they are friends also. And because of them I met her. My childhood friend. Hanggang ngayon ay matibay parin ang samahang meron kami.

Si Cole yung babaeng walang arte. Siya yung tipong simple lang na mahilig sa pantalon at t-shirt kaysa sa mga dress. Mahilig sa sapatos kaysa sa mga sandal. Hindi hilig sa make up at hindi maarte sa kung ano ang gagawin niya sa buhok niya. Although pag mga importanteng okasyon ay nagsusuot siya ng dress at naglalagay ng light make up pati narin sa work. She is very different from other girls. Swerte nga ng lalakeng magmamahal sakanya at sana kung sino man yung lalakeng yun ay ingatan at mahalin niya si Cole kasi masasabi kong isa siyang kawalan na babae.

Hinimas ko ang pisngi niya at dahan dahang inilapit ang mukha ko sa mukha niya. Hinalikan ko siya sa noo pagkatapos ay bumaba na ako at pumunta sa likod ng sasakyan ko para ilabas yung gamit niya.

"sir need help?" tanong nung isang empleyadong lalake dito. Tinanguan ko siya at sinabing buhatin yung mga bagahe ni Cole at idala ito sa room niya. Agad naman itong kumilos at umalis.

Sinara ko na yung pinto sa likod ng kotse ko at lumapit sa side ni Cole. Binuksan ko na ang pinto at ang gara! tulog parin ito.. ni hindi man lang naalimpungatan. Inalis ko na lamang ang seatbelt niya at dahan-dahan ko siyang binuhat. Sinarado ko na ang pinto ng kotse ko at siniguradong naka lock ito. Pumasok na ako sa loob ng Condominium habang buhat buhat ko siya.

Nakarating na kami dito sa Condo niya at nakita kong nandoon na ang mga gamit niya. Nakalapag din sa table yung susi ng Condo niya na ibinigay ko sa empleyadong tumulong sa akin kanina.

Dinala ko na si Cole sa kama at dahan dahan siyang inilapag sa kama. Inalis ko na ang sapatos niya at kinumutan siya. Malinis naman na itong Condo niya kaya walang problema. Every week kasi ay may naglilinis na katulong dito.

Napag desisyonan kong lumabas sa condo niya at mag market dahil walang laman ang ref niya. Sinigurado ko ring naka lock itong kwarto at condo niya bago ako tuluyang makaalis.

~~~~~~~~~~~~~~~

Hope u like my new story.😊

Pls. Vote my story and also comment your thoughts.

His Greatest Battle In Life {Completed}Where stories live. Discover now