XII

1.6K 42 7
                                    

Pagka-Lunes, habang nagkakaroon pa lang kami ng flag ceremony, kawawang-kawawa na si Jio sa aming dalawa ni Hiro sa katutukso. Siya 'tong pilit na pilit sa amin na sabihin kung sino 'yung may crush daw sa kaniya. Feel na feel niya naman kasi masyado. At the same time, mali rin ang ginawa namin ni Hiro. Ba't pa ba kasi kami nagbigay ng clues sa kaniya? Wrong move.

"Kalma lang kasi, Jio. Hayaan mong siya mismo 'yung umamin sa 'yo," sabi ko at tinapik pa siya sa balikat niya. "Dapat galing mismo sa bibig niya para true love ang dating."

Inirapan niya 'ko. Aba't—ibang klase talaga ang lalaking 'to! Maldito! Suplado! First time kong makakita ng lalaking marunong mang-irap.

"Hoy, ba't mo inaaway ex ko?" Pumagitna si Hiro sa pagitan namin ni Jio. Hinampas ko siya ng malakas sa braso. "Aray, ano ba, loves? Pinagtatanggol na nga kita—"

"Loves mo mukha mo."

"Edi babe na lang."

"Mas lalong hindi."

"Choosy ka pa eh honey-bunch nga tawag ko sa 'yo dati."

Bigla kong naramdaman ang pag-akyat ng dugo sa mukha ko. Hanggang sa ngayon ay hindi ko pa rin masikmura ang kakornihan niya dati 'nung kami pa. He used to call me a lot of weird names na ewan ko ba kung saang lupalop ng daigdig niya napulot. Grabe talaga.

"Huwag kayong maglandian sa harap ko," malamig na sabi ni Jio sabay talikod niya sa amin.

Nagkatinginan kaming dalawa ni Hiro. Walang may nagsalita pero alam kong parehas lang kami ng iniisip. Naks, baka nga na-imbyerna na ang kawawang bata sa pangungulit namin. I must say, ang sarap talagang kulitin si Jio. Ang cute niya kapag naiinis!

Kahit 'nung natapos na ang flag ceremony at kahit nasa kalagitnaan kami ng discussion nina Sir at Ma'am, hindi pa rin talaga nahihinto ang pangungulit namin kay Jio na halatang nauubusan na ng pasensya. Nakakaadik kasi 'to, eh. Minsan nga ay napapaisip na ako na baka nahahawa na ako sa kakulitan ni Hiro.

"Jio, mag-iingat ka na lagi, ha? Kapag feeling mo may sumusunod sa 'yo, for sure siya 'yung secret admirer mo," I playfully said habang seryosong nagsasalita si Ma'am sa harap ng buong klase.

Nakipag-high five si Hiro sa akin. At ang dahilan kung bakit kami magkalapit ay dahil sinadya talaga naming lumipat ng upuan malapit kay Jio para lang tuksuhin siya. Pansin ko rin na parang ang tapang ko yata ngayon. Usually sinusubukan ko talagang tumahimik 'pag may teacher pero iba 'yung aura ngayon. 'Di man lang ako natakot.

"Stalker mo na nga, lover mo pa. Oh, saan ka pa?" ani Hiro.

"Patay na patay pa naman daw iyon sa 'yo. Akalain mo, sa kasupladuhan at katahimikan mong iyan, meron naman palang may gusto sa 'yo," sabi ko. Tapos bigla kong napansin na parang may mali sa sinabi ko. "Ay joke, hindi pala niya alam iyon. Mukha mo lang ata gusto 'nun, eh."

Bigla siyang napaharap sa amin ng kasabwat ko. Hindi na ako nagtaka 'nung nakita kong namumula ang tenga niya at parang konting-konti na lang ay puputok na ang buchj niya. I'm sure I did hit a nerve.

"Sa tingin niyo ba may paki ko sa kung anong nagugustuhan niya sa 'kin?" malamig niyang tanong. As in, ang lamig. Kinilabutan nga 'ko dahil parang mas lumalim ang boses niya.

"Natural!" sagot ko na hindi ko sinadyang naging malakas. Napatakip agad ako sa mga bibig ko dahil sigurado akong nakakuha iyon ng atensyon ng iba and worst, ni Sir Lao.

Tangina.

Patay na 'ko nito. Yaring-yari na talaga ako!

Ba't ba kasi sobrang careless ko to the point na nakalimutan ko nang may teacher pala sa harap?!

How Are You, My Ex?Where stories live. Discover now