PS♥ILY 33

1.9K 101 7
                                    

Myeisha's POV

Andito kami ngayon nina Maggy at Bri sa mall. Ewan ko sa kanila. Niyakag na lang nila ko eh. Pinagpaalam pa nila ko kay Raven. Hihi.

Hoy Mye! Mamaya mo na nga tingnan yang cp mo. Hindi naman mawawala ang baby mo sa school eh. -Maggy

Sinimangutan ko si Maggy. Ang killjoy naman eh!

Hay naku, Mags! Hayaan mo na nga lang si Mye. Ikaw nga dyan palaging nakatingin kay Trey eh. tudyo naman sa kanya ni Bri.

Si Maggy naman, ayun nagblushed at humiwalay sa amin. Talo eh. Kapag si Bri ang nang-asar sayo, talo ka talaga. Pero kapag si Nico, naku! umiinit kaagad ang dugo niyang si Bri.

Anong mas maganda, Mye? Ito ba o ito? Iniharap sa akin ni Bri yung pinagpipilian niyang dalawang dress. Isang yellow at isang blue.

Umiling ako. Wala. Hanap ka pa. sabi ko sa kanya. Wala bang mas maganda siyang mahahawakan?

Aha! Alam ko na kung anong maganda!

Nagulat ako nung sumigaw siya.

Ano naman? sabi ni Maggy na nakabalik na pala. May hawak siyang ice cream at ibinigay sa amin ni Bri ang dalawa.

Malamang ako. Ako ang maganda! Hahahaha!

Itsura ko -_-

Maggy ?.?

Grabityy! Ang lakas talaga ng trip ni Brittany ngayon! Hahaha!

Naglakad lakad pa kami sa mall hanggang sa may mahagip ang mga mata ko. Maggy, diba si Trey yun?

Asan?

Ayun oh! itinuro ko sa kanya kung nasaan si Trey. May kausap na dalawang lalaki eh.

Oo nga ano? Lapitan natin? suggest naman ni Bri.

Wag nalang kaya? May kausap oh! Magsine na lang tayo. sabi naman ni Maggy. Sus! Alam ko namang gusto niyang puntahan si Trey eh.

Naalala ko yung pagtawag ni Trey kay Raven ng kuya. Hanggang bgayon, wala pa din akong pinagsasabihan, nakatatak kasi sa isip ko yung sinabi ni Raven na ako pa lang daw ang nakakalaam kaya ayun, kahit kina Maggy at Bri hindi ko sinabi.

Please Say I Love You (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon