XXIII

1.2K 29 3
                                    

January felt like a game for us—not because of the fun but because of the levels of difficulty. 'Yung isang araw, maayos pa ang lahat. Pero the next day, ang hirap na at mas lumalala pa sa bawat pagdaan ng araw. Everyday is a different level and it just gets harder.

Sa dami ng pinapagawa nila, madalas na kaming nalilito kung saan ba talaga kami mag-uumpisa. 'Yung mga pinakanaka-trigger sa amin ay ang mga group activities na mostly kailangan pang mag-meet kasama ang mga groupmates para magawa. Iba-iba ang groups sa bawat activity kaya nagkakaroon na kami ng conflict sa schedule namin since may mga exams pa kami at may second defense pa at the end of the month.

But we all got through them all. Natapos din ang lahat sa buwan ng Enero. Dalawang buwan na lang, summer na. Dalawang buwan na lang, sa wakas makakapagpahinga na.

Now here comes February.

"Ang busy ng mga campaigns ngayon, 'no?" sabi ni Arielle habang naglalakad kami papuntang cafeteria para bumili ng food dahil ginugutom na naman kami pareho. "Hindi ako boboto. Bahala sila diyan."

"Ang bitter mo," sabi ko.

Napansin kong may tinitignan siya sa malayo. Sumingkit ang mata niya habang tinutukoy kung ano ba talaga iyong nakikita niya. "Wait... si Amber ba iyan?" pabulong niyang tanong.

Agad namang gumalaw ang mga mata ko para makita ang direksyon na kung saan siya kanina pa nakatingin. Kahit medyo malayo kami sa kaniya, hindi ko maipagkakaila na siya talaga iyon because swear to God, you can really tell that it's her because of the aura. She's like a living goddess.

"Yeah," mahina kong sagot.

"Tama ba 'yung nakikita ko? Papunta siya sa atin? Wait, wow, kinawayan niya tayo?!"

I totally get the excitement here. Ang ganda kasi talaga niya talaga to the point na pati mga babae ay nagkaka-girl crush na sa kaniya. Hindi na ako nagulat sa naging reaksyon ni Arielle. Medyo ganiyan din ako dati. Nasanay na siguro ako. Ewan.

Tapos eto ba talaga 'yung babaeng nili-link nila kay Hiro dati? Sobrang swerte naman ng mokong na iyon na ganito kaganda 'yung taong halatang may gusto sa kaniya pero takot pang aminin. Anyway, ano ba kasi 'yung something special na nakita niya kay Hiro kaya niya nagustuhan iyon?

Pinanuod lang namin siyang naglalakad hanggang sa bumaba na sa dalawang metro ang distansya namin sa kaniya. Huminto siya at nagsimula nang magsalita.

"Hi," aniya. A soft smile appeared on her lips. May kinuha siyang dalawang pirasong papel na may nakapaskil na pangalan ng party-list nila at mga pangalan ng candidates with their corresponding desired positions. Bago niya iyon inabot sa amin, she asked us something. "Classmates kayo ni Hiro, diba?"

Parang biglang dumilim 'yung paningin ko. Kung kanina parang ang liwanag ng tingin ko sa kaniya, ngayon ang dilim na. Mabilis kaming nagkatinginang dalawa ni Arielle. I can tell na parehas kami ng iniisip ngayon.

Muli akong humarap kay Amber. "Ah, oo. Bakit?" I asked with my nicest voice.

Dahil sa totoo lang, it sucked how she asked that and made us feel na parang tungkol lang 'to kay Hiro. Hindi naman dapat big deal 'to but I can't help it. Akala namin parang kami na ang sadya niya, eh. Akala namin lumapit talaga siya sa amin para humingi ng tulong sa election na iyan pero at the end, parang lumapit lang pala siya sa amin just because of our connection with Hiro.

It really sucks, you know?

"Uhmm... kung pwede sana, pwede ba 'kong humingi ng tulong sa inyo para i-promote ang party-list namin? Sa class niyo lang naman sana or if possible, pwede rin sa iba niyong kakilala sa ibang sections and year levels," mahinhin niyang sabi with her really soft voice. "I already asked Hiro the other month if he could help me with this and he said it was fine with him. I just thought na baka pwede niyo siyang tulungan."

How Are You, My Ex?Where stories live. Discover now