Chapter 10

1.6K 43 1
                                    


                        Freya Nicole

Apat na araw. Apat na araw na pero ni isang tawag o text ay wala akong natanggap mula kay Leon. Hindi ko alam pero nagui guilty ako dahil sa ginawa ko. Nag aalala na ako para sakanya dahil ayaw sabihin nina tita at tito kung asan si Leon. Maski nga ang mga kaibigan niya tinanong ko pero wala akong natanggap na matinong sagot.

Malakas ang pakiramdam ko na may tinatago sila sa akin. Nakakainis kasi mukha akong tanga na hindi alam kung ano ang nangyayari sa best friend ko. Napatingin ako sa cellphone ko nang mag ring ito. Akala ko pangalan ni Leon ang bubungad sa akin pero iba. Napa buntong hininga ako at sinagot ang tawag ni Andy.

"kamusta na? nagparamdam na ba yung best friend mo? " tanong niya.

"Ok lang naman pero wala parin siyang paramdam" malungkot kong sabi.

"Hwag kang mawalan ng pag asa. Malay mo may ginagawa lang na importante" sabi niya.

"Sana nga eh" sagot ko at bumuntong hininga na lamang.

"Osige next time uli. May trabaho pa ako. Ingat ka diyan palagi. " sabi niya at binaba na ang tawag. Tinago ko na ang cellphone ko at pinag patuloy na lamang ang ginagawa ko.

Lumipas ang oras at gabi na. Nag paalam na ako sa secretarya ko na aalis na ako. Sumakay ako ng kotse ko at pinaandar na ito patungong condo ko. Nang makarating ako ay pinark ko ang sasakyan ko at pumasok na sa loob ng Condominium.

Pumasok na ako sa loob pagkatapos i check ang Condo ni Leon. Dumeretso ako sa kwarto ko at naglinis ng katawan. Pagkatapos ay nahiga na ako sa kama ko at hindi na kumain ng dinner. Wala akong gana. Tinangay ako ng dilim hanggang sa hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari.

Paggising ko kina umagahan ay agad akong nag ayos ng sarili ko. Kumain na rin ako pagkatapos ay gumayak na ako. Pinatakbo ko na ang kotse ko papuntang companya. Pinark ko na ang kotse ko sa parking lot pagkatapos ay pumasok na sa loob ng company. Binabati ako ng mga empleyadong nakakasalubong ko. Nginingitian ko na lang sila at binabati pabalik.

Nakarating ako sa opisina ko at binati ako ng secretarya ko. Nginitian ko siya at binati pabalik. Pumasok na ako sa loob at hindi ko inaasahan ang bisita ko. Alam kong siya ito. Likod niya palang kilalang kilala ko na siya.

"Leon" mahina kong sabi. Unti unti itong humarap. I saw him smiling at me. Lumapit ito sa akin habang may ngiti sa labi. Pagkalapit niya ay dinamba ko agad siya ng yakap at umiyak ng umiyak. I miss him damn so much.

"I'm sorry" umiiyak kong sabi. Hinimas niya lang ang likod ko at di umimik. Nang mahimasmasan ako ay kumawala ako sa yakap at tinignan siya.

"Bakit ngayon ka lang nag pakita. Isang araw lang naman yung hiningi ko pero apat na araw kang hindi nagpakita at nag paramdam." naiiyak kong sabi. Ngumiti lang siya sa akin at pinunasan ang luha ko.

"How are you? " tanong niya habang nakangiti.

"I'm fine" mahina kong sabi. Bakit ganun. Bakit parang may nag iba sakanya. Kung dati ay pupunasan niya ang mga luha ko saka yayakapin niya ako ng mahigpit ngayon ay hindi na. Kung dati ay mag bibiro siya para tumawa ako pero ngayon hindi na. Ganun na ba ako karude nung hiningi ko ang isang araw?

"Your company now is stable. Hindi na kayo babagsak and I invested in your company." nakangiti niyang sabi.

"T-thank you" mahina kong sabi at napayuko. Eto lang ba ang pinunta niya dito?

"Who's the guy your with this week? " seryoso niyang tanong. Napaangat ako ng tingin at sinalubong ang maganda niyang mata.

"He's A-andy" utal kong sabi at napaiwas ng tingin.

"Is he courting you?" malamig niyang sabi. Tinignan ko siya sa mata at galit na ekspresyon ang nakita ko sa mga mata niya. Napalunok ako at nagsalita.

"N-no h-he's ahh... h-he's my b-boyfriend. " ok that's a lie. Hindi ko talaga siya boyfriend and she already have a girl. He's just my friend.

"Break up with him" malamig niyang sabi. Tinitigan ko siya ng seryoso sa mukha.

"W-why would I? " matapang kong sabi. Nakita ko ang pagkuyom ng kanang kamay niya.

"Just break up with him" malamig niyang sabi.

"Bakit ba?! your only my bestfriend Leon. You have no right to tell me what will I do! Ni hindi nga kita pinaki alaman sa nililigawan mo! Why are you saying this? " sigaw ko sakanya. Tinignan niya ako ng malamig saka nagsalita.

"Your only mine Cole. " matigas at malamig niyang sabi. Biglang nanginig yung tuhod ko dahil sa takot. Pero nangingibabaw ang lito at saya? sa puso ko.

"Hindi mo ako pag aari Leon." matapang kong sabi.

"Your mine Cole since the day we first met" nakangisi niyang sabi at nilagpasan niya ako. Natulala ako sa sinabi niya at hindi makapaniwala sa mga sinabi niya.

Wala sa sarili na nag trabaho ako hanggang gabi. Naka uwi na ako sa condo ko pero nang makita ko si Leon ay agad ko siyang iniwasan at hindi pinansin. I'm confuse. Why is he doing this. Bakit niya ako inaangkin eh wala naman siyang nararamdaman sa akin. I'm just a bestfriend for him. Pero hindi ko ipagkakaila na masaya ang puso ko dahil sa mga pinagsasabi niya sa akin.

Napailing na lamang ako at tumaas na papunta sa kwarto ko. Nag half bath lamang ako pagkatapos ay kumain ako ng dinner. Hinugasan ko na ang pinagkainan ko saka dumeretso sa kwarto. Nahiga ako sa kama at akmang pipikit na ng tumunog yung phone ko sa side table.

Leon is calling

Sinagot ko yung tawag pero hindi muna ako nagsalita.

"Are you going to sleep now? " tanong niya sa kabilang linya.

'Yeah pero bigla kang tumawag. Ano ba sasabihin mo? " tanong ko.

"Did you already break up with him? " sabi niya. Natahimik ako at hindi mahagilap ang sagot. Shocks nakalimutan kong sabihan si Andy baka kung ano pang gawin ni Leon eh baka mabuking ako.

"Cole" matigas at malamig niyang sabi. Nabalik ako sa katawan ko at sinagot siya.

"Hindi ko siya hihiwalayan! bahala ka! " sigaw ko at inoff ang tawag. Nilapag ko muli ang phone ko sa side table at matutulog na sana ng biglang may nag door bell. Nagtaka ako dahil alas nuwebe na eh may bisita pa ako.

Tumayo ako sa kama at lumabas na ako sa kwarto. Dumeretso ako sa pinto at pinagbuksan ang taong kanina pa door bell ng door bell na akala mo nag mamadali.

Pagkabukas ko ay mukha ni Leon ang bumungad sa akin. Nagulat ako kaya agad kong sinara ang pinto pero naharangan niya ito gamit ang paa niya. Pinipilit kong isara pero dahil nga malakas siya ay nakapasok siya sa loob.

"Ayaw mo ba akong papasukin" nakangisi niyang sabi. Umiwas ako ng tingin at hindi nakapag salita.

"Umalis ka na nga kung bu buwisitin mo lang ako! " singhal ko sakanya at inirapan siya. Tumalikod na ako sakanya at tataas na sana ng bigla niya akong hilain paharap sakanya. Tinignan niya ako ng malamig at nagsalita.

"Bakit ba ayaw mong hiwalayan yung lalakeng yun" malamig niyang sabi.

"Bakit ba! pake mo! hindi nga kita kinontra nung may nililigawan ka ngayon! " singhal ko sakanya. Huminga siya ng malalim at tinapunan niya ko ng malamig na tingin.

"I'll give u this whole night. Break up with him or I'll kill him" nakangisi niyang sabi. Kinilabutan ako doon sa sinabi niya. Tumalikod na siya sa akin at umalis ng condo.

Tulala lang ako na pumasok sa kwarto ko. Nahiga ako sa kama ko at napatitig sa kisame. Hours passed and I'm still awake. Hindi pa rin ako makatulog kainis! Bakit ba kasi nag kakaganun si Leon.

Maya maya ay unti unti ko nang naramdaman ang antok hanggang sa tinangay na ako ng dilim. Sana naman hindi ako ma late bukas.

Hi readers! 😊Thank u for reading😀 Pls do vote and comment your thoughts😉

His Greatest Battle In Life {Completed}Where stories live. Discover now