XI

1.6K 38 15
                                    

Umupo kami sa bench na nasa ilalim ng isang malaking puno sa harap ng gate. Binilhan niya pa 'ko ng kikiam at fries dahil parte iyon ng kondisyon namin. Siyempre, wais din ako. Sinabi ko talagang hindi ako makikipag-usap sa kaniya 'pag hindi niya ako ililibre ng pagkain.

Isang tip na iyan galing sa lola niyo. Minsan dapat matuto din tayong mang-uto para sa benefits. Pero siyempre charot lang 'no.

"Ano na? Ano nang balak mong sabihin?" tanong ko habang ngumunguya ng fries na napaka-cheesy. Ang sarap. Trenta pesos din kaya 'yung gastos niya para rito.

"Grabe, down to business na agad? Hindi ba pwedeng kumustahan muna?"

"Mas grabe ka. Tignan mo, oh. Ang dilim na kaya. Patatagalin mo pa 'to?" Aakmang kukuha pa sana siya ng fries mula sa paper cup pero mabilis ko itong nilayo sa kaniya. "Bumili ka ng iyo. 'Di uso sa 'kin 'yang food sharing."

Nag-pout siya na parang bata. Naks, pa-cute na naman. "Damot mo."

"Siyempre." Kumuha ako ng fries at nilagay iyon sa bunganga ko habang nakatingin sa kaniya. Halatang naglalaway na siyang kumain pero pinag-trippan ko pa siya lalo. "Ang sarap! Promise! Woooh!"

"Ang sama mo sa napakagwapo mong ex." Ngumisi siya. 'Yung usual annoying smirk niya.

Hays, eto na naman tayo. The usual baliw at feelingerong Hiro is finally and officially back!

"Speaking of ex, siguro nga tama ka. Let's get down to business," sabi niya. Kumunot ang noo ko. "Open minded ka ba sa business—"

"Gago," pagmura ko sa harap ng mukha niya. Tumawa lang siya. Parang tanga lang. Minumura na nga, nag-eenjoy pa. "May networking ka pang nalalaman, eh. Akala ko ba dapat straight to the point na?"

Napakamot siya sa ulo niya. "Eh... magtatanong lang naman sana ako kung open minded ka sa usapang mag-ex. Joke ko lang 'yung business-business na 'yon."

"Open minded naman ako lagi, ah."

"Edi goods na tayo. Sabihin ko na."

"Talaga lang. Kanina pa dapat, eh."

Humugot siya ng isang malalim na hininga. Dahil doon, naisip ko na lang talagang kabado siya sa ginagawa niya. 'Nung tinignan ko naman ang mukha niya, napansin kong may namumuong pawis sa gilid ng noo niya kahit hindi naman mainit.

"Huy, kinakabahan ka?" Tinusok ko ang tagiliran niya gamit ang daliri kong may cheese pa mula sa fries. "Dali na. Sabihin mo na. Nahihiya ka pa talaga sa 'kin?"

"Alam mo 'yung mga sinasabi nila tungkol sa 'tin?" tanong nito.

"Alin?"

"Iyong mga sinasabi nilang may pag-asa pa... tayo."

Sa totoo lang, I never imagined that Hiro will talk to me like this. Hindi ko rin inakalang may mga pagkakataon din palang nahihiya siya o kinakabahan kahit most of the time napakawalanghiya talaga niya at laging confident sa lahat ng bagay. Tao din pala siya.

"Ilang beses ko nang naririnig 'yan, 'no. Tapos alam mo 'yun? Ang dami nilang sinasabing baka may something pa rin tayo hanggang ngayon kahit wala naman talaga," sabi ko.

"Kaya nga, eh."

"So..." I paused for a while dahil tinapon ko muna sa basurahan ang lalagyan ng fries dahil naubos na. "Iyan 'yung pag-uusapan natin?"

"Oo. Okay lang?"

"Siyempre. Sabi ko nga, diba? Open minded ako. Wala na rin namang epek sa 'kin 'tong 'usapang mag-ex' mo."

How Are You, My Ex?Onde histórias criam vida. Descubra agora