Chapter 9

1.5K 40 2
                                    

                      Leonard Chester

Nagising ako dahil sa malakas na katok. Minulat ko ang mga mata ko at dahan dahang tumayo. Patuloy parin ang pagkatok ng kung sino man yun sa pinto ng kwarto ko.

Tumayo na ako at pinagbuksan ng pinto yung kumakatok. Bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni Jonard. Tinignan ko lang siya at di nag salita. Shit! I'm still sleepy.

"Kain na. Kaninang umaga ka pa di kumakain. " nakangiti niyang sabi. Nginitian ko siya at nag paalam na susunod ako.

Sinarado ko muli yung pinto at dumeretso sa cr. Napatingin ako sa orasan at pasado alas otso na pala ng gabi. Agad akong naligo at nagsipilyo saka nagpalit ng damit. Blinower ko rin ang buhok ko at di na ito sinuklay. Pagkatapos kong mag ayos ay bumaba na ako.

dumeretso ako sa kusina at nakita ko ang apat at wala pa sina boss. Umupo ako sa tabi ni Mark at kumuha ng kanin. Kung ano ano lang ang pinag uusapan nila at minsan nakikipag tawanan ako sakanila.

Biglang sumakit yung ulo ko kaya napahawak ako rito. Fuck! not now. Huminga ako ng malalim at pumikit ng mariin. Hinilot ko ang ulo ko pero mas lalong sumakit ito. Nabitawan ko ng tuluyan ang kutsarang hawak ko sa kang kamay kaya biglang tumahimik ang paligid.

"Shit! arhh!! " mahinang daing ko. Minulat ko ang mga mata ko at nanlalabo na ito. Hindi ko na rin naririnig ang mga pinagsasabi nila Mark. Huminga ako ng malalim pero palala ng palala ang sakit ng ulo ko. Parang maiiyak na ako sa sakit. Fuck!

Tumayo ako at mahigpit na hinawakan ang gilid ng mesa pero bigla akong natumba. Naramdaman ko na may sumalo sa akin.

"Argh!! " sigaw ko ng hindi ko na kaya ang sakit. Ramdam ko rin ang pagtulo ng luha ko. Unti unti akong nanghina hanggang sa sinakop na ako ng dilim.

                      Mark Justine

Agad kong nasalo si Leon ng matumba ito. Bigla itong sumigaw na parang may iniindang sakit saka unti unti itong nanghina hanggang sa mawalan ng malay. Nakapaligid kaming apat kay Leon ng biglang dumating si boss na malamig na nakatingin sa amin.

"Guys! ready the car! " natatarantang sigaw ng kambal ko. Binuhat namin ni Jonard si Leon at pinasok sa kotse. Nakasunod sa amin ang mag pinsan na mukhang kalmado lang.

"What happened?" malamig na sabi ni boss. Hindi na ako nag abalang sagutin siya dahil andiyan naman si Josh.

"He's screaming in pain and after that he passed out." tipid at seryosong sagot ni Josh. Agad akong pumasok sa likod at inunan ko sa hita ko ang ulo ni Leon. Agad itong pinatakbo ni Macky na nasa driver seat at sa passenger naman ay si Jonard. Binusinahan muna namin ang mag pinsan saka nagmadaling pinatakbo ng mabilis ang kotse. Alam ko naman na susunod sila.

Nakarating kami agad sa hospital na pag mamay ari ni boss. Agad siyang inihiga sa stretcher saka itinakbo papasok sa ER. Nakasunod lang kami hanggang sa hindi na kami pinapasok sa loob. Napasandal ako at ngayon ko lang naramdaman ang panginginig ng kamay ko dahil sa di maipaliwanag na nararamdaman. Napatingin ako kay Macky at Jonard na seryosong nakasamdal at malalim ang mga iniisip.

Napapikit ako at huminga ng malalim. Ilang minuto lang ang nakalipas at dumating si boss at Josh. Hindi ako umimik at nanatiling nakayuko.

Leon is my closest friends. He became my bestfriend since grade four until now. I'm fucking confuse right now cause I don't know what's happening to him. He doesn't keep any secret. I also know that he is inlove with his girl bestfriend which is Cole.

Lumipas ang isang oras bago lumabas ang doktor. Tahimik lang kaming lima at walang ni isang nagtangkang basagin ang katahimikan. Tumayo kami ng maayos at hinarap ang doctor na seryoso ang mukha.

His Greatest Battle In Life {Completed}Where stories live. Discover now