PS♥ILY 35

1.8K 110 8
                                    

Ram's POV

Grabe talaga itong si Myeisha. Nakakailan na talagang pang-aasar sa akin! Pasalamat talaga siya at binabakuran siya ngayon ni Raven dahil kung hindi, may pektus na siya sa akin.

Mukha ba talaga akong suso?

May pag sa demonyo din ba ako?

Tsk. Luka luka talaga ang babae na yun! Tch. Isinigaw pa niya talaga nung sabihin niya yun! Ts.

May tanong ako!

Napailing na lang ako nung marinig ang matinis niyang boses. Alam niyo na naman kung sino yun di ba?

Ano naman yun? tanong sa kanya ni Seb.

Magkakasama kami ngayon. Natuloy yung sa amusement park na si Myeisha ang nagplano. Ewan ko ba talaga sa mga babae, masyadong mga gala. Dapat ng mga babae, sa bahay lang.

Kami dapat mga lalaki ang naggagala!

Este-nambababe. Hahahha! Peace!

Napatingin ako kay Brad. Ewan ko din sa isang ito, mukhang nainlove na ata kay Myeisha ganung kasasabi niya lang na gusto niya lang protektahan si Mye dahil nga nung death note. Psh.

Speaking of death note, hindi na ulit nagpadala ang kung sino mang may pakana nun!

Hanggang ngayon kasi, hindi pa din naman alam kung sino eh. Ang hirap talagang tuklasin.

Hoy suso!

Sinamaan ko ng tingin yung babae na yun. Nagkatawanan naman ang nga nakarinig.

Tsk. Kapag nasa malapit talaga ang isang ito, napapahiya ako. -.-

May tanong ako sayo, suso!

Lakompake. masungit na sabi ko.

Please? She pleaded. Ayan na naman yung paawa effect niya. Psh.

Sige na. May itatanong lang naman daw. sabi sa akin ni Raven. Tch. Pinagkakaisahan ata ako ng magxota na ito!

Pasalamat ka talaga, cute ka! sabi ko.

Naks naman! First time mong sabihan ako ng cute ah? Ngiting ngiti na sabi niya sa akin.

Napangisi ako ng may maisip ako na kalokohan.

Pinisil ko ang magkabilang pisngi niya. Oo, cute katalga. At alam mo ba ang ibig sabihin nung salitang cute?

Ang ibig sabihin nun, M-Y-E-I-S-H-A.

Umiling ako sa sinabi niya. Ang ibig sabihin ng cute, mukha kang tuta! Hahahahah!

Hahahaha! Nagkatawanan ang mga kasama namin.

Nakaganti din ako!

Please Say I Love You (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon