PS♥ILY 56.2

1.9K 74 7
                                    

A/N: Alam na why may 2 right? continuation lang to kasi nakalimutan ko na dadalaw pa sila sa parents ni Yesha. Sit back and relax readers! Arigatou. :*

*****

Raven's POV

Nakarating kami sa sementeryo kung saan nakalibing ang parents niya. Maaga pa naman kaya ok lang.

Naglakad pa kami ng konti hanggang sa marating namin ang kulay puti na puntod.

Marie Garcia

Born: January 8, 1971

Died: February 16, 2000

Lyndon Garcia

Born: March 2, 1970

Died: February 16, 2000

Basa ko sa nakasulat sa lapida. Sabay palang namatay ang parents niya. Tiningnan ko siya na nakatingin lang din sa akin. What?

Baka matunaw sila ha?

Sinamaan ko siya ng tingin. She just giggled.

Hi Ma, Pa! Kamusta na po kayo dyan? Naku, baka sikip na sikip na kayo dyan sa loob pero wag kayong mag-aaway ok? sabi ni Yesha. Napangiti ako sa sinabi niya and at the same time, napailing na din.. Ma, Pa.. wag kayong malulungkot dyan.. Wag nyo kaming alalahanin ni Ate Ally kasi malalaki na kami. Alam kong ginagabayan nyo kaming dalawa kaya relax lang kayo dyan ok? Inaalagaan ko ang sarili ko kaya kita nyo naman oh? Ang cute ko pa din di ba? Natatawang sabi niya then sumeryoso siya.. Ma, Pa.. I miss you. Ang lungkot minsan kase si Ate wala dito. Pah. Nakakapagtampo nga eh, but I understand her. May ipapakilala nga po pala ako sa inyo. sabi niya at hinila ako paupo.

Ma, Pa.. Si Raven Kersley nga pala, boyfriend ko. Hindi kayo maniniwala pero ako ang nanligaw sa kanya.. Walang choice kasi eh, masyadong pa-chix ang lahi ng mga Saito. Napasimangot ako sa sinabi niya. Kelan pa ako naging pa-chix? Alam nyo Ma, Pa.. Inaalagaan niya ako, pinapasaya, pinapakilig din. Hahahaha! I am happy dahil nakilala ko siya.. Sayang nga lang at hindi kayo nagkaroon ng chance na makilala siya.

Tiningnan ko ang lapida at tahimik ding nagdasal. You have an amazing daughter Mam, Sir.. Hindi siya madaling sumuko. I am glad, she is here with me. I promise I will protect her. Hindi ko siya ipapakagat sa mga lamok. I smiled n para bang andito sila, nakatayo sa hrapan namin. You can torture me in my dreams kapag hindi ko po nagawa ang ipinangako sa inyo. Thanks for giving her the opportunity how good to see the world and thanks for giving me the opportunity to be with her. Ako na po ang bahala sa kanya at sana ay maging masaya kayo para sa aming dalawa..

Lets go? Tiningnan ko siya ata tumango. Magkahawak kamay kaming bumalik sa sasakyan at umalis sa lugar na yun..

Baby?

Hmm?

L-lets visit your Mom? nag-aalangan na sabi niya. She bite her fingernails when she says that.

Mom..

Hindi ko maiwasang hindi isipin ang mommy ko. Tulad ni Daddy, hindi ko din siya nadadalaw. Kamusta na kaya si Mommy? Nag U-turn ako at tinahak ang daan papunta sa lugar na pinagdalahan ni Tita Ivy kay Mommy.

Tiningnan ako nj Yesha at napangiti siya. We are going there, aren't we?

Yes. I answered her.

Please Say I Love You (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon