"Oy! Oy! Wag kang umiyak." Natataranta kong sabi Sabay yakap ko sakanya para patahanin sya.

"Naku naman! Bat ka ba umiiyak. "-Erickson.

"Bakit kasi sya pa?! Bakit hindi nalang ako!?"- Sabay tulak nya saakin palayo at umiiyak pa rin sya. Naman! Aist.!

"Dahil ba mas maganda sya saakin at mas sexy?!"- Ivon.

Napailing iling nalang ako dahil sa pagiging brat nya. Hindi talaga sya marunong makinig. Natahimik kami ng ilang segundo.

"Tatanggihan mo pa rin ba ako kung ibibigay ko sayo to.?" Sabay hubad nya ng robe nya at napahawak sya sa likod ng suot nya swim suit.

Dali dali ko naman pinulot ang robe at binalot sakanya.

"Tigilan mo na yan Ivon. Kahit maghubad ka pa sa harapan ko hindi ako maapektuhan--"

Hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil Hinila nya ang batok ko at hinalikan nya ako. Hindi ako nakapalag sa ginawa nya. Napahawak ako sa magkabilang braso nya at tinulak ko sya.

"Ano ba Ivon! Wala ka na bang natitirang delikadesa sa katawan mo?! Ikaw pa itong nanghahalik ng lalaki! Kung ganyan ka lang naman ayoko ng magtrabaho bilang personal body guard mo!. Ayoko na!" Galit na saad ko sakanya saka ko sya tinalikuran at naglakad palayo. Ngunit nakakailang hakbang palang ako ng narinig ko ang munting hikbi nya.

Para naman kinonsensya ako kaya napatigil ako sa paglalakad at unti unti ko sya'ng nilingon. Nakita ko syang nakayuko habang umiiyak. Nagpakawala ako ng buntong hininga. Ayoko sa nakikita ko, na nakakasakit ako ng tao. Hindi naman nya siguro kasalanan na nagkagusto sya saakin. Kung tutuusin swerte ko na dahil may nagkagusto saakin na magandang babae na kagaya nya. Ngunit hindi ko sya pweding lokohin at magpanggap na gusto ko rin sya para lang wag sya masaktan dahil mas masasaktan sya pag nagsinungaling ako sakanya.

Napaupo na sya at napatakip ng mukha habang umiiyak. Naglakad ako palapit sakanya at lumuhod sa harapan nya. Unti unti kong inangat ang mukha nya at kita ko ang namamasa nyang mukha dahil sa luha.

"Pasensya ka na kung nasigawan kita. Hindi lang kasi tama ang ginagawa mo. Hindi mo kailangan maghubad sa harapan ko para magustuhan kita. Ang isang tunay na lalaki hindi sa ganda ng katawan tumitingin kundi sa kung gaano kabuti ang puso ng isang babae mamahalin nila." - Erickson.

"Ngayon lang ako nagmahal at hindi ko inaakalang na ganito kasakit ang hindi mahalin ng taong gusto mo." Umiiyak nya pa ring saad.

"Alam mo ba, una palang kita nakita noong nagdeliver ka ng pagkain sa bahay naattract na ako sayo kaagad kahit alam ko ang estado ng buhay mo. Ayos lang saakin yun dahil hindi naman ako tumitingin sa estado ng buhay. Sa paglipas pa ng mga araw sa pagiging malapit natin sa isa't isa mas lalo akong nahulog sayo. Sana pala hindi mo nalang ako pinakitaan ng maganda para hindi ako nahulog sa'yo. Pafall ka din."- Ivon.

Napayuko naman ako sa sinabi nya.

"Hindi ko intensyon na magpafall, sadyang ganito lang ako. Hindi ko alam na bibigyan mo ng meaning ang pagiging malapit ko sa'yo. Ginagawa ko lang ang trabaho ko bilang body guard mo. Pasensya ka na kung namis interpret mo yun." -Erickson.

Hindi naman ito nagsalita at um'ob lang  gamit ang mga braso nya.

"Hmm. Pasensya ka na talaga Ivon. Mabuti kang tao kaya hindi mo deserve ang kagaYa ko. Naniniwala ako na Makakahanap ka rin ng lalaki na kayang ibalik ang pagmamahal na ibinibigay mo." Erickson.

Humikbi nanaman sya kaya lumapit ako sakanya at niyakap sya. Ayon lang ang kaya ko ibigay sakanya ang icomfort sya. Umiyak lang sya ng umiyak hanggang sa mapagod sya at nagdesisyon kami na bumalik na ng hotel.

THE BILLIONARE SON  ( COMPLETED )Where stories live. Discover now