I

6.8K 95 12
                                    

HOW ARE YOU, MY EX?
Chapter One

"Good morning po, ma'am, welcome to Westbridge University. Enjoy your day!" nakangiting sabi ni manong guard na nakaabang sa gate at binabati rin ang iba pang mga pumapasok.

Iyon ang mga pinakaunang salitang narinig ko sa unang opisyal na araw ko rito bilang isang estudyante. Nakaka-flatter pala kapag wine-welcome, 'no? Ramdam na ramdam ko na na dito na pala ako. Nakaka-excite. Hindi man lang ako nakaramdam ng kung anong pressure kahit bagong environment na 'to.

Sobrang saya ko. Parang ngayon lang ulit ako naging masaya sa eskwelahan since last year—maliban na lang 'nung graduation namin last two or three months. Siyempre gustong-gusto ko talagang grumaduate that time. Graduating was the best way to get away, you know.

Last school year kasi, feeling ko sobrang pinarusahan ako ng sansinukob. Napakamalas ko. Ang dami kong mga pinagdaanang hindi maganda. Bawat sulok siguro ng eskwelahang pinanggalingan ko ay kinasusuklaman ko na. Wala, eh. Ang lugar na 'yon kasi ang ugat ng lahat ng bad memories ko sa mundo. Kaya ayun, nagmadali akong maka-graduate para matakasan ko na ang lugar na 'yon.

And when I say bad memories, ang dami kong tinutukoy. Mga gurong nakakagigil dahil sa dami ng mga pinapagawa, mga plastic friends na bakit friends pa ang tawag eh plastic nga, 'yung guard na ang lakas maka-feeling principal, at siyempre, last but not least, 'yung first ever ex ko na napakagago na nagpabago ng impression ng mga tao sa 'kin 'nung nag-break kami.

Hay, nako. Let me set aside the past na lang. Buti na lang talaga naka-graduate na 'ko. Bagong school, bagong buhay, pwede ring bagong lovelife pero charot lang naman. Basta ang importante, nakalayo na 'ko. Makakahinga na 'ko ng maluwag.

"Miss, excuse me, bago ka ba rito? Grade eleven?" Isang babae ang nagtanong 'nun sa 'kin. Tinignan ko ang uniform niya. Magkaparehas pala kaming STEM. Nalaman ko iyon dahil magkaiba kasi ang uniforms ng senior high students dito depende sa strand.

So, ibig sabihin, if we're on the same grade level, may posibilidad na mag-classmates kami.

"Ah, oo," sagot ko. "Anong section mo? 11-C ako."

Napangiti agad siya nang narinig niya ang sagot ko. Ah, alam ko na 'to. For sure magkaklase na talaga kami. Hindi naman 'yon ngingiti kung hindi kami classmates maliban na lang kung may narinig siyang nakakatawa sa sinabi ko which I highly doubt naman.

"Uy, nice! Seatmates na lang tayo mamaya, ha?"

Tumango na lang ako. Gusto ko naman, eh. Ayos na 'yung ganito na may kasama na agad ako. Actually nga parang familiar 'tong kaganapang 'to. It's like a scene from a movie or a book where the protagonist meets a friend na magiging bestie na niya hanggang sa matapos ang istorya.

Ewan ko lang kung sino ang bida sa 'ming dalawa. Siya kaya 'yung may ari ng istoryang 'to tapos supporting character lang ako? Or is it the other way around? Kasi kapag akin 'to, horror ata 'yung genre. Alangan namang romance eh wala naman akong ganoon.

"Sure. Astrid nga pala," pagpapakilala ko.

Medyo nanlaki ang mga mata niya dahil na rin siguro sa pagkagulat. Ewan ko ba. Hindi ko maintindihan.

"Wow, nice name. Sosyalin," aniya na dinagdagan niya naman ng isang charot right after. Sa totoo lang, ilang beses ko nang narinig sa mga kakilala ko na maganda raw ang pangalan ko. "By the way, I'm Rianna. Ria na lang para mas madali."

How Are You, My Ex?Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ