XXXII

875 27 4
                                    

Nagulat ako.

Nagulat ako kasi in the next two weeks, graduation na namin. Ga-graduate na ako. Ga-graduate na kaming lahat.

Ang bilis ng panahon. Parang kailan lang 'nung kalilipat ko lang dito sa Westbridge, tapos ngayon, malapit na akong gumraduate ng Senior High School. 'Yung two years ko, bakit parang ang bilis? Bakit nakakabigla? Is it because I'm enjoying it way too much kaya parang mas bumibilis ang oras?

"Ang lalim ng iniisip natin diyan, ah," banggit ni Kyra. Nakaupo kasi kami ngayon sa bench sa labas dahil pinayagan kaming mag-recess. Ngayon ko lang napagtantong kanina pa pala ako nakatunganga at tulala.

"Hindi naman," sabi ko. "Na-realize ko lang na pa-graduate na pala tayo. Medyo... nakakalungkot na parang ewan."

She gave me that weird look. "Worried ka? Halos lahat sa atin dito pa rin naman magkokolehiyo sa Westbridge. Makikita pa rin natin ang isa't isa. Iba-ibang kurso nga lang kaya medyo mahirap."

May point naman siya, eh. We can meet whenever we want because we're just in a single campus. Pero ang tanong, papayag kaya ang schedule namin? Makikiayon kaya sila? I'm not hoping for the worst case scenario, but technically speaking, magiging busy na kami sa next school year kumpara ngayon, apparently.

"Iba pa rin talaga kapag nasa same class lang tayo. Iba 'yung saya, 'yung ingay, tapos siyempre... iba 'yung katarantaduhan. Hindi ko lang inakala na maaattach ako sa inyo within just two years. Parang ang hirap bumitaw," malumanay kong sabi. Nagka-goosebumps ako sa sarili kong mga salitang lumabas sa pagitan ng mga bibig ko.

"Pero kailangan."

"Oo, siyempre." Tumango ako. "Pangarap pa rin talaga muna."

Nakita kong inangat niya ang palapulsuhan niya para basahin ang oras sa relo niya. Agad naman siyang tumayo mula sa pagkakaupo at tinapik ang balikat ko.

"Balik na muna tayo. May instructions daw yata para sa graduation."

Sumama naman ako. Pagkarating namin ng classroom, saktong kami na lang pala ang hinihintay. Nagsimula naman agad ang meeting kasama ang adviser namin.

According to her, we're gonna spend the last two weeks daw sa pagpa-practice tutal tapos na rin naman ang final exams at ang submission of grades. Meron din kaming Baccalaureate mass next week. At siyempre, ang pinaka-exciting sa lahat, may grad ball kami right after the graduation program.

"Saan tayo? Hotel?" tanong ni Mitchie na nakatayo sa harap ng whiteboard at nakaharap sa amin. "Para makapag-overnight pa tayo. Bale, last night nating lahat iyan together."

Napasimangot ako.

Bakit ba kasi lahat na lang sila ay pinapaalala sa akin kung gaano na lang kakonti ang oras namin together?

"Uy, ayos ka lang?" Halos napatalon ako dahil sa biglaang pagkalabit sa akin ni Hiro. Napahawak ako sa dibdib ko. Lumingon ako sa kaniya. "Ops—hindi ka nga okay."

"Buti alam mo."

"Malungkot ka?" He scanned my face. Nananadya talaga 'to! Alam na nga niya, tinatanong pa.

"Ang obvious na. Bakit mo pa ako tinatanong?"

"Wala lang. Gusto ko lang na galing talaga mismo sa 'yo."

Tapos ayun, ang tahimik na bigla sa pagitan naming dalawa. Parang wala ako sa mood na magsalita, eh. This whole thing makes me feel really lonely.

Mahigit isang minuto rin atang tahimik lang siyang nakatingin sa akin ang tinagal bago siya muling nagsalita.

"Malungkot tayong lahat. Parerehas lang tayo ng nararamdaman. Ang hirap na dalawang taon lang na magkakilala ang halos lahat sa atin pero parang ayaw na nating magkahiwa-hiwalay," aniya. Tinignan ko siya sa mata. "Pero diba nga, pangarap muna?"

How Are You, My Ex?Where stories live. Discover now