PS♥ILY 10

2K 128 15
                                    

Raven's POV

"Kailan ka kaya ngingiti ulit?"

Nagulat ako ng may magsalita sa likod ko. Nakita ko si Seb. Let the past be a past. sabi pa nito ng hindi ako sumagot.

Andito ako ngayon sa hideout namin. Hindi ko namalayan na nakapasok na siya sa loob. Wala pa ang ibang mga kaibigan namin dahil may mga klase pa siguro ang mga ito.

"Hoy!"

Inis ko siyang nilingon. "Ano na naman ba, Seb?"

"Anong iniisip mo?" tanong ni Seb sakin habang inihahanda ang mga gagamitin niya sa pagpipinta. Seb Renzo is an artist. "Kayo ba ni Myeisha?"

"Hindi."

Natigil ito sa ginagawa. "Talaga? Mukhang di ka tigilan ah. Tingnan mo 'to oh."

Inabot niya sa akin ang school paper namin. Isa din ako sa mga writer nito noon pero dahil sa nangyaring aksidente years ago, tumigil na ako.

Smarties Headlines: Campus Sweetheart Myeisha Garcia proposed his undying love for Raven KersleySaito, The Prince.

The Prince?! What the hell?! May picture pang nakalagay sa ilalim niyon. Ang masaklap, yun pa ung part na nakaluhod si Myeisha sa harapan niya!

"Ihanda mo na ang sarili mo."

Sasagot pa sana ako kay Seb para linawin kung anong ibig niyang sabihin ng biglang bumukas ang pinto at magsidatingan na ang mga kaibigan namin. Base sa ngisi ng mga ito ng makita siya, mukhang nabasa na ng mga ito ang nakalagay sa school paper nila.

"Yooo Raven!" Bati sa akin ni Rion.

"Swerte mo ah! May gusto pala sayo si Myeisha?" Natatawang sabi naman ni Ram.

"Pare, sabihin mo nga sa amin kung anong feeling? Type ko ang ganung babae eh." Sabi naman ni Clock habang kumukuha ng chips sa hawak ni Smart na kakambal niya. Unlike Clock, sobrang tahimik ni Smart. Hindi ko alam kung anong sumapi sa nanay nila at ganun ang pinanagalan sa kanila.

"Tigilan nyo nga ko. Uuwi na ako." Sabi ko tapos kinuha na ang bag ko. Mukhang ito ang ibig sabihin ni Seb kanina na ihanda ko na ang sarili ko.

Nagulat pa ako ng pagbukas ko ng pinto ay makita ko si Myeisha sa labas nito. As usual, nakasandal na naman siya sa pader. Hindi tulad noon na naka-headphones pa siya, ngayon, mukhang expected talaga niya na ako ang magbubukas ng pinto.

"Nabasa mo na ba?"

At nakangiti pa ang babaeng ito ng itaas niya ang hawak na lalo kong kinaasar.

"Sinong may pakana nyan?!"

"Hoy Raven! Sino bang kau---"

Ang kung ano mang sasabihin ni Clock ay naudlot ng bigla siyang sumilip sa pinto. "Oh, Myeisha? Anong ginagawa mo dito?"

Magkakilala sila?

"Hi Clock! Susunduin ko lang sana si Baby eh." All smile pa siya nang sabihin niya un!

Wala pang isang minuto ay nasa may pinto na din ang ibang mga kaibigan ko. Mukhang narinig ng mga ito ang sinabi ng babae na ito!

"Talaga?"

"San ba kayo pupunta nitong kaibigan namin? Kaya siguro nagmamadaling umalis" singit ni Ram.

Pero sa halip na sagutin niya ang tanong ni Ram, iba ang lumabas sa bibig niya. Itinaas niya ang school paper na hawak niya. "Nakita nyo na ba 'to?"

Nagsitanguan naman sila. Except sa akin siyempre.

"Ang cute ano? Hahahah! Parang ako lang."

Napataas ang kilay ko sa sinabi ni Myeisha. Cute? Saang parte ng school paper na iyun ang cute?

Nagtawanan ang apat. Mukhang aliw na aliw ang mga ito sa babae na iyon! Samantalang siya ay asar na asar!

Naglakad na ako at hindi na sila pinansin. Masyado nang madaming nakakapansin sa kanila.

"Hoy Baby! Wag mo kong iwan! May date pa tayo diba?"

Eto na naman po tayo.

Teka lang?! Anong date ang sinasabi nya?! Shit! Pagtingin ko sa paligid ko, tama nga ang hinala ko. Madaming nakarinig sa sinabi niya at mukhang sinadya pa niyang lakasan ang boses niya!

---

A/N: May kukulit pa kaya kay Myeisha? Kapal din ng mukha di ba? :)))

Please Say I Love You (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon