CHAPTER 40 - Mission

Magsimula sa umpisa
                                    

“Are you out of your goddamn mind, Saiyan?!” He yelled, sending me a death glare. “Noon pa man alam mong ikaw ang magti-takeover ng ating kompanya kapag ako’y nagretiro na.” Dismayadong wika ni Lolo Ben. Kaya kinakailangan mong mag-aral ng kursong may kinalaman sa mga negosyo, Saiyan.”

“And how many times do i have to tell you that I have no interest in running a company, Lolo?”

“At anong gusto mo ha? Sa photography na wala ka namang kinabukasan? Saiyan, Gamitin mo nga ‘yang utak mo — ”

“Papasok na ako sa school, ‘lo.” I cut him off. “Ayaw ko pong ma-late kaya — ”

“Ang sabihin mo gusto mo akong iwasan.” Putol rin ni Lolo sa ‘kin. “Pero sinasabi ko na sa ‘yo, Sai, kahit anong gawin mo, ang gusto ko pa rin ang masusunod hindi ang sa ‘yo na wala namang kakuwenta-kuwenta.” ani Lolo na nagpainit na naman ng ulo ko pero bago pa man ako makapagsalita ay naunahan na ako ni Vegetta.

“Tama na, ‘lo.” Wika nito. “Hayaan nalang natin si Kuya Saiyan sa kung saan siya masaya. Nandito naman ako, e. Handa po akong palitan kayo sa kompanya kapag gusto niyo na pong magpahinga.” He said.

“No! That's a big no!” Bulyaw ni Lolo sa kapatid ko. “Gusto kong magtulungan kayong magkapatid kaya hindi puwede na ikaw lang at hayaan ko nalang ‘tong Kuya mong magpakagago sa buhay niya. Susundin ninyo ako, whether you like—

“Enough!!” Hindi ko na napigilan ang sarili ko. “We are not your goddamn puppets, nor your fucking robots!” Bulyaw ko kay Lolo. “Can't you see, Grandpa? May sarili din kaming mga buhay ni Vegetta kaya tama na ang pagpapaikot mo sa amin.”

“You're nothing in this family but a disgrace, Saiyan. ‘eto ang tatandaan mo ha,” Nakapamewang siyang tumitig sa akin ng diretso. “Darating ang araw na pagsisisihan mo ang  hindi pagsunod sa gusto ko. I'm not gonna tolerate your attitude, boy. Hahayaan kitang magdusa pagdating ng araw.” With that, He left. Doon lang ako nakahinga ng maluwag.

“Disgrace my ass.” Bubulung-bulong kong wika.

“Huwag mong dibdibin ang mga sinabi ni Lolo Benedicto kasi alam naman natin na galit lang talaga ‘yun sa ‘yo dahil hindi ka niya mapasunod sa mga kagustuhan niya, Kuya.” Wika ni Vegetta saka lumapit sa akin at tinapik-tapik ang balikat ko. “Ang tapang mo nga kanina, e. Akalain mong kaya mong sagut-sagutin si Lolo?”

THE CAMPUS SEVEN BAD BOYS ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon