PS♥ILY 15

1.8K 108 9
                                    

Myeisha's POV

Aaminin kong naguluhan ako sa mga sinasabi ni Slut kanina. Ngayon ko lang din nakitang ganito ang itsura ni Raven. alam ko, pakiramdam ko madaming alam si Princess na hindi ko alam.

Sinadya ko tlagang hindi muna umalis dahil nag-aalala ako sa itsura ni Raven ngayon. Galit na galit talaga siya. Yung kahit nakaalis na si Princess dito sa detention room ay naka-close fist pa din siya.

Nasaktan ako sa mga sinabi ni Raven, Oo. Pero iniintindi ko na lang siya. Alam kong masakit maalala ang nakaraan.

Ayokong iwan siya sa gantong kalagayan nya ngayon. Alam kong mas kailangan niya ng masasandalan ngayon at andito ako para sa kanya. Wala namang masama kung babae ang proprotekta sa lalaki di ba? Sa buhay nga, love and justice should be fair ee.

Inamo amo ko lang siya. Kahit ako, hindi ko alam na lalabas sa bibig ko ang mga sinabi ko sa kanya kanina. Well, from the heart naman yun kaya okay lang. At least, naiparamdam ko sa kanya kung anong saloobin ko. Naiparamdam ko sa kanya kung anong klaseng babae ako.

hinayaan ko lang muna siyang matulog. Andito pa din kami sa detention room at nakaunan siya sa lap ko. Kitang kita ko sa mga mata niya ang pagod at sakit dahil sa mga sinabi ni Princess sa kanya. Gusto kong bigyan ng triplets na sampal si Princess dahil sa ginawa at pinagsasabi nya. Wala siyang karapatan na sabihin yun dahil hindi naman niya alam kung anong pinagdaanan ni Raven eh.

Audrey..

Tiningnan ko ang lalaking mahimbing na natutulog sa lap ko. Audrey? ibig sabihin ay ung babae na nasa picture sa condo niya ang tinutukoy ni Princess?

Ano kayang meron sa kanilang dalawa?

Hindi ko na mapigilang mag-isip kung anong nangyari noon. Gusto kong malaman ang lahat. Pero kahit gaano ko pa kagustong tuklasin ang mga yun, gusto kong si Raven mismo ang syang magsasabi sa akin kapag nakahanda na siya. Gusto kong malaman ang part niya. Dahil alam kong siya ang mismong nakakaalam kung anong nangyari.

Sana lang, makaya kong intindihin kung ano man ang bagay na iyon.

Dahil pakiramdam ko, malalaim ang sugat na iniwan niyon kay Raven.

At habang nakatingin ako sa kanya, alam kong si Audrey ang dahilan kung bakit ganito siya ngayon.

---

A/N: Maikling drama. Hoho. sabaw Chapter! ;)

Please Say I Love You (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon