XIX

1.3K 35 11
                                    

Ilang ulit kong kabadong binasa ang mensaheng iyon at ilang beses na sinampal ang sarili ko para magising sa kadahilanang baka nananaginip lang ako pero wala talagang may nagbago. Everything's real and is currently happening. Wala akong takas.

Bakit ba kasi niya gustong makipagkita? Wala akong may maisip na dahilan.

Natagalan ako sa pag-contemplate kung pupunta ba ako sa sinasabi niyang playground o hindi. Kanina pa niya sinend sa akin iyon at mahigit isang oras na ang nakalipas bago ko pa man nakita ang message niya which means na kanina pa siya naghihintay doon. Hindi lang ako sigurado kung nandoon pa rin siya hanggang ngayon. Alam kong napakalamig dahil umulan kanina pagkauwi ko at alam kong hindi madaling manatili sa labas sa ganitong oras at panahon.

Tumayo ako mula sa kama at saka dumungaw sa bintana. Umuulan pa rin pala. Ang lakas nito na may kasama pag pagkidlat at pagkulog. Napabuntong-hininga ako.

Sigurado na 'ko ngayon na wala na si Hiro. Umuwi na iyon, for sure. At isa pa, kanina pa naman niya sinend 'yung message sa akin. I don't think na nag-abala pa talaga siyang hintayin ako sa ulan na 'to. If ever na naghintay nga siya, edi malamang basang-basa na 'yon.

Ilang minuto ang ginugol ko sa kakaikot sa kwarto ko dahil hindi ko talaga alam kung anong gagawin ko. Kinumbinsi ko ang sarili kong matulog na lang dahil imposibleng nandun pa rin si Hiro pero hindi ko iyon magawa dahil may pumapasok sa utak ko na naghihintay pa rin siya hanggang ngayon.

Si Hiro 'yon, eh. He's a man of his word. Hindi niya naman sasabihing hihintayin niya 'ko kung hindi niya kayang panindigan, diba?

Parang may kung anong tumulak sa 'kin papunta sa pinaglalagyan ng mga damit ko at kumuha ng isang jacket na may hood. Mabilis kong sinuot iyon at nag-ayos ng kaunti bago ako tumakbo pababa sa sala at kumuha ng dalawang payong na nakasabit sa likod ng pinto.

Tangina.

'Yung ending, pupuntahan ko din naman pala siya. Sayang lang ang oras ng pagdadalawang-isip ko kanina. Bakit ba kasi ngayon lang ako kinonsensya?! Bakit ngayon lang pumasok sa isip ko na never hindi tumupad sa usapan si Hiro?

Bakit ngayon ko lang napagtantong hindi niya naman ako tatawagin at kakausapin ng harap-harapan kung hindi man lang importante ang pakay niya?

"Hala Ate, saan ka pa pupunta? Gabing-gabi na kaya. Umuulan pa, oh," sabi ni Asher na nanunuod ng TV sa sala nung nakita niya akong palabas na ng bahay. He even paused the film that he's watching.

Tumingala ako sa orasan na nakadikit sa dingding. Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko nang nakita ang oras. 9:34 P.M.

"Ash, pwedeng humingi ng favor?" tanong ko habang seryosong nakatingin sa mga mata niya. Tumango siya. Alam niya kung gaano ako kaseryoso ngayon. "Baka sakaling bumaba si Mama, pakisabi na lang sa kaniya na lumabas lang ako sandali, okay? Babalik din naman agad ako. Mabilis lang 'to."

Tumango ulit siya. "Uh... sige. Ingat ka."

Lumapit ako sa pinto at binuksan ito. Hindi na ako nagulat nang bumungad agad sa akin ang biglang pag-ihip ng malakas at malamig na hangin. Hindi ko na lang binuksan ang dala kong payong dahil masisira lang iyon. Umasa na lang ako sa hood ng jacket ko at saka tumakbo papunta sa playground ng subdivision namin.

Ang bilis ng tibok ng puso ko habang tumatakbo sa ilalim ng napakalakas na ulan. Ramdam kong basang-basa na ako at hindi na nakatulong ang suot kong jacket pero pumatuloy pa rin ako sa paghakbang. Napayakap ako sa sarili ko dahil sa sobrang lamig. Dito pa lang, alam ko nang magkakalagnat ako nito bukas. Pero bahala na.

Bahala na kung lalagnatin ako. Ginusto ko 'to. Desisyon ko 'to. Handa akong harapin ang mga kahihinatnan ko—maganda man o hindi—pagkatapos ng insidenteng 'to.

How Are You, My Ex?Where stories live. Discover now