XVI

1.4K 37 5
                                    

Sinubukan kong 'wag masyadong tuonan ng pansin ang simpleng tweet na iyon pero hindi ko nakayanan. Tulad 'nung nangyari noon, inabot na naman ako ng alas dos ng umaga sa kakaisip at kaka-imagine ng mga ibig niyang sabihin sa tweet na iyon.

For me, it just feels different. Kung para sa iba wala lang iyon at isang di-hamak na opinyon lang, para sa 'kin naman, napaka-big deal na 'nun. Hindi ko nga rin alam kung bakit ganoon iyon kalakas makaapekto sa 'kin, eh.

Sabihin niyo nalang na assuming ako pero wala naman akong may nakikitang mali dun.

Pagkatapos ng sem-break namin na sobrang unproductive para sa 'kin dahil wala akong nagawang magandang makakatulong sa pag-unlad ng Pilipinas maliban sa pagnuod ng mga un-skippable ads sa videos ng mga Filipino Youtubers, natural, back to the harsh reality na naman ako.

And I do really mean it when I said harsh.

Dahil sa mismong pagpasok ko pa lang sa classroom, may tumapik na agad ng balikat ko at sinabing kailangan daw naming bumaba ngayon para linisan ang likod ng building na ikinagulat naming may sandamakmak na nakatambak na tuyong dahon.

Sanay naman ako sa mga gawaing-bahay pero hindi lang ako sanay na ginagawa 'to sa eskwelahan dahil uso naman ata janitor, diba? Ang dami kaya naming janitor na binabayaran dito. Hindi ko lang gets kung bakit namin kailangang gawin 'to.

"Para saan 'to?" tanong ko sa isa kong kaklaseng katabi ko sa pagwawalis ng mga dahon.

"Para daw matuto tayong maglinis. Isang araw lang naman."

Kumunot ang noo ko. Hindi ko alam kung tama ba 'yung iniisip ko o baka nag-ooverthink na naman ako. At isa pa, marunong na rin naman akong maglinis so para saan ba talaga 'to? Para sa mga rich kids dito na nabubuhay lang sa gawi ng mga maid nila? Edi ba't pa kami ngayon dinamay?

"Isang buong araw?" Tumango siya. "Lang naman?" Tumango ulit siya.

Nagulat ako dun dahil nga puro paglilinis 'tong gagawin namin sa araw na 'to. Ayos lang naman sana sa 'kin dahil siyempre, wala na namang nakakabagot na classes pero sa init na 'to? Naks. Hindi pa nga 'ko naka-isang minuto sa kakawalis, pawisan na 'ko. Tapos November pa ngayon. It's just weird dahil ang init pa rin.

"Tignan mo 'yun," aniya at tinuro ang dalawang babaeng nasa katabing building na ginagawa rin 'tong katulad namin. Kaso 'yung sa kanila, maiinis ka lang talaga 'pag nakita mong halatang nandidiri sila kahit nakahawak lang naman sila ng walis at hindi gumagalaw. "Para sa mga sosyalin tulad nila yata 'to."

Okay, fine. Dahil galit ako sa mga sobrang OA na mga sosyals na 'yan, susuportahan ko na lang 'tong clean-up ek-ek ng eskwelahan namin for today. It must be entertaining to see those rich kids clean.

"Hala, mukha ka nang demonyo, Astrid. Anong iniisip mo?" Nagulat ako sa boses na iyon na mula sa likuran. Pagkalingon ko, tumambad sa akin ang mukha ni Ria. Tapos dun ko na lang napagtantong baka kanina pa pala akong nakangisi rito na para ngang isang demonyo.

"Wala... nevermind," sabi ko. "Nga pala, wala pa sina Kyra?"

"Nasa classroom na sila. Pababa na 'yan dito."

Lumipat kami sa kabilang side ng building na parang walang may naglilinis at doon kaming pumwestong lima para makapag-chismis. Isang linggo din kasi kaming hindi nagkita matapos 'nung KTV namin kaya ang dami naming mga kuwento sa isa't isa.

Gusto ko nga sanang sabihin sa kanila 'yung tungkol sa tweet ng kupal na si Hiro kaso at the same time, may kung anong humihila sa 'kin para 'di gawin iyon. Nahihiya din ako, eh. Pero posible din namang nabasa nila iyon since may mga Twitter accounts naman sila. 'Pag nag-open-up sila, edi ilalabas ko na lang din 'yung mga inner thoughts ko.

How Are You, My Ex?Where stories live. Discover now