V

2K 46 8
                                    

Days have passed at kahit hanggang sa kasalukuyan ay panay pa rin ang panunukso nina Ria sa akin tungkol sa nangyari noong nakaraang linggo. According to them, hindi nila kayang kalimutan ang sweet gesture na iyon. They thought it meant something.

Pero kung sa perspective naman namin ni Hiro kayo tumingin, wala lang sa 'min iyon. Pagkatapos ng insidenteng iyon, ganoon pa rin naman ang status namin—friends na parang hindi. Half-friends. Ewan ko, basta ganoon nga. Sinabi na rin kasi ni Hiro na apology gift niya 'yung donuts sa 'kin dahil sa kagaguhan niya 'nung first day.

Overall, we're good. Ang tropa lang talaga ang isyu.

"Psst, Astrid!" Narinig kong may tumawag sa akin sa kalagitnaan ng discussion ng Research teacher namin.

Tinukoy ko kung kanino nanggaling ang bulong na iyon. Inikot ko ang mga mata ko sa buong classroom at huminto nang nalaman kong si Ariella 'yun.

Hindi ako nagsalita. I only answered her with a questioning look on my face. Delikado na kapag mahuli kami ni Ma'am Tayona na nag-chichisman dito. Terror pa naman ang isang 'yon. Isang tingin lang niya eh pakiramdam mo tinutusok ka na ng karayom sa iba't ibang parte ng katawan.

"Gawa tayo assignment sa pre-cal bukas." Binasa ko na lang ang paggalaw ng mga bibig niya para malaman kung anong sinabi niya dahil hindi ko talaga siya marinig. Nahirapan pa 'ko doon dahil duh, ang hirap kayang mag-lipread!

"Ha? Saan?" tanong ko. Sumulyap agad ako kay Ma'am para malaman kung napansin niya na ba kami. Thankfully, hindi pa.

"Bahay niya," aniya habang nakaturo ang daliri niya kay Kyra na katabi niya na nakatingin din sa akin at naka-thumbs up. "Ano, game?"

Well, kung sa 'kin lang, game ako dun dahil nangangailangan talaga ako ng tulong sa pre-calculus. Never kasi akong naging magaling sa math. Pang-average na tao lang 'yung utak ko. Pero bago pa man ako sumang-ayon sa plano nila, dapat meron muna kaming kasamang magaling sa subject na 'yun.

Oh, diba. Tactics.

"Sino pa kasama?" I mouthed.

"Ria at Mitchie."

Bingo.

Nag-thumbs up agad ako pabalik nang binigkas niya ang pangalan ni Mitchie. Hindi na ako nagdalawang-isip pa dahil paniguradong may masasagot na kami sa assignment nang dahil sa kaniya.

Just to clear things up, hindi ako manggagamit. Ginagamit ko lang ng maayos ang resources ko. Ganoon dapat, eh. You have to unleash something's full potential para maka-benefit ka.

Napangiti na lang ako. Matapos kong makipagbulungan sa kanila ay humarap na ako sa blackboard para makapag-focus na sa discussion ni Ma'am. Nagulat ako nang hindi ko siya nakitang nakatayo sa harap. Pero mas nagulat ako nang napansin kong nasa tabi ko na pala siya at ang sama ng tingin niya sa 'kin.

Yari.

* * *

"Bilisan mo, girl, ha. Hintayin ka na lang namin sa gate," bilin ni Ria bago sila lumabas sa classroom pagkatapos ng last period namin which is Research.

Nagsilabasan na rin ang lahat pati na rin si Ma'am Tayona mula sa Research room. Naiwan akong mag-isa dahil inatasan ako ni Ma'am na maglinis ng buong kwarto kahit na may school janitor naman kami bilang punishment 'nung nahuli niya ako kanina.

Ang galing, diba? Ang galing.

Biyernes sana ngayon, eh. Supposed to be maganda 'tong araw na 'to dahil walang pasok pagkabukas. Ang ending, hindi pala. Ang malas ko talaga sa parusang 'to. Hindi pa naman ako sanay maglinis. But who am I to complain? Kasalanan ko 'yon. I was cautious but I wasn't cautious enough not to get caught.

How Are You, My Ex?Where stories live. Discover now