PS♥ILY 29

1.9K 86 10
                                    

Raven's POV

Magsabi ka nga ng totoo sa amin, pre. Bakit ganun nalang ang reaksyon mo nung makita mo si Myeisha?

Hindi ako nakasagot sa tanong ni Seb. Andito pa din kami sa hideout. Si Myeisha naman, pinasamahan ko dun sa kaibigan niya na napagtanungan ko kanina na kasabay kong sumugod dito. Ibinilin ko din na huwag niyang hahayaan na umuwing mag-isa si Myeisha.

Hanggang ngayon hindi pa din mawala ang takot ko. Hindi ko alam na malaki ang epekto nung note na nakita kong nakalagay sa may hood ng kotse ko.

Brad?

Tiningnan ko sila isa-isa. Lahat sila naghihintay ng sagot ko alam ko. Kitang kita naman dun sa mukha nila eh. Napabuntong hininga na lang ako. Wala na akong magagawa dahil parang kapatid na din ang turing ko sa kanila. Alam kong matutulungan nila ako.

Nakatanggap ako ng death threat kanina, panimula ko. Kitang kita kong nagulat sila.

Death threat? - Rion

Tumango ako saka kinuha sa bulsa ko ang threat na natanggap ko. Mah sunog sunog pa yun sa tabihan.

Stay away from Myeisha kung ayaw mong mapahamak siya. Basa naman ni Seb dun sa note.

Yea. Ayan lang naman ang nakalagay. Kaya nga hinanap ko kaagad si Myeisha ng sadyain ko sila sa room niya. Kinabahan ako ng di ko siya mahanap. Sinong hindi matatakot? Akala ko, nagkatotoo yung nasa threat na natanggap ko.

Sino naman kaya ang nagpadala nito? Wala naman akong alam na may nakakaaway si Myeisha except kay Princess? -Ram. Seryosong seryoso siya ngayon.

Napatango ako sa sinabi niya. Yun din ang iniisip ko. Alam kong wala namang may galit sa kanya kaya wala akong alamna pupuwedeng magbanta sa akin ng ganito.

No. Mali ang lahat ng kongklusyon nyo.

Napatingin ako kay S,art. Hindi pala. Halos lahat kami, napatingin sa kanya. What do you mean? tanong ko sa kanya.

Hindi kay Myeisha sila may galit kundi sayo, Raven. Pinalalayo ka nila kay Myeisha dahil kapag hindi mo nagawa yun, mapapahamak din siya sa maari nilang gawin sayo. mahabang paliwanag ni Smart.

Please Say I Love You (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon