Chapter 16

1.6K 45 2
                                    

Freya Nicole

Nagising ako ng maagma kinabukasan para mag handa na. Nag luto ako ng pagkaing ko para sa umagahan pagkatapos ay hinugasan ko ang mga platong ginamit ko. Dumeretso na ako sa kwarto ko at naligo agad.

Biglang tumunog yung phone ko kaya tinignan ko kung sino ang nag text. Nag mumog na ako ng tubig pagkatapos kong mag sipilyo. Pinunasan ko na ang bibig ko saka kinuha ang phone ko para sagutin ang text ni Leon.

Leonard:
What time tayo mag kikita?

Me:
10:00. Nag hahanda na ako. Sunduin mo na lang ako.

Pagkatapos kong sabihin iyon ay napabuntong hininga ako bago lumabas ng bathroom. Ang kapal naman ng mukha ko at nag pasundo pa ako sakanya gayong hindi kami ayos. Haist...

Binuksan ko na ang walk in closet ko at naghanap ng damit. Napili ko na lamang suotin ang isang high-waist black jeans at isang itim na long sleve. Tinak-in ko ito sa pantalon ko pagkatpos ay kumuha na ako ng itim na doll socks. Sinuot ko na iyon at kinuha ang air max shoes ko na kulay itim. May burol ba? wala. Sadyang trip ko lang ang itim ngayon. Malay mo magluksa ako mamaya. Hakhakhak. Ok corny.

Blinower ko ang mahaba kong buhok na hanggang waist ko. Pinakulayan ko ng kulay grey ang bandang baba ng buhok ko at pina curl ito. Yung malalaking curl yun at hindi yung maliliit. Half twin braid ang ginawa ko sa buhok ko pagkatapos ay nag lagay lang ako ng kaunting pulbo sa mukha ko at lip gloss. Nag wisik lang ako ng pabango pagkatapos ay tinignan ko ang repleksyon ko sa salamin. Nang makita kong ayos lang ay kinuha ko na ang korean bag kong itim at nilagay doon ang wallet at payong ko. Baka biglang umulan.

Tinignan ko ang orasan at 9: 45 na pala. Huminga ako ng malalim at naupo sa kama ko. Hihintayin ko lang ang text niya at aalis na ako ng condo. May sampung minuto pa bago mag alas diyes ng umaga. Dumungaw ako sa bintana ko at tinignan ang mga taong dumadaan sa baba.

Ano kayang mangyayari pag nagkita kami. Kamusta kaya siya. Siya parin kaya yung dating 'Leon' na nakilala at minahal ko? Hayy... Tumingin ako sa relo ko at 9:55 pa lang. Biglang nag vibrate yung phone ko kaya tinignan ko kung sino ang nag text.

Leonard:
Malapait na ako.

Me:
Ok. Cge hintayin kita sa labas ng condo.

Pagkatapos kung mag reply ay wala na akong natanggap na text mula sakanya. My heart ache painfully as my eyes heated. Huminga ako ng malalim at nilock na ang pinto ng condo ko. Dati naman may matatanggap akong ok kung mag rereply ako ng ganun pero ngayon wala na. Natatakot ako.

Natatakot ako na baka ngayon ay nag bago na siya. Huminga ako ng malalim at sumakay na ng elevator. Pinindot ko ang first floor kung nasaan ang lobby. Maya maya ay nakarating na ako sa floor at sakto naman ay ang pagpasok ng isang magarang sasakyan. Heavy tinted iyon at hindi mo talaga makikita ang nasa loob nun. Humakbang ako palabas ng lobby kasabay nun ay ang pagbaba ng taong may ari ng sasakyan. Ang taong hinihintay ko kanina pa.

Pinasadahan ko siya ng tingin mula ulo hanggang paa. He's wearing a black shirt with a design on it and a navy blue jeans paired with a black vans shoes. Umangat ang tingin ko sa mukha niya at masasabi kong may nag bago. Mas lalo siyang naging gwapo lalo't dinagdagan pa iyon ng bagong gupit niyang buhok. Ang itim na itim niyang mata ay parang mas lumalim kong titignan mo ito at ang labi niyang mapupula na dinaig pa ang babae. Nabalik ako sa huwisyo ng marinig ko ang hagikhikan ng dalawang babae sa isang gilid. Napairap ako sa hangin at humakbang palapit sakanya. Sinalubong niya ako ng isang matamis na ngiti. Umiwas ako ng tingin dahil pakiramdam ko naglakbay pataas sa mukha ko ang lahat ng dugo ko sa katawan.

His Greatest Battle In Life {Completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon