PS♥ILY 51

1.8K 86 13
                                    

Myeisha's POV

Isa-isa kong inilagay sa tupperware ang mga niluto ko. Yes! Nagluto ako. Pang peace offering ito. Hahah! Maaga akong umalis ng school para ipaghanda siya. Tamang-tama naman dahil bumalik na ulit sa States ang kapatid ko. Si Ate Ally. Ni hindi ko man lang naipakilala sa kanya si Raven. Aish. Ni wala nga kaming bonding ng kapatid ko eh. Ganun nga siguro kapag sobrang busy. Ganun pala ang buhay ng mga writer.

Tiningnan ko ang mga niluto ko. May crispy kangkong, chicken ham, chocolate mousse, rellenong bangus, mashed potato, pork tonkatsu at saka leche plan. Andami ano? Gusto ko kasi siyang busugin ngayon eh. Alam ko namang busog na busog na siya sa pagmamahal ko kaya sa pagkain ko naman siya bubusugin ngayon. Hahahah! ^_^

Habang nagluluto nga ako kanina, ngiting ngiti ako. Kailangan masarap at well prepared ang luto ko para ngumiti ulit siya sa akin. siguro sasabihin ko na din yung pick up line ko sa kanya. Ayokong mainis na naman siya kapag sinabi ko yun eh!

Inalis ko na ang apron ko at nagtungo sa kwarto para sarili ko naman ang asikasuhin ko. Halo halo na ang amoy ko at nanlalagkit pa ako. Balak ko siyang puntahan sa mansion. Hihi. Naeexcite na talaga ako eh!

Nung matapos akong mag-ayos, biglang tumunog ang cellphone ko. Tiningnan ko yun.

Brittany Dyamante Calling...

Huh? Ano kayang kailangan ni Bri ngayon? Nakakapanibago na tinatawagan niya ako ngayon eh hindi naman siya mahilig mag cellphone. Hindi ko na lang pinansin at inayos ang mga gamit na pinaglalagyan ko ng mga pagkain na niluto ko.

Hmm.. amoy palang.. Alam ng may kasamang pagmamahal! Hehehe. :*

Isang sulyap pa sa salamin ang ginawa ko bago tinungo ang pinto para pumunta sa Saito Mansion.

*****
Ah ganun po ba? tanong ko kay Tita Ivy pagpasok ko sa loob ng mansion.

Oo. Dun mo na lang siya puntahan. sabi sa akin ni Tita Ivy tapos tumingin siya sa mga pagkain na dala ko. Kung gusto mo, sumabay ka na lang sa akin. Mukhang mabigat yang dala mo eh. alok pa niya.

Umiling ako. Wag na po. Baka po nagmamadali kayo. Sige po, punta na ako dun. Ingat po kayo! sabi ko sa kanya habang nagwawave ng kamay. May aasikasuhin daw kasi si Tita Ivy kaya aalis din siya ng mansion. Tapos si Raven naman, nasa condo daw kaya wala akong choice kundi puntahan siya dun kahit malayo pa yun mula dito. Ayaw ko namang makaabala kay Tita Ivy kaya hindi na ako sumabay sa kanya.

Tiningnan ko kung anong oras sa relo ko. Alas siyete na pala. Dali-dali akong pumara ng taxi at nagpahatid sa condo ni Raven. Kailangan kong bilisan dahil kung hindi, hindi aabot itong mga inihanda ko. Gusto ko pa naman sabay kaming kumain ngayon.

Mayamaya pa ay nakarating kami kaagad. Mabuti na lang hindi trapik dahil baka abutin ako ng siyam siyam sa daan eh gabi pa naman.

Tinungo ko na ang elevator. Naghihintay ako sa pagbukas nun ng may biglang tumabi sa aking tatlong lalaki. Hindi ko na sila pinansin dahil mas abala ang isip ko sa pagbukas ng elevator.

Ting!

Dali-dali akong pumasok sa loob. Sumunod naman sa akin ang tatlong lalaki. Pinindot ko ang 10th flr at sumara na ang elevator.


Saang floor po kayo? magalang na sabi ko sa kanilang tatlo. Napakunot noo ako ng paglingon ko, mukhang mas matanda lang sila sa akin ng ilang taon.

Kung saang floor ka, Miss. sabi nung nasa gitna na sa tingin ko ay pinakaleader nila.

Medyo kinilabutan ako sa pagkakasabi niya. Tumaas din ang balahibo ko sa batok. Sumiksik ako sa pinakasulok ng elevator at tinuon ko ang mata ko sa taas.

Please Say I Love You (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon