"Mahal," mahinang bulong niya sa kasintahan.

"Hm?"

"Pakasal na tayo."

Napalingon ito sa kanya, awtomatikong nagtubig ang mga mata. "You know my answer to that already."

"ASAP ang gusto ko."

"How soon?"

"How about tomorrow?"

Namilog ang mga mata nito.

"S-seryoso ka?"

Sunod-sunod ang naging tango niya.

"As much as I love the idea, that's not possible."

Mabilis na nagsalubong ang mga kilay niya.

"Bakit naman?"

"It would at least take two weeks to apply for a marriage license. Prior to that, may ilang mga documents pa tayong kailangang ayusin--like CENOMAR and such."

"Paano mong nalaman 'yon?"

Napaikot ito ng mga mata sa tanong niya.

"Isa sa mga managers namin ang nagpakasal thru civil ceremony. Nalaman ko lang sa kanya ang lahat ng procedure--and no, I didn't ask her about it," pinandilatan siya nito ng mga mata nang magsalubong ang mga kilay niya. "Kuwentuhan lang, gano'n. Hindi dahil nagbalak akong magpakasal sa kahit na sino tulad ng iniisip mo."

"Quiet, please. I'm watching," reklamo ni Saschia.

"Sorry, sweetie."

"Kung gano'n ay gaano kabilis tayo puwedeng makasal?" mahinang bulong niya sa nobya.

"A month?"

"Ang tagal naman." Kung siya ang masusunod, kahit kinabukasan din paglabas nila ng pagamutan ay diretso na sila sa huwes nang sa gano'n ay legal na niyang misis si Julianna habang sila'y nagsasama sa iisang bubong.

Isa iyon sa mga kinatakutan niya kaya parang nag-atras-sulong ang pagbabalik ng kanyang alaala. Ang takot niya na sa kabila ng matibay na pagmamahalan nila ni Julianna ay posible pa rin itong mawala sa kanya dahil sa maraming hadlang sa kanilang relasyon.

"But it's faster compare to a church wedding. Mas maraming requirements doon at napakahaba ng preparations."

"Pakakasalan pa rin naman kita sa simbahan. Pero gusto ko may legal na tayong buhol bago pa ang church wedding. Mahirap na, baka kung ano na namang aberya ang mangyari."

Tinampal nito ng hintuturo ang bibig niya.

"Huwag ka ngang magsalita ng ganyan. Nakakainis ka," gumagaralgal ang boses na sabi nito.

Kinabig niya ito sa balikat at mabilis na kinintalan ng halik sa labi.  "Sorry, sorry. Basta, pakasal na tayo sa huwes. Pagkatapos ay paghandaan naman natin ang church wedding."

"Okay," naluluha itong tumango.

"Napaka-iyakin talaga ng aking mahal na kondesa."

Banayad siya nitong kinagat sa punong-braso.

"Mahal, naglilihi ka na ba?"

Natigilan ito pagkatapos ay namula. "Ang bilis naman."

"Ito nga, o. Isang gabi lang," inginuso ni Sachi ang anak na nakahiga sa hita niya.

Napakagat-labi ito habang tila pigil-pigil ang ngiti, namumula ang magkabilang pisngi. Hindi niya naawat ang sarili at mabilis na kinabig ang batok nito at buong init itong hinagkan sa mga labi. Kaagad namang tumugon ang nobya. Tulad niya ay naroon ang pananabik, ang init.

The Heiress and the ManwhoreWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu