Chapter 5: In-Chief

8.1K 477 95
                                    

"GT, what are you doing?"

Wala namang kaso sa pa-writing contest na plano ni Vincent, pero hindi na talaga siya nakukuha nina Karen sa kung ano ang gusto niyang mangyari.

"Seven days lang? Para sa audition?" tanong pa ni Karen.

At naroon na naman sila sa di-kalakihang conference room ng DCE kasama si Carmela habang nag-uusap sa nakababaliw na mechanics na gusto niya.

"I said, not necessarily fresh," buwelta niya agad, dedepensahan ang pa-Prince-Charming-wanna-be game niya para lang mahanap si Althea Doe. "Puwede silang magpasa ng old story. Two chapters or short story lang naman. Hindi naman mahirap 'yon!"

"And the age limit must be 20 to 35 years old? Are you sure?" kontra ni Carmela habang tinititigan siya para makakuha ng sagot. Duda kasi ito sa mechanics ng contest. Tinalo pa ang job hunt para sa female guest-relation officer.

"If they are really deserving for Gregory Troye, isang araw lang ang kailangan nila para makapagpasa." Saka niya nginitian ang dalawa. "Tama ako o mali kayo?"

"GT, sana hindi love life ang usapan dito, 'no?" tanong ni Carmela na isa ring nagdududa sa gusto niya.

Kumunot ang noo ni Vincent at saka ngumisi. "Hindi nga! May hinahanap lang ako. And I want to see her. This is the only way."

"Girl?" kunot-noong tanong ni Carmela. "May Prince Charming Syndrome ka ba?"

Lalo lang siyang natawa. "Separated at birth ba kayo ni Karen? Gusto ko lang makita ang perfect collab partner ko, okay?"

"What about Cecil? Frank? Ray? Maddie? Available sila," alok pa nito.

Umiling si Vincent. "I don't like them. Sige na, follow my mechanics, mga darling. Minsan lang 'to."

Nagkatinginan na naman sina Karen at Carmela. Inaalam kung ano ang mas magandang gawin sa plano niya.

"Call Niz," suggestion ni Carmela. "For sure, babarahin niya 'tong plan."

"I know, right?" Ibinalik ni Karen ang tingin kay Vincent. "We'll contact Niz first, GT. We really need her opinion here."

Inilahad niya ang mga kamay. "Go ahead."

Alam naman niyang masyadong specific-sobrang specific-talaga ng gusto niyang mangyari. Magpasalamat pa sila dahil hindi niya ni-request na ang magpapasa lang ay may name na Althea. Baka kasi lalo lang siyang mahirapan kung sakali.

Naka-loudspeaker ang phone, nararamdaman niya ang malakas na buga ng air con, kanya-kanya na silang hintay ng pagsagot sa kabilang linya.

"Hi, boss!"

"Niz! At last!" magkasabay pang sagot nina Karen at Carmela.

"We need to talk to you, urgent," sabi ni Karen, nananakot pa ang tono para ma-pressure ang kausap. "May upcoming project ngayon ang DCE, ikaw ang magha-handle nito, sinasabi ko sa 'yo."

"Okay. Sure, boss."

Lumapit sa phone si Carmela. "Niz, this is Armie. Uhm, your team's reliance is too low. Mae forwarded a memo last Tuesday. Walang humahawak ng team dito sa office." Sinulyapan nito si Vincent na nakangiti lang sa kanila. "We need another hand."

"Another member?"

"Yeah. Yung active dito sa office." Tumango si Carmela habang nakatitig sa lalaki.

"Bahala na kayo, boss."

"Sure ka?" paninigurado ni Carmela habang hindi inaalis ang tingin kay Vincent.

"Yeah. And next week na ako pupunta for the book review, boss, ha? May aayusin lang ako. Birthday kasi ng mommy ko."

"Niz, may writing contest pala tayo ngayon, ha?"

Gregory TroyeWhere stories live. Discover now